Thirty-Second Mystery

51 0 0
                                    


Forming Hypothesis

Girlie Justine Samalca

Nagising ako sa liwanag ng sikat ng araw. Nakalimutan ko atang isara ang kurtina ko kagabi at bigla kong naalala na nakatulog nga pala ako sa balikat ni Jiro habang nasa byahe.

Hindi ko mapigilan ang pag-init nang mukha ko nang maisip ko ang bagay na iyon. Mukhang binuhat niya rin ako papunta rito sa kwarto ko.

Nakakahiya kay Jiro!

I am doing my morning rituals nang biglang may kumatok sa kwarto ko.

"Girlie, gising ka na ba?" rinig kong tawag ni Kuya Ram sa akin habang kumakatok pa rin sa pintuan.

"Wait lang, Kuya. Lalabas na." sigaw ko sa kanya.

Panigurado kasi ay hinihintay nila akong mag-breakfast.

"Okay. Sunod ka na lang ha!" sabi niya sa akin na siyang tinanguan ko na lang kahit hindi niya nakikita.

Maya-maya lang ay lumabas na ako para saluhan sila sa almusal.

Kumpleto na sila sa dining table ng dumating ako. Kuya and Raf already arguing about the table manners na halos araw-araw na lang nilang pinagtatalunan. Si Jiro naman ay patay malisya lang. Gayundin si Leo na siyang unang nakapansin sa akin.

"How's your sleep? Are you sleeping well in your room?" bungad sa akin ni Leo nang mapansin niya akong nakatayo lang malapit sa kanila at namamasid.

"I'm sure na mas maganda ang tulog niya sa balikat ko." asar sa akin ni Jiro when he spotted me too.

Pakiramdam ko ay nag-init ang mukha ko sa sinabi niya. I didn't know that Jiro was mischievous like this. Mukhang ibang side na naman niya ito.

"Anyways, join us here." yaya sa akin ng dalawa.

Tuluyan na akong lumapit sa kanila at umupo sa pwesto ko katabi ni Kuya Ram.

Busy pa rin silang nag-aaway ni Raf kaya hindi pa rin nila ako napapansin.

"Nagsasawa na akong sawayin iyang dalawang iyan. Araw-araw na lang. Wala nang bago." sambit ni Jiro.

"Routine na ata nila iyan eh." sang-ayon ko naman.

"Sooner I know that somebody will change that routine." saad pa ni Jiro at kumuha na ng tinapay na pinalamanan niya ng ham at cheese.

Patuloy lang kaming kumakain habang patuloy pa rin ang pag-aaway ng dalawa. Ni hindi nga napansin ni Kuya na kasabay nila ako.

Nang matapos akong kumain ay niyaya ko sila Leo at Jiro na pumunta sa underground arena.

"Nacio, Ello, gusto ninyong sumama? May ikukwento raw si Girlie." sigaw ni Leo nang yayain ko siya.

Nagulat ang dalawa sa sinabi nito. Hindi nila kasi napansin na nandito na ako.

Tumigil ang dalawa sa pag-aaway.

"Kumain ka na ba, Girlie?" tanong ni Kuya Ram sa akin.

Tumango Lang ako.

"Sus, kanina ka pa pala dito hindi ka man lang nagsabi. Kakain lang kami ng maayos ni Ello tapos tutuloy na kami sa underground arena. Wag ka munang magkwento." nagtatampong sabi ni Kuya at nagmadali nang kumain.

Wala pang limang minuto ang hinintay namin sa underground arena nang dumating ang dalawa. May dala-dala pang limang malalaking Piattos si Raf.

Binigyan niya kami isa-isa.

"Bilis, Girlie, magkwento ka na. Nakakatakot ba iyan?" tanong ni Raf sa akin.

Napatawa ako sa sinabi niya.

Cryptic Agency 1: Keys for Hidden Mysteries (Completed)Where stories live. Discover now