Eleventh Mystery

65 2 0
                                    

Venus Roscoe and Lian Yamazaki

Alas-dos palang ng umaga ay nagising na ako. Ipagluluto ko sana ng sinangag ang banda ng makita ko si Kuya Ram na nagluluto na sa kusina. Nagluluto siya ng hotdog ng madatnan ko siya.

"Good mornight, kuya. Ang aga natin ha!" bati ko sa kanya ana bahagya niyang ikinagulat.

"Uhmm... pinagluto ko ang banda ng pagkain as my token of forgiveness. All of these months, ako lang pala yung nagpapahirap sa banda." sabi niya na biglang lumungkot ang mukha.

Hinatak ko ang gilid ng bibig niya para sapilitan siyang i-ngiti.

"Ano ba, Girlie, ang sakit nun ha!" impit sa sakit na sabi ni Kuya.

Tinawanan ko lang siya.

Around 3:00 am, nagising na rin ang lahat. Kumain kami nang walang ilangan. Wala na yung invisible wall sa pagitan ng banda. Mukhang maayos na ang lahat. Kawawa nga si Raf dahil nakakatanggap na siya ng kutos kay Jiro kapag tumatalsik yung kinakain niya kasi nagsasalita siya plus sermon si Kuya Ram sa table manners niya. Taga-tawa lang kami ni Leo. Ilang minuto pa ang lumipas ay naubos ang Hotsilog ni Kuya Ram. Ang ganda nilang tignan pag ganyan sila palagi.

"Malayo raw ang byahe kaya bilisan nating kumilos. Boys, sabay-sabay na kayong maligo sa mga kwarto ninyo at ako na ang bahala sa mga pinagkainan. Huhugasan ko lang ito saglit tapos maliligo na rin ako at aalis na tayo." paalala ko sa kanila.

Nag-salute sa akin si Raf bago umakyat pataas. Ang kulit talaga ng isang iyon.

Si Leo naman at si Jiro, dire-diretso lang na umakyat.

Si Kuya Ram, nang-asar na sumabay daw ako kay Leo na siyang ikinapula ko tapos tumawa siya at umakyat na rin.

Kainis. Dapat hindi ko na lang sinabi kay kuya na may gusto ako kay Leo.

Dahil sa sobrang aga kong nagising, hiniling ko sa kanila na katabi ko si Kuya Ram para makatulog ako sa lap niya at pumayag naman sila.

Ang haba ng naging byahe namin na hindi ko lang namalayan dahil natutulog lang ako sa lap ni kuya. Paggising ko ay ako na lang ang nasa van at nakita ko ang apat na naglalakad na. Hindi na raw pwedeng pumasok ang van doon dahil pinagbabawal daw. Ang driver ang gumising sa akin at ang mga make-up artist na ang kasabay kong naglakad papuntang venue. Kainis na mga lalaki. Hindi man lang ako hinintay.


At exactly 10:45 am, narating namin ang venue ng pagkukuhaan ng music video. Isa siyang lugar sa ilalim ng bundok kung saan may magandang talon at masukal na kagubatan. Pagdating namin doon ay naroon na ang mga staffs na kukuha sa music video. Hinihintay na lang daw ang grupo namin at ang director dahil mangagaling pa raw ito sa Russia. Tuwang-tuwa pa nga si Raf sa place kaya lang kailangan na nilang ayusan agad para matapos din daw agad.

Inayusan na nga ang AiD nang kani-kanilang make-up artist samantalang ako naman ay todo check sa mga equipment at script na gagamitin sa music video. Ang ganda nga ng concept ng music video. It is about the adventure nang magkakabarkada. They explore the beauty of nature as if it was their first love. Ang ganda ng concept. I also check the music na gagamitin sa music video. It was their recorded song. Ang ganda nito. Nakakarelax at the same time nakakaencourage na alagaan ang Mother Nature. Bilib na talaga ako kay Jiro. He is talented.

Pagkatapos kong i-check lahat ng equipments, pumunta na ako sa gawi nila kuya para i-check kung okay na sila. Nang makalapit ako sa kanila,dumating na ang isang babaeng maputi, blonde at matangkad. She wears a simple white off-shoulder blouse. Her jeans tuck-in above her hips. She has a three inches silvery slippers. Naka-sun glasses siya. Pagkatanggal niya ng salamin ay bubungad sa iyo ang kanyang hazelnut brown eyes. Nakakalula ang kagandahan ng babaeng ito. She is really a reincarnation of the goddess of beauty.

Cryptic Agency 1: Keys for Hidden Mysteries (Completed)Where stories live. Discover now