Third Mystery

131 6 0
                                    

Carelessness: Her Secret Reveals

Kinabukasan...

Maaga akong nagising para pagsilbihan ang mga anghel sa dorm na ito na mga tulog mantika dahil 7:30 am na at naghihilik pa.

Nasanay kaya sila sa paggamit sa time zone nang pinuntahan nilang bansa?

Nagluluto ako ng sinangag nang biglang nag-ring yung telepono ko na ginagamit ko sa aking trabaho. Agad ko itong sinagot.

Gagawa na naman pala ako ng isang misyon mamayang hapon at kung sinuswerte ka nga naman yung venue ng mission ko ay yung mismong lugar ng concert nila kuya.

Simple lang naman ang trabaho ko. I just need to gather information about the event organizer ng concert. He might be the lead on who is the murderer of my mom.

Agad akong nagpasalamat kay Almighty sa pagbibigay niya sa akin ng trabahong ito at sa pagtulong na rin niya sa pag-iimbestiga sa pagkamatay ng nanay namin.

"Just be extra careful. Maraming matang nagmamasid sa iyo roon." paalala sa akin ni Almighty.

"Don't you worry. I will make sure that no one may discover my identity." sabi ko sabay taas pa ng right hand ko as a promise kahit hindi niya naman nakikita.

"Don't make any stupid stunt again." paalala niya pa.
"Yes, sir." sabi ko na nakasalute pa.

Maya-maya, nakarinig ako ng isang nakakainis na tawa.
Kasasabi lang sa akin na be careful eh!

Agad kong pinatay ang tawag kahit hindi pa tapos ang usapan namin ni Almighty at humarap sa tumatawang si Raf.

"Ka-nina ka pa?" nauutal kong sabi dahil baka narinig niya lahat ng usapan namin.
Bakit ba kasi hindi ako naging aware in anytime pwedeng gumising ang isa sa kanila at dumiretso rito sa kitchen?

"May tinatago ka ba na di ko dapat malaman?" tanong niya sabay lapit ng mukha niya sa akin.

Tinitigan niya ako nang maigi sa mga mata. Ilang beses akong napalunok sa paraan ng pagtitig niya.

Mabibisto na ba niya ako?

"Ah... eh... Ano naman yung... itatago kong sikreto?" nauutal kong sabi habang nararamdaman ko ang pagtulo ng pawis sa noo ko.

Maya-maya pa ay inalis na ni Raf ang titig niya sa akin at nakahinga ako ng maluwag nang muli siyang tumawa.

"Don't you worry nakita lang kitang nag-salute sa kausap mo kaya kita tinawanan. I find it weird. Regarding whatever your secret is, I don't care 'cause I have mine too that I don't want to share." seryosong sabi ni Raf na siyang lalong nakapagpanatag ng kalooban ko.

"And one more thing... Nasusunog na yung bawang mo. Do the next step." dugtong pa niya at tuluyan nang lumabas sa kusina.

Tinignan ko ang niluluto ko. Nasunog na nga ang bawang dahil sa pinagtripan ako ni Raf.

3:00 pm... Concert Venue
At exactly 3:00, narating na namin ang venue ng concert nila kuya after nilang magpahinga sa loob ng tatlong buwan.

Hindi pa man nagsisimula ay dagsa na ang mga tao sa pintuan nang arena kaya't napilitan kaming pumasok sa fire exit para hindi mapagkaguluhan ng mga tao.

Kanina pa ako nakapirma ng kontrata na dalawang taon akong magiging official photographer ng banda kaya palagi akong nasa tabi nila.

Pagdating namin sa venue at agad akong nag-excuse kila kuya na hahanap ako ng magandang anggulo para kumuha ng litrato na siyang sinang-ayunan naman nila.
Pero ang totoo ay dumiretso ako sa isang bakanteng dressing room at nagpalit ng disguise.

Cryptic Agency 1: Keys for Hidden Mysteries (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن