Twelfth Mystery

61 3 0
                                    

A Mission with Jiro?

"Ang cute ni Girlie pag natutulog. Para siyang isang batang anghel." naririnig kong tinig ng isang lalaking parang si Leo.

"Buti pa siya hindi tumutulo laway pag natutulog. Di katulad ng isa diyan." may hint nang pang-aasar sa boses ni Raf.

"Hoy, ikaw kaya itong tulo-laway pag natutulog. Humihilik pa nga. Gross!" halatang nandidiring sabi ni Kuya.

"Sshh, magigising na si Angel Princess Girlie niyan." banggit naman ni Jiro.

Teka, ano bang nangyayari rito? Ang huli kong natatandaan, nakapatong ang ulo ni Jiro sa balikat ko dahil nasa van kami. Nakauwi na ba kami? Kung oo, anong ginagawa nila sa kwarto ko? Pinagmamasdan ba nila ako?

Kinusot ko ang mga mata ko bago ito dinilat. Nakita kong nakatitig nga ang mga lalaki sa akin. Bahagya akong namula.

"Bakit kayo nandito? Saka, paano ako nakarating dito?" sunod-sunod na tanong ko.

"Hiniga ka ni Nacio sa sofa, ang bigat mo raw." may halong pang-aasar ni Raf.

"Ang hirap mong gisingin kaya pinatulog ka na lang namin dito. Tara, kain na tayo ng almusal. Nagugutom na si Rafaello." sabi ni Kuya Ram at hinila na ako patayo. Binitawan naman niya ako agad nang makatayo na ako at sinabing sumunod ako sa kusina.

Ginawa ko naman kaya lang nang napadaan ako sa pagitan ng dining area kung saan may isang salamin ay napahinto ako. Pinagmasdan ko ang sarili ko. Tumaba na ba ako? Ang bigat ko raw kasi.

Ilang minuto pa ako sa salamin nang maramdaman kong inakbayan ako ni Leo.

"Don't be conscious to your figure. Weak lang talaga si Nacio kaya ang bigat mo raw." sabi ni Leo tapos inalis niya ang pagkakaakbay niya sa akin at ginulo ang buhok ko.

Leo has this familiar brother figure.

"So conscious about yourself? Wag kang mag-alala cute ka pa rin naman. Tara, kain na tayo, nagluto ng pancake si Manager O." sabi ni Ello at pinisil niya ang cheeks ko na feeling ko ay namula.

Nagluto si Manager O? Pinagluto sila ang manager nila? Kakaiba talaga itong bandang ito.

"'Cause in everyday, every night, I keep on looking at the stars..." malakas na ring ng isang cellphone sa may lamesa.

"Who's phone is ringing?" naiiritang tanong ni Jiro na kasalukuyang kabababa lang ng kwarto niya.

Umakyat kasi siya uli kanina paggising ko, maghihilamos lang daw ulit.

Hinanap niya yung nag-riring na cellphone. Nang makita niya, he pick it up at doon ko lang napagtantong WORKING CELLPHONE KO YUNG TUMUTUNOG!!!!

Tinakbo ko ang pagitan ng sala at dining area at mabilis na kinuha ang phone ko para sagutin but I failed kasi tinaas niya ang phone ko.

"Akin na ang phone ko! Kailangan kong sagutin iyan baka importante." sabi ko habang pilit na inaabot ang working cellphone ko.

"So, it's Clio's phone." bulong niya habang nakangisi at sinagot ang tawag.

Shoot! Dapat hindi niya sinagot.

"Jiro, ibalik mo sa akin yung cellphone ko." pilit ko pa ring agaw sa kanya.

Ngumisi lalo si Jiro at nagtatakbo pataas. Bwisit talaga! Sana si Leo na lang ang nakakita ng phone ko. On a second thought, sana pala nalaman ko na lang agad na cellphone ko ang tumutunog baka kung ano pa ang matuklasan ni Leo.

Hingal na hingal ako ng marating namin ang roof top ng dorm na may pintuan. Agad niyang ni-lock ang pintuan nito at nag-enter ng ibang security password. Buti na lang nakapasok ako bago niya naisara.

Cryptic Agency 1: Keys for Hidden Mysteries (Completed)Where stories live. Discover now