Forty Fifth Mystery

47 0 0
                                    


The Fourth Member


Girlie Justine


Kinabukasan ay nagising ako sa pitik ni Kuya sa akin sa noo.

"Hay naku, pinipitik ka na rin ngayon para magising! Bangon na riyan, ihahatid na natin si Jiro sa kanyang huling hantungan." halata ang pagkalungkot sa boses ni Kuya ng banggitin niya ang huling mga salita.

Ako rin ay muling nilamon ng kalungkutan.

Wala na nga... Wala pa rin si Jiro.

Ginulo ni Kuya ang buhok ko at tinulak-tulak ako papunta sa CR dito sa loob ng kwarto ko.

"Smile, Girlie, dahil pagkatapos na pagkatapos mailibing ang urn na iyon, we will talk to Greg immediately. Pumayag na si Leo na bumuo ng isang idol group. Sisimulan na natin ang recruitment mamaya. Ilang minuto lang dapat ang mourning mo, Girlie." bulong ni Kuya sa akin.

"Talaga, pumayag na si Leo? Thanks, Kuya. Thank you very much." sabi ko at hinalikan sa pisngi si Kuya.

Namula ang pisngi ni Kuya sa ginawa ko.

"Yeah, yeah. Go, bilisan mo na para matapos na rin ang agony natin." saad niya at Lalo akong tinulak papasok sa banyo.

Nagpatulak na lang ako at nagmadali nang maligo.

Pagkatapos kong maligo ay nakahanda na sa kama ko ang plain white dress na susuotin ko para sa libing.

Mukhang si Kuya ang naglabas nito.

Jiro's favorite color is white kaya malamang sa malamang ay nakaputi kaming lahat.

Saglit lang na natapos ang paglilibing.

Nagsaboy lang kami ng mga bulaklak habang pinapasok ang urn niya sa isang grave.

Very Filipino like.

Walang masyadong tao sa libing. Iilang malalapit na kamag-anak lang ni Jiro at ilang mga kaibigan Ang nakipaglibing.

Napahagulgol si Ali ng ihagis niya ang bulaklak niya para kay Jiro na agad naman inalo ni Leo na hindi ko sure kung in a relationship na ba sila.

Si Angel din ay naroon at naghagis ng bulaklak. Ello tried to comfort her pero pinalalayo niya si Ello sa kanya. I don't know their story.

Si Ms. Ellen at Ms. Lian ay sabay nagsaboy ng bulaklak. Mukhang wala pa ring ideya si Ms. Ellen na anak niya ang inililibing ngayon.

Ako naman ay hindi naghagis ng bulaklak ni lumapit sa urn.

Naniniwala akong hindi naman iyon si Jiro. What's the worth of crying about his death kung hindi naman talaga siya yun?

Pinangatawan ko ang paniniwala kong buhay siya dahil sa pangako niya.

Saglit lang at natapos na ang funeral.

Walang nagbigay ng elegy dahil hindi raw nila kayang magpaalam kay Jiro.

"We believe that even his body was buried, he was still up here. Walking in Earth, hoping to find his way back home." saad ni Mr. Takashi nang may magtanong sa kanya kung bakit walang elegy na ginawa para kay Jiro.

After nun ay agad hinanap ng paningin ko si Greg.

Sa tangkad ni Greg ay hindi malabong makita ko siya agad.

Nilapitan ko siya at tinap ko ang kanyang balikat.

"Hindi ako makapaniwala na Wala na siya. Parang kailan lang ay nakasama ko siyang kumanta sa isang entablado. Naka-duet ko siya sa isang kanta. Ngayon, wala na, wala na si idol. Hindi na mauulit ang kantang pinagsaluhan namin sa Cherub Foundation ng araw na iyon." reminisce ni Greg sa huling araw na nakasama niya si Jiro.

Cryptic Agency 1: Keys for Hidden Mysteries (Completed)Where stories live. Discover now