Twenty Fourth Mystery (Part 1)

59 2 0
                                    


Training of Mind Set

(Part 1: Jiro)


"Girlie, wake up. Mag-ayos ka na. Hihintayin kita sa baba within thirty minutes. Got it." basa ko sa text na natanggap ko mula kay Jiro.

Hindi pa man masyadong nakadilat ang mata ko dahil sa late na ako nakatulog kagabi sa kakaisip kung bakit kami bibigyan nang mahirap na misyon ni Almighty, dagdag mo pa ang pagdududa ko sa tunay na katauhan nila Raf at Leo plus mayroon pa akong Daryl na iniisip, ay agad-agad akong bumangon para maligo.

Hapon si Jiro at hindi Filipino kaya alam kong napaka-importante ng oras sa kanya.

Mabilisang paliligo at pagbibihis ang ginawa ko para makahabol ako sa oras na binigay ni Jiro.

Halos takbuhin ko pa ang papuntang kusina dahil alam kong naroon siya para lang mahabol yung oras na sinasabi niya.

Pagdating ko roon ay agad kong nakitang nakaupo ang tatlo sa kani-kanilang pwesto, maliban kay Jiro.

"Good morning." bati ko sa kanila.

Binati rin naman nila ako at niyayang kumain.

"Nasaan nga pala si Jiro?" tanong ko sa lahat.

Nagkatinginan ang tatlo na tila nag-uusap sa mga mata at si Kuya Ram ang sumagot sa akin.

"Alam ko natutulog pa si Jiro eh!" sagot ni Kuya Ram sa akin.

Napa-face palm ako.

Lintik na Jiro iyan. Pinagmamadali ako tapos tulog pa pala siya! Kaasar!

Mag-wa-walk out na sana ako nang marinig ko ang tawanan ng tatlo.

Ako ba ang pinagtatawanan nila?

"Girlie, nagbibiro lang iyang si Nacio. Nasa underground arena si Jiro. Doon ka na lang daw niya hihintayin. Ang tagal mo raw kasi." bawi ni Leo sa pahayag ni kuya kanina.

"Kumain ka muna. Marunong maghintay si Jiro. Hindi katulad ni Nacio, masyadong mainipin." saad naman ni Raf at masama siyang tinignan ni kuya.

Lihim na lang akong napangiti sa kakulitan nila.

"Tama na nga iyan, kumain na tayo. Yari tayo kay Jiro kapag hinawakan pa natin ng matagal si Girlie." utos ni Leo at nagsimula nang kumain ang lahat.

Maya-maya pa ay nagpaalam na ako na pupuntahan na si Jiro kahit na hindi ko alam kung saan ang underground arena na iyon.

Palabas na ako ng bahay ng pigilan ako ni Kuya Ram.

"Saan ka pupunta?" tanong niya sa akin.

"Pupuntahan na si Jiro. Saan pa nga ba?" sagot ko naman.

"Eh, bakit palabas ka na?" banggit ni Kuya Ram.

"Sympre, pupunta ako sa underground arena." saad ko naman.

Paano ako makakarating sa isang lugar nang hindi lalabas sa bahay na ito? Nababaliw na ba siya?

"Hindi mo alam ang underground arena no!" sabat ni Leo sa usapan na siyang nagpailing sa akin.

"Magtatanong na lang ako roon." saad ko.

Malapit lang siguro iyon sa training ground na pinuntahan namin noon.

"Walang nakakaalam nun maliban sa amin dahil ang tinutukoy naming underground arena ay ang mismong basement ng dorm house na ito. Doon kami palihim na nag-aaral ng martial arts, Girlie." paliwanag ni Leo na siyang nagpalinaw sa akin ng sitwasyon.

Cryptic Agency 1: Keys for Hidden Mysteries (Completed)Where stories live. Discover now