Twenty Sixth Mystery

43 0 0
                                    

The End Game of the Mission

Pagkapasok na pagkapasok pa lang ng dalawang membryo ng mafia ay bakas na ang tensyon sa lugar.

Mukhang may nakahalata sa emblem nila.

"May mafia transaction dito!" sigaw ng isang customer sa hindi kalayuan.

Malakas ang sigaw na iyon para magpanic ang mga tao.

Mukhang hindi na namin kailangang gumawa ng eskandalo ni Aries para makuha ang atensyon ng lahat dahil sapat na ang sigaw na iyon para magmadaling magsilabasan ang mga tao.

"Sheet!" sigaw ng isa sa mga mafia transactor at hinostage ang customer na sumigaw.

"Do you know what you ruined?" ani nito na siyang nagpakilabot sa sumigaw na customer.

"Sabi ko naman kasi sa iyo, hindi dapat tayo pumayag na sa isang pipitsuging restaurant lang tayo magkita eh." inis na sabi ng isa doon ata sa terrorista.

"Bitawan mo siya. We are the police. Nandito kami para dakipin kayo." sigaw ni Aries sabay labas ng caliber 45 niya.

Nagulat ako sa ginawa niya.

It was a reckless action.

"Aries, ano bang ginagawa mo?" bulong ko sa kanya.

"Just get the suitcase gamit yung long fork ni Archangel Jophiel then run. May mga agents na naghihintay sa labas." bulong ni Aries sa akin.

Napunta sa kanya ang atensyon ng nung may hawak na hostage samantalang lihim na lumayo yung terrorista at yung isa pang kasama nung mafia.

"What? Do you think a police like you can defeat us?" mayabang na saad ng isa sa mga mafia transactor na may hawak doon sa sumigaw na customer.

Kinuha ko ang oras na iyon para pasimpleng dukutin ang suitcase sa table kung saan pasimpleng tumutuloy amg transaction.

Mukhang ginawa nilang front act ang hostage taking kuno para makuha ang atensyon namin.

Shoot! Mukhang kanina pa nila alam na agent kami.

Habang nakikipagbarilan si Aries sa lalaking may hawak ng hostage ay pasimple kong inilabas mula sa suitcase namin ang long fork at sinungkit ang suitcase na mukhang bubuksan na.

I successfully get the suitcase kaya lang...

"Drop the act. The girl over there got the Pandora's Box." sabi nung terrorista.

I immediately got the suitcase.

Kumuha ng bleach bomb doon. Inihagis sa terrorista at mafia transactor.

Napaubo ito at nabalot ng fog ang paligid.

Inaabot ko kay Aries ang suitcase ni Archangel Jophiel at tumakbo kami palabas ng restaurant habang may usok pa.

Hindi pa kami nakakalayo ay hinabol na kami ng baril ng mga kalaban.

Nakipagbarilan naman si Aries habang tumatakbo kami.

Tila bihasa siya sa paggamit ng caliber 45.

Nang maubusan siya ng bala ay naglabas muli ako ng bomba para makatakas kami.

Matagal-tagal ang epekto nun kaya nakarating kami sa nakastandby na staff.

Inabot ko sa kanya ang Pandora's Box at kumuha ng twin revolver sa suitcase ni Archangel Jophiel at binalaan siyang magmadali na dahil nakita ko ang paghahabol sa amin ng mga kalaban.

Pinaulanan nila ng bala ang sasakyang papalayo ngunit pinigilan ito ni Aries na tumama sa kotse sa pamamagitan ng pagpapaulan din ng baril.

"Do you think you can run away? Give us the Pandora and we spare your life." sabi nung terrorista na nakahuli sa akin at tinutukan kami ng isang shot gun.

Bumakas ang takot sa mukha ko lalo na't malaman kong wala na kaming matatakbuhan.

"We can't give you the Pandora. Can't you see? we don't have it." matapang pa rin na saad ni Aries.

Sa tapang na pinakita niya ay nabuo muli ang loob ko.

I trained for four days for this. Hindi kami matatalo.

Sa sinabing iyon ni Aries ay nagpaulan ng bala ang terrorista kasabay ng dalawang mafia member.

Sinasalag iyon ni Aries sa pamamagitan din ng baril.

I also do the same thing.

"Muse, run away. Call for back up." ani ni Aries na nakangiti.

"But..." sagot ko sa kanya.

I can't leave him alone. He can't fight four.

Ngumiti siya sa akin.

"I will not die. Just leave or we will both die." sabi niya.

Binigyan ko siya ng apologetic look. Telling him to not let me go.

"Just leave." matapang at pasigaw na saad niya.

Wala akong nagawa kundi ang tumakbo.

Akala ko ay ligtas ako ngunit hinabol ako nung mafia member na ka-transaction nung terrorista.

"You can't save your life. You ruined billion dollars you know." saad niya sa akin at pinaulanan na ako ng bala.

I can't do anything but to fight back.

Nakikipagbarilan na rin ako.

Bang.Bang. ang tanging tunog dito sa field kung nasaan kami.

Hindi ko alam kung saan-saan na ako natatamaan basta nakikipagbarilan lang ako.

Maya-maya nakita ko si Aries na duguan at tumatakbo papunta sa akin.

Hinabol ko siya habang nakikipagbarilan pa rin.

Then, nakakita ako ng isang malaking puno malapit sa tinatakbuhan namin.

Inihagis ko ang last bomb na meron ako at kinaladkad si Aries doon.

Nang makarating kami roon ay doon ko lang namalayan na may tama ang mga binti ko.

I winced in pain pero hindi ko na yun pinagtuunan ng pansin.

We need to save ourselves.

Maya-maya pa ay nakarinig na ako ng putok ng baril.

Mukhang hinahanap na nila ang lokasyon namin at nasa malapit lang sila.

"Call for back-up." ani ni Aries na nanghihina na at namimilit na umalis sa kinatataguan naming puno.

"Don't leave, Aries. You can't fight back. Stay here." saad ko sa kanya.

Marami nang dugo ang tumutulo sa kanya and I can't take that risk.

"Diyan ka lang." sabi ko at inilapat siya sa may puno.

Pinilit pa niyang habulin ako kaya lang mukhang malala ang tama niya sa binti kaya hindi siya makatayo.

Bago ko tuluyang lumabas sa pinagtataguan ko ay inabot ko ang speed dial sa cellphone ko.

"SOS. Apple Tree sa tapat ng Star Hotel." tanging sambit ko nang marinig kong nag-hello ang sinumang nasa kabilang linya.

It doesn't matter on who he/she was. We need some help.

"Just stay where you are. Don't leave. Wait for us." rinig kong boses ni Jiro sa kabilang linya.

Shoot! I asked help from a civilian but if it make us escape death, I don't care.

"Don't do anything stupid anymore. I am watching you." ani pa niya.

"Please, hurry, Jiro. Save us." naiiyak na sabi ko at nag-dial tone na ang kabilang linya.

I need to buy time before he went kaya mula sa kinaroroonan ko ay inihagis ko ang boomerang na binigay ni Leo.

It doesn't matter if bumalik un o hindi basta matamaan lang sila.

"Where did that come from?" rinig kong tanong nung terrorista.

"Its came from over there." sabi nung isa na mukhang ang pinagtataguan na naming puno ang tinuturo.

Please, Jiro, come. Bilisan mo na ang pagdating.

You are the one who can help us.

Cryptic Agency 1: Keys for Hidden Mysteries (Completed)Where stories live. Discover now