First Mystery

531 11 0
                                    

Entering the Gate of Mysteries

"Mission accomplished, sir! No casualties." report ko sa boss ko.

Katatapos lang nang grupo ko sa isang spying mission. Success naman kahit na muntik na kaming mabisto.

"Are you sure, Clio? Baka mamaya may galos ka na naman." nag-aalalang tanong ng boss ko sa kabilang linya.

Napakagat-labi ako. Hindi ko na talaga mauulit ang kasinungalingan ko sa isang ALMIGHTY.

"Tama ako no? Saan ka naman tinamaan ngayon?" nag-aalala pa ring sabi niya.

Minsan na kasi akong nadaplisan ng bala ng baril left leg ko at hindi ko iyon ini report. I don't want them to worry about my condition. Hindi naman kasi malala. Then, ngayon, may tama naman ako ng tsuricane sa may bandang balikat ko nang habulin kami ng mga target namin nang malamang nag-iispiya kami sa kanila.

"May gasgas po akong natamo sa may balikat pero hindi naman po malalim. Nalapatan na po ng first aid. Don't need to worry." sabi ko sabay ngiti kahit na hindi ako nakikita ng kausap ko.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ng kausap ko. Kilala na niya ako bilang ang matigas na s ulong si Clio.

"Tsk. Wala ka pa ring pinagbago. Ganyan ba talaga kita pinalaki?" tanong niyang muli at sa tingin ko'y nagkakamot na naman siya ng kanyang batok. Ugali niya yun pag naiinis siya sa katigasan nang ulo ko...

Maliban sa pagiging boss ko, si Almighty na ang tumayo kong ama noong 15 years old ako, taon kung kailan ako nagpasyang umalis sa ampunan. Bagama't parang anak na niya ako, hindi ko alam ang tunay niyang itsura at kung ano ang tunay niyang pangalan.

Tinawanan ko siya at agad-agarang sumagot nang ganito: "Alam naman natin na ganito na talaga ang ugali ko, dati pa bago pa man tayo nagkakilala."

Tinawanan lang ako nang nasa kabilang linya.

Gusto ko pa sanang pahabain ang usapan namin ngunit narinig kong nag-ring ang isa ko pang telepono.

Agad-agad na akong nagpaalam sa kausap ko sa kabilang linya dahil sa may gustong kumausap sa akin sa official phone ko at hindi ko alam kung paano magpapalusot gayong alam nang lahat ng nakakaalam nang numero na iyon ay wala akong trabaho at hindi busy ang linya.

Pag tingin ko ay rumehistro ang pagtataka dahil numero lamang ang nakasulat. Agad-agad kong pinatay ang tawag at natulog na...

3:30 midnight...

"I'll taste every moment and live it out loud... because this is time... this is time to be..." tunog ng official cellphone ko.

Nagising ako sa lakas ng ringtone na iyon kaya't agad akong napabangon para patayin ang tumutunog na cellphone ngunit nang makita ko ang naka rehistrong pangalan ng tumawag ay agad rumihestro ang inis sa mukha ko.

Sira ulo itong Ramuel Ignacio Santiago na ito. Hindi ba niya alam na magkaibang-magkaiba ang oras ng Pilipinas at Amerika?

Siguro iniisip ninyo na boyfriend ko itong si Ramuel. Sus, nagkakamali kayo. Hindi naman ako narcissistic at ma-inlove sa sarili diba. Do you get what I mean?

By the way, Clio is not my real name. It is just my code name. I am Girlie Justine Samalca. Everyone called me Girlie except sa mga ka-trabaho ko na hindi ako kilala in person. I think do you have a job name in your mind but I will not tell you if you are right or wrong.

So, balik na tayo sa tumatawag sa akin. Kahit naiinis ay sinagot ko ang tawag niya. Aba, namimiss ko rin naman yung kambal ko na iyon. Yes, kambal kami at magkaiba kami ng apelyido dahil naampon siya ng isang mayamang negosyante at ako ay naiwan sa orphanage at muntik nang magmadre kung hindi ko nakilala si Almighty at magtrabaho sa pangalan niya.

Cryptic Agency 1: Keys for Hidden Mysteries (Completed)Where stories live. Discover now