Eighth Mystery

77 2 0
                                    

Many Questions, Few Answers


At exactly 11:00 in the morning, nakalabas na ako ng ospital. Wala naman na daw na komplikasyon kaya pwede na akong i-release. Hindi naman na ako minor para maghintay pa sa guardian.

Pagkalabas ko ay sumalubong agad sa akin ang polluted na simoy ng hangin. Sinundo pa nga ako ng company car. Gusto raw akong makita ni Almighty bago maglunch. Kanina rin pala tinawagan ko si Kuya Ram na uuwi na ako kasabay si Jiro. Pag-uusapan kasi namin ngayon iyong tungkol sa pagkamatay ni Ms. Lily. Wala nang dalawang isip na pumayag si Kuya although nagtatampo siya dahil hindi raw ako nagpaalam na aalis at hindi rin ako nagpapasundo sa kanya.

After five minutes of driving, narating na namin yung mall kung nasaan yung agency namin. Inalalayan ako ng sumundo sa akin na pumunta roon sa floor na kinalalagyan ng opisina ni Almighty.

Pagdating namin doon ay hindi agad ako pinapasok ng sekretarya niya dahil may kaaway raw si Almighty sa telepono. Oo, kaaway talaga yung sinabi ng sekretarya niya. Hindi nito sinabi kung sino. Naghintay pa ako ng mga five minutes bago ako nakapasok.

Pagpasok ko, sinalubong agad ako ng yakap ni  Urania, ang tumayong bestfriend ko sa agency. Magkasabay kasi kaming pumasok sa agency kaya lang sa ibang department siya nasama. Muse siya ni Archangel Jophiel.

"wahhh! Akala ko mawawalan na ako ng bestfriend!!!!!" sabi niya na nakayakap pa rin ng mahigpit.

"uhmm, mawawalan ka talaga ng best friend kapag hindi mo pa ako binitawan." sabi ko sa kanya nang maramdamang humigpit ang yakap niya. Medyo nasasakal na kasi ako.

Nag-sorry siya sa akin sabay tanggal ng pagkakayakap niya.

"Sorry. Nag-worried lang talaga ako ng sobra. Wag mo nang uulitin iyon. Gagawin mo pang asawa si Archangel Gabriel. Magkakaroon pa kayo ng tatlong -------" pinutol ko na ang susunod pa niyang sasabihin kasi nahihiya na ako. Feeling ko ang pula-pula na nang mukha ko.

"By the way, Urania, may appointment ka rin ba kay Almighty ngayon?" pag-iiba ko ng usapan namin.

"Mag-rereport lang ako tungkol doon sa seminar kuno na pinuntahan ko as a proxy doon sa isang inaasahang speaker. Saka irereport ko rin yung tungkol sa binisita naming laboratory ng isa ring secret agency. Nakakuha nga ako ng ilang equipment from them kaso hindi ko mapapakita sa iyo kasi machine siya at nasa lab." kwento ni Urania.

Each archangels managed certain department. Yung department namin, spying. Sa amin, nagagaling ang informations na ginagamit sa pagsasakatuparan ng ilang mga misyon. Sila Urania, sila yung intelligent department. Sila yung naka-toka sa mga advancement of equipments. Nagtatravel sila throughout the world para maka-gather ng new equipments na gagamitin naming nasa spying and defense department. Yung defense department, kila Archangel Michael iyon. Sila yung naka-assign sa mga security purpose missions. Yung kila Archangel Raphael naman ay yung Medicine Department. Sila naman yung naka-toka sa mga gamot at first aid. Regarding missions, ang mga misyon nila ay may kinalaman sa mga last will testaments, hidden diseases and the like. Mayroon din kaming Diplomat Department under Archangel Uriel. Sila naman yung naka-assign sa mga kasunduan. Sila yung umaayos sa mga hindi pagkakaunawaan. Tapos, yung kay Archangel Chamuel naman ay ang Love Department. Sila yung tumatanggap ng trabaho na concern sa relasyon ng dalawang tao. May times na mayroon pang client na nagtatanong kung paano manligaw. Yung department nila parang Love Station sa radio, ganon. Kay Archangel Zadkiel naman naka-assign yung mga legal matters. Yung mga may kinalaman sa custodies saka crimes.

Nagkwentuhan pa kami saglit bago ako pinatawag ni Almighty. Pinauna na ako ni Urania kasi nga sabi ko may gagawin pa ako nang mga one.

"Clio, sa susunod nga mag-ingat ka nang sobra. Napapagalitan ako ng dahil sa iyo. Umiinit tuloy ang ulo ko ngayon. Feeling ko ang careless ko. Hay!" bunganga ni Almighty sa akin.

Cryptic Agency 1: Keys for Hidden Mysteries (Completed)Where stories live. Discover now