Nineteenth Mystery

54 2 0
                                    


Inside the Yamazaki's Mansion

Pagkagising ko ay nakita ko agad si Kuya Ram at Tito Manuel na nag-uusap. Napakaseryoso noon kaya't hindi ako lumapit. Paakyat na sana ako nang tawagin ako ni Tito Manuel.

"Girlie, sabayan mo na kami ni Ignacio kumain. Aalis pa raw kayo." yaya nito sa akin ng nagawi ang tingin niya sa akin na paakyat na sana.

Tumango ako. Wala namang imbitasyon ang Don na tinanggihan ko. Parang pagtanaw na lang kasi ng utang na loob sa kanya ang pagsang-ayon sa bawat utos at imbitasyon niya.

Pagkasabi niya nun ay bumaba na ako at sinaluhan na silang mag-ama sa hapag.

"Nakakamiss din pala talaga ang mga panahong tatlo tayong sabay na kumakain kaya sana dalas-dalasan ninyo ang pagdalaw sa akin." tila nakikiusap na banggit ni Tito.

Nagkatinginan kami ni Kuya ngunit wala ni isa sa aming dalawa ang nag-komento roon. After all, we can't promise anything that we might broke.

Napasimangot tuloy si Tito Manuel.

"Dad, we can't promise you anything lalo na't sumisikat na ang banda but I'll assure you that we are always just one call away." paglalambing ni Kuya na bahagya pang tumungo sa likuran ni Tito Manuel para yakapin ito.

Napangiti naman si Tito. Kuya never failed to make Tito smiled.

"You're really sweet, Ignacio. Thank you very much." huling banggit ni Tito bago nagpaalam sa amin na may gagawin lang siya sa opisina sandali.

Tito had a small office in the house. Pag badtrip siya sa empleyado niya ay doon lang siya magtatrabaho.

Masama man but we took that opportunity na makaalis sa bahay. We just left a note telling that we're living. Mahihirapan kasi kaming makaalis pag nagpaalam kami nang personal.

Nakakaguilty na makitang malungkot si Tito Manuel at kapag nagpilit siya na mag-stay kami, paniguradong we stayed.

Pagkaiwan namin ng note at nagpasya kami ni kuya na maligo sa pinakamalapit na swimming resort doon.

Napakasaglit lang namin doon. Nagsipilyo't nagpalit lang ako ng blouse at skirt tapos umalis din kami agad. Si Kuya naman black polo and pants lang ang suot at muli kaming nagbyahe.

Parang drive thru lang.

Pagpasok muli namin sa kotse ay hindi ko maiwasang itanong kay Kuya kung saan ba namin hahagilapin si Jiro.

"He was probably on Yamazaki's Mansion, bahay nila rito sa Pilipinas. Doon naman iyon palaging bumabalik kapag nagkaproblema ang banda. He believed that there's still no place like home. At dahil malayo-layo yun, pwede ka pang matulog. Gigisingin na lang kita." mahabang sagot niya sa akin.

"Malayo? Malapit na ba yun sa Japan?" biro ko na mukhang sineryoso niya dahil sinamaan niya ako ng tingin.

Nag-peace sign na lang ako at nagpaalam na iiglip na.

I was about to close my eyes when he suddenly speak.

"Sa tingin mo ba, mapapatawad pa ako ni Jiro after all I've done to him?" biglang tanong niya na siyang gumising sa kamalayan ko.

Since magkatabi lang kami, humarap ako sa kanya and I pat his shoulder.

"Kuya, hindi pa man kami nagkakakilala nang lubusan ni Jiro, sigurado akong mabuti siyang tao. He can easily forgive those people who sincerely asked for his forgiveness. Jiro was probably cold but his heart is a melting ice." sambit ko Kay Kuya at binigyan ko siya ng isang assurance smile.

Cryptic Agency 1: Keys for Hidden Mysteries (Completed)Where stories live. Discover now