Forty Third Mystery

38 0 0
                                    


The Death of Jiro Yamazaki


Girlie Justine


"Sayonara, Girlie." narinig kong sabi ni Jiro at naglakad na siya papalayo sa akin.

Nakita ko ang papalayo niyang pigura.

I stretched out my hand to reach him but he beyond my reach.

Unti-unting nawawala ang imahe niya hanggang sa tuluyan na itong maglaho.

Sa paglaho ng kanyang imahe ay bumagsak ang mga luha sa aking mga mata.

Wala na. Umalis na si Jiro.

Umalis na siya.

Sinubukan kong sundan ang dinaanan niya ngunit hindi ko na siya nakita.

Nawala siya. Nawala si Jiro na parang isang bula.

"Jiro, Jiro!" tawag ko sa kanya na baka sakali ay magpakita siya.

Ngunit kahit gaano kalakas ang tawag ko, walang Jiro na nagpapakita.

"Kuya, si Jiro, naglaho na si Jiro." bigla kong sumbong ng sumulpot ang imahe ni Kuya mula sa kung saan.

"Girlie, wala naman na talaga si Jiro. Wala na siya." saad ni Kuya.

"Hindi. Hindi yun totoo." pagtutol ko.

"Kinuha na siya ng puting liwanag, Girlie." ani Ali na sumulpot na lang kung saan.

Tinakpan ko ang mga tainga ko.

Hindi totoo. Nandito pa si Jiro.

"Hey, Girlie. Girlie, wake up. Mag-iimpake na tayo, remember." narinig kong sabi ni Kuya ngunit hindi ang lalaking sumulpot sa harapan ko kundi ang Kuya ko sa ibang lugar.

Napabangon ako.

"Shh, why are you crying? I know it was difficult for you to leave but..." saad ni Kuya.

Doon ko pa lang napagtanto na panaginip na pala yung kanina.

Umalis lang si Jiro pero hindi siya naglaho.

Napayakap ako kay Kuya nang mahigpit.

"I dreamt something bad, Kuya. Naglaho na raw si Jiro. Wala na raw kayong pakialam doon." sumbong ko sa kanya.

"Shh, it was just a bad dream. Nag-text pa nga si Jiro oh. Safe raw siyang nakasakay sa barko. He even enjoyed his ship cruise. Nagpicture pa nga siya oh." saad ni Kuya sabay pakita ng litrato ni Jiro na nakasakay sa barko at nag-selfie sa dagat.

Mukhang kaninang sunrise kinunan ang litrato.

Napahinga ako ng maluwag.

Jiro is safe. The ship is sailing good.

"Wala ring paparating na panganib sa dagat. Maganda raw Ang panahon ngayon ayon sa weather broadcast. Kaya wag ka nang masyadong paranoid, Girlie. Panaginip lang iyon, okay. Tara, Kain na tayo at makapag-impake na." saad ni Kuya na halata ang lungkot sa boses niya nang sabihin ang salitang impake.

For four years, ito na rin ang naging tahanan ni Kuya.

No wonder that he will miss this place so much.

Hinalikan ako ni Kuya sa noo at sinabing sumunod ako sa kanya dahil lumabas na siya ng kwarto ko para saluhan sila Raf na kumakain na.

Ilang minuto bago ko natapos ang morning rituals ko kaya ilang minuto rin ang lumipas bago ako nakalabas ng kwarto.

Cryptic Agency 1: Keys for Hidden Mysteries (Completed)Where stories live. Discover now