Forty Second Mystery

32 0 0
                                    


The Last Concert


Girlie Justine


Ilang minuto lang pag-labas namin noon sa hospital room ni Jiro ay lumabas na rin si Ms. Lian.

Nakayuko ito. Then, she asked Takashi for a divorce.

Panahon na raw para palayain niya ito sa selfish niyang pag-ibig.

Lian even told Takashi about Venus Roscoe who was actually Ellen Valderama.

"Arigato Gozaimasu, Lian, for granting my freedom." narinig ko pang Saad ni Mr. Takashi na bahagya pang yumukod kay Ms. Lian.

Sa wakas, natapos na rin ang dalawa't kalahating dekada na pagkakakulong ni Mr. Yamazaki sa pinilit sa kanyang pag-ibig.

Ilang oras pagkatapos nun ay dumating naman sila kuya, Ello at Leo para bisitahin ang kagigising lang na si Jiro.

Pagkatapos ng ilang batian, Jiro said these words,

"Our concert on Friday, 15th day of March, will be the last concert for Angels in Disguise. I will going to disband the band forever." cold na Sabi ni Jiro.

Napahampas si Raf sa malapit na table doon.

Napakuyom naman si Leo ng kamao samantalang si kuya ay nakwelyuhan si Jiro.

"Jiro, naririnig mo ba ang sinasabi mo? Are you going to disband the group for good? Ikaw na siyang pumilit na buuin ito sa panahong gusto na naming buwagin. Ikaw na siyang nagsabi sa amin na 'the most important thing that a performer can do is to protect the smiles of their fans'.Ikaw na siyang nagbigay sa amin ng lakas nang loob na ituloy ang nasimulan natin dahil sa ngiti ng mga tao. Ikaw na nagsabing 'it was selfish to destroy the band just because you're hurting.' Ikaw na siyang naging pondasyon nito. Jiro, why, why all of the sudden you want to disband the band you love the most?" halata ang galit sa tono ni Kuya nang sabihin niya ang mga katagang iyon.

Gusto kong awatin sila ngunit sa Hindi malamang kadahilanan ay hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko.

"It was because this time I want you to start over without me. Leo, Ello, and Nacio, habang nag-iimbestiga ako, I found out that I was a lost puppy. I felt that I am actually incomplete. Unti-unti akong nabubuo habang unti-unting nagiging malinaw sa akin ang nakaraan. Gusto ko sa susunod na itatapak ko ang paa ko sa entablado ay buo na ako. Sa susunod na maririnig nila tayong kumanta ay mararamdaman na nila ang tunay na ako. I wanted to become a better person. So please, let me disband this band and start over without me for a while." saad ni Jiro na yumuko pa na tila nakikiusap.

Nagbitawan ni Kuya Ram ang hawak niya sa kwelyo ni Jiro at nagkatinginan ang tatlo pang miyembro ng grupo.

Nanatiling nakayuko ang ulo ni Jiro habang nag-uusap sa pamamagitan ng kanilang mga puso ang tatlo.

Hindi ko alam kung nag-uusap nga sila basta ang sumunod na nangyari ay lumapit si Leo kay Jiro.

Itinaas niya ang nakayuko nitong ulo at nginitian niya ito.

"Malayo na nga ang narating mo, Jiro. You shine like the brightest star now. You always look us with your head high up. Hindi tulad dati. We saw you how you grew in this band but not as a person but as an idol. Be the brightest star in the sky without incomplete shine. Jiro, find yourself and we will find ourselves too. Let's disband the band and like before let's create a new one afterwards if our heart still desire that." desisyon ni Leo.

Tatanggi pa sana si Kuya ngunit nag-second the motion na si Raf.

"Hindi ito tungkol sa pagkamatay ni Cassandra o kaya ni Lily. It was a matter of ourselves. Magkanya-kanya muna tayo sa ngayon at kung mamiss natin ang isa't-isa, maghanapan tayo." saad ni Raf sa pinakaseryoso niyang boses.

Cryptic Agency 1: Keys for Hidden Mysteries (Completed)Where stories live. Discover now