chapter 33

193 6 0
                                    


Dom's POV 


Nasa isang kwarto kami at mabibilang lang ang tao. Pinapunta kami dito ni Ralpg ngunit mismong siya di pa dumarating. Nnadito si Edgar, ang kapatid ni Trisha na si Kieth, dad at mga doctor. Biglaan ang pagpapatawag sa amin dito at mukhang seryoso ito. Mukha ng mga nandito ay nag aalala. Si Keith minsan nahuhuli kong tulala, si Edgar malungkot habang si dad ay nakikipag usap sa mga doctor. Simula nung nalaman nila na nagising si Trisha agad nila kaming pinatawag rito. Ilang minuto narin kami rito at talaga namang naiinis na ako.

"Nasaan naba si Ralph?!" Irita kong saad sabay pangalumbaba. Dapat wala ako rito kasi nararapat ako sa tabi ni Chanak, baka mapano siya doon, bakama-coma ulit siya. Worst mamatay! But no! She promised that she will stay with me... Agad nag init ang pisngi ko dahil naalala ko kung papano niya ako niyakap at pinapatahan.

"Dom! Respeto naman! Kaedad ko si Ralph kaya magbigay respeto ka naman!" Saway ni Dad. Pinaikot ko lang ang mata ko. This is totally waste of time!

Napatingin ako kay Edgar na ngayon ay tahimik habang nakatitig sa mesa. Siya lagi ang nakikita kong kasama ang katawan ni Trisha na ginagamit ng isang bata. Sigurado akong mahirap rin ito para sa kanya. Kaano-ano ba niya yung bata? Kapatid?

"Hey." Tawag ko sa kanya. Nag angat naman siya ng tingin sa akin. Halata sa mukha niya na wala dito ang isip niya.

"Huh?"

"Kumusta yung bata na nasa katawan ng asawa ko?" Nanlaki ang mata niya at bahagya pang nagulat. Umiling siya at bumuka ang bibig pero agad ding tinitikom.

"Uh... Uhm... Ayos naman..." sabay tango niya at yumuko ulit. Nakakunot naman ang noo ko. Balita ko nagising na yung bata pero ba't nalulungkot pa siya?

"Okay..." Napatingin ako kay Keith. "Hoy!" Tawag ko sa kanya pero di siya lumingon. Mukhang di man lang ito kumurap. "Keith!" Napaigtad naman siya at hinanap kung sino ang tumawag sa kanya. "Keith!" Napatingin siya sa akin. 

"Y-yeah? Dom! Nandito ka pala? Di kita napansin. Kaylan ka dumating?"

"Nauna pa ako sayo rito. Ayos ka lang?"

"Nag aalala lang ako kay ate."

"Di mo paba siya binisita."

"H-hindi pa..."

Napatingin kami nang marinig namin ang pinto na bumukas. Pumasok si Ralph at kasama niya si Shadow man. 

"We will start." Saad ni Ralph at binuhat si Shadow man papaupo sa isang silya. "Talk."

"Wag mo nga akong inuutusan kang matanda ka!" Sigaw niya na nakapagpagulat sa halos lahat. Napangiti naman ako. Ganyan nga... para matutu yang matandang yan. He can't boss around easily. Inayos ni Shadow man ang polo niya na nagusot dahil sa pagbuhat sa kanya ni Ralph. "Okay... Now. Napatunayan ni Dom na ang emosyon ng isang tao ang makakapag palakas ng damdamin ni Kimmie at Trisha. Tigan niyo ang nangyari kay Kimmie. Nacoma siya pero dahil lang sa narinig niya ang boses ni Dom ay nagising siya. Habang si Trisha ay laging natutulog at minsan di nagigising pero kapag nandiyan si Edgar nakakahanap siya ng paraan para manatiling gising. Malakas ang kontribusyon ng pamilya sa kanila para manatiling lumaban. May limang stages para masigurado nating ligtas na sila at sa bawat madaanan nilang stages ay pwede silang mamatay kaya kaylangan natin sila bigyan ng dahilan para lumaban. First stage behavior changes. May mga ugali silang di nararapat sa utak nila. Like Trisha she have a traits that only adult can feel. That is romantic love. She should not feel that way because her brain is only 8 years old but behavior changes. Second stage unusual headaches. Di normal na pagsakit ng ulo. Kagaya ng kay Kimmie. Sa sobrang sakit ng ulo niya ay dumugo ang tenga niya at di yun normal. Pangatlo coma o matagalang pagising kapag tulog. Kagaya ng nangyari sa kanilang dalawa ngayon. Pang-apat matinding sakit na halos ikamatay na ng pasyente."

Nakarinig kami ng pagbasag ng baso kaya napasinghap lahat. Nagulat ang lahat sa nalaman. So it means di pa tapos ang paghihirap ni Trisha? What should we do? 

"May magagawa ba tayo to make the pain lesser." Tanong ni dad. Umiling si shadow man.

"Kapag pinakialaman natin mas lalo nating mailalagay sa panganib ang buhay nila."

Tumango naman ang lahat.

"A-ano ang panglima?" Tanong ni Keith. Nakikinig pala siya akala ko wala lang sa kanya ang nangyayari.

"Panglima changes of emotion at pagkalimot. Malilimutan nila lahat yung para bang reborn kung itatawag nila."

"Ba't ikaw? Di kapa nakakalimot." Tanong ko.

"Kasi bida ako." Sabay tawa niya. May nakakatawa ba sa tanong ko? Nawala ang tawa niya at napalitan ng iyak. "M-malapit narin ako." Sabay hagulgul niya. Binuhat naman siya ni Ralph at pinatahan. Yumakap si Shadow man kay Ralph at sinubsob ang ulo niya sa leeg nito.

Ito ba ang sinasabi niyang change of emotion? Bigla lang kasi siyang umiyak. Magkakaganuon si Trisha kung malalampasan niya ang ika apat na stage. ayos lang naman sa akin kung aalagaan ko siya. Sigurado akong malalagpasan yun ni Chanak kasi naniniwala ako sa kanya.

"May isa pa." Saad ni Ralph. "Keith." Tawag niya. Napaigtad si Keith at pinagpawisan. Nalito naman ako at palipat lipat ang tingin ko sa kanila. "I know you didn't" Saad ni Ralph.

"May plano akong isabutahi pero di ko ginawa dahil alam kong gusto ni ate ang trabaho." Nagulat ako sa sinabi niya. So siya ang sumabutahi sa machine pero di niya tinuloy. Pwes, tama si Shadow man walang sumabutahi sa machine at mismong ang machine ang may sira. "I'm sorry. I just want her to be with me. Ayoko ng maulit ang nangyari sa mga magulang namin pero mukhang mauulit na naman. Ayokong mag isa. Siya nalang ang pamilya ko kaya naisip ko kung sasabutahin ko ang machine baka di na niya ituloy pero alam ng diyos na di ko ginawa kasi mahal ko si ate. Ayoko siya mapahamak." Napahawak ako sa balikat niya. Ramdam ko ang kalungkutan niya. Wala akong alam sa mga magulang nila pero alam kong masakit para sa kanila na mawalan. Naiintindihan ko siya, I know how it feels to be alone at nakakatakot yun.

"I understand. She'll fight. We will get through this."

Napayuko siya at nagsimulang umiyak. Napaiwas naman ako ng tingin. 

You better fight, Chanak not for me but to your younger brother. Ang selfish mo talaga kung di ka lalaban. Di mo man lang nalaman ano ang nararamdaman niya kapag nag tra-trabaho ka. Pareho lang kami ng nararamdaman. Nag aalala kami sa bawat galaw mo kapag nagtra-trabaho ka.

Nagulat kami nang biglang bumukas ang pinto at bumungad ang isang lalaki na hinihingal. Agad na akong kinabahan. May kutob na ako pero huwag anamn sana...

"Emergency." Saad niya pero sa isang salitang yun ay halos mabaliw na ako sa pag aalala.

Napatayo si Edgar sa upuan niya. "Trisha..." Saad niya at agad na tumakbo paalis.

"S-si ate." Kinakabahang saad ni Keith at sumunod kay Edgar. Napakuyom naman ang kamao ko. Huwag naman sana...



My matured wife in a 8 year old bodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon