chapter 28

230 5 0
                                    

"6 plus 6?" Sigaw nung teacher. Nandito na nga ako. Nasali talaga ako sa kompitisyon.

Ang mga estudyante ay agad na nagsulat sa kanilang maliit na black board.

Boring. Iyan ang nararamdaman ko ngayon. Ayoko talaga dito! Ito naman kasing si maam pinasali talaga ako!

Inikot ko nalang ang mata ko at sumagot narin. Tama naman lahat kami.

Tss... Parang yun lang.

"6 times 6?"

Ang iba ay magbibilang, ang iba nagkakamot. Walang gana kong isinulat ang sagot sa maliit na blackboard na hawak ko. Wala talaga akong pakialam dito pero dahil umaasa si maam sa akin ay sige nalang. At nandito si Dom siguradong pagagalitan ako nun kapag di ako nagseryoso.

36...

Para yan lang!

May nagmali na, kaya tanggal na sila 7 nalang kami ang naiwan. Sa kabilang gilid naman ay nakita kong pangiti ngiti si shadow man sa akin. Mukhang nang aasar.

Papatayin kita!

"4 plus 8, times 2, divided by 8?!" Sigaw ng teacher.

Sinulat ko ang 3. Ang dali dali!

At sa huli nanalo nga ako. Tuwang tuwa si maam, si Dom naman ay ganoon rin, si shadow man bwesit na bwesit parin ako sa kanya. May palakpak pa siyang nalalaman!

Hanggang sa huli ako ang itinanghal na panalo. I really hate this. Papuri doon, papuri dito, papuri diyan. Ayoko na! Nauna ako sa kotse dahil ayoko talaga ng maingay. Di ko namalayang sumunod pala si shadow man na ngayon ay may lolipop sa bibig.

"Congratulations."

"Bwesit."

"Akala ko ba nasanay kana? Lagi kang pinupuri ng mga kasamahan mo sa trabaho kapag nagtatagumpay ka sa isang misyon."

"Hindi yun tagumpay kung di pa kita napapatay."

Tumawa naman siya. "That days. Nag aaway tayo. Ikaw para sa kabutihan at ako para sa kasamaan. Napipigilan mo ang plano ko ngunit hindi ako."

Mas lalo akong nainis sa sinabi niya. Totoo naman kasi at nakakainis yun.

"Why are you here by the way?" Tanong ko.

"May kaylangan lang akong protektan."

"And who is that?" Lagi nalang niyang sinagot na may pinoprotektahan siya.

"You."

"Me?" Taas kilay kong tanong.

"Kimmie, naisip mo ba kung ba't ako gumagawa ng kasamaan laban sa organisayon mo?" Seryoso niyang sabi.

"Ba't ko naman iisipin? Masama ka at yun ka."

Mahina siyang tumawa. "Kinuha nila ang files ko."

"This is nonsense." Aalis na sana ako nang magsalita siya.

"That machine. It supposed to be mine. Ideya ko yun na ninakaw ng organisayon mo."

Natawa naman ako. "ba't naman nila aagawin yun?"

"You tell me." Sabay tingin niya sa akin. Kumunot naman ang noo ko. "I'm here to warn and protect you. They have no Idea what they doing. Ako ang gumawa ng machine nayun kaya alam ko ang mangyayari sayo. Bilang nalang ang oras mo sa mundo, Kim hanggat di ka nakakabalik sa katawan mo siguradong tapos na ang maliligayang araw niyong dalawa. Yung bata, si Trisha pareho kayong mamamatay."

Kinabahan ako sa sinabi niya hanggang sa gumabi ay yun lang ang nasa isip ko.

Paano kung nagsisinungaling lang siya?

Paano kung totoo?

Ba't gusto niya akong protektahan?

Ano bang gusto ng shadow man nayun?!

Di ko naman makita sa mga mata niya na nagsisinungaling siya, pero si shadow man yun. He's the last man I ever trust. Ang pagkakakilala ko sa kanya mahilig siya sa mind games at hindi ako magpapahulog ng basta basta sa bitag niya!

Nagising ang diwa ko nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Sino naman ito? Lumapit ako sa pito at pinagbuksan ang kung sino man yun. Di ako makapaniwalang sinong nasa harapan ko.

"What do you want, bata?"

"Don't bata me! May pangalan ako! Baka nakakalimutan mo." Sarkastiko niyang sabi. Sinandal ko ang sarili ko sa gilid ng pintuan.

"What are you doing here?"

"I...uhm.."

"What?" Irita kong saad.  Ayokong pinaghihintay.

"Arh! Huwag na nga!" Tumalikod siya.

"Bakit? Ano ba yun?"

"Wala!" At pumasok siya sa kwarto niya. Ano bang kaylangan niya? Alam kong meron talaga siyang sadya. Di lang niya sinasabi.

O sigurong tinamaan na naman yun ng saltik.

Bumuntong hininga ako at bumalik sa kama, ngunit imbes na makatulog ang naisip ko kung ano bang sadya ni Dom sa akin. Kainis! Ano ba kasing kaylangan niya? Ba't di nalang niya sinabi?

Nagpakawala ako ng isang mahabang buntong hininga. Lumabas ako ng kwarto at kinatok ang pinto ni Dom. Alam kong gising pa siya.

"Bata, buksan mo to."

"May kaylangan ka?" Binuksan niya ang pinto. He looked tired.

"What happened to you? You looked tired?"

"Nothing. It's just.."

"What?"

"Naalala ko lang nang tawagan mo si Edgar. May number ka niya diba?"

"Oo. Ano naman?"

"Pakitawagan naman siya, oh. Pakikumusta ako kay Kimmie." Anong nakain niya at gusto niyang kumustahin si Kimmie?

"Bakit gusto mo siyang kumustahin?"

"Bad dreams."

Kumunot naman ang noo ko. Nanaginip siguro siya ng masama tungkol kay Kimmie. Sigurado naman akong ayos lang si Kimmie. 

"Balik lang ako." Kinuha ko ang cellphone ko sa kwarto at tinawagan si Edgar. Habang nagri-ring ay bumalik ako sa harapan ni Dom. Nag aalala talaga siya?

"Hello?"

"Edgar-"

"Hindi ito si Edgar, ate."

"Keith." Napatingin agad sa akin si Dom. "Where's Edgar?"

"Ate, naiwan ni Edgar ang cellphone niya kaya ako nalang sumagot."

"Where is he? And by the way where is..." Napatingin ako kay Dom na nakatingin parin sa akin. "Kimmie?"

"Yun nga, ate. Trisha has been in coma for days. Edgar is with her."

"Wait!What? What happened?"

"Listen, ate. They don't want to tell you this but I just think you have to know. There was a machine complication at di agad yun nakita. Ate... Di ko rin alam kong anong mangyayari sa iyo pero sa nakikita ko kay Trisha ngayon mukhang malala ang nagyari."

"Where are you?"

"In HQ."

"I'll go there."

"No! You can't. Pag nalaman nilang sinabi ko sayo malalagot ako."

"Ako ang bahala." At tinapos ko ang tawag.

My matured wife in a 8 year old bodyजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें