chapter 16

490 18 0
                                    

Lumipas agad ang ilang araw at ngayon ay nasa byahe na kami papuntang probinsya para doon mag pasko. Malapit na ang pasko ngunit di ko man lang ramdam ang kapaskohan.

Gago kasing chaqnak nayun, iniisip ko lagi at meron pang qty Hmt nakakainis dito, panay sandal sa balikat ko.

"Ano ba?! Pwede ba? ilayo mo yang ulo mong may kuto!" Sinamaan niya ako ng tingin at umalis sa pagkakasandal sa balikat ko.

"Tumahimik nga kayo." Saway ni dad na nasa passenger seat, may kasama kaming driver kaya di ako ang katabi ni dad. Napilitan ako sa babaeng ito tumabi.

"Ito kasing babaeng ito! Nakakairita!"

Inikutan niya ako ng mata at humarap sa labas ng salamin. Ang tahimik niya...

"You should call me 'ate' you know?" Bigla niyang sabi sa gitna ng katahimikan.

"And why would I do that?" Sarkastiko kong tanong. Ang feeling talaga ng babaeng ito.

"Because I'm two years older than you." Ngayon ay tiningnan na niya ako. "At halatang iniisip mo si Trisha."

"Eh, ano naman kung iniisip ko siya?! Mas gusto ko pa siyang kasama kesa sayo!" Sipat ko.

"Ang sabihin mo gusto mo siya. Paedophile!" Gulat naman ako sa sinabi niya.

"H-hindi noh! Kapatid lang ang turing ko sa kanya." Nanliit naman ang mata niya.

"Talaga lang, ha?"

"Oo naman. Bakit? Selos ka?"

"Hindi noh!" Matamis siyang ngumiti at umiwas ng tingin. May ikakangiti ba sa sinabi ko? Ang weird talaga ng babaeng yan. At kaano- ano ba namin siya? Ba't siya sinama ni dad sa bakasyon namin? Nakakainis na, ah. Sa mga tanong nayun wala akong nakuhang sagot.

Limang oras ang naging byahe namin. Limang oras na tiniis ko na makasama ang weird na babaeng si Kimmie.

"Dom! Ang gwapo-gwapo mo!" Nakangiting bungad sa akin ni tita Cherry.

"Matagal na." sagot ko at niyakap siya.

"Hangin." Sabat naman ng isa kaya napatingin si tita sa kanya.

"At sino ka naman, hija?"

"She's nothing." Sagot ko agad.

"I'm Kimmie Gonzalez." Nilahad ni Kimmie ang kamay niya at tinanggap naman ito ni tita na nakangiti.

"Ah, Oo. Ikaw pala yun." Sabay tango.

~*~

Malaki ang pamilya ko kaya medyo naging matagal ang pagpapakilala at ang nagkwe-kwento. Gawin nila gusto nila basta huwag nila akong kausapin.

"Dom, sama ka samin. May Christmas party sa katabing bahay." Aya ng pinsan kong si Jennette.

"Pambata." Binalik ko ang tingin ko sa bintana at nangalumbaba.

"Sungit mo naman." Komento niya at umalis.

"Sayang ang premyo. Teddy bear." Singit naman ni Kimmie na sumusulpot. Napaigtad naman ako. Teddy bear? Di ko dala si Teddy ngayon. Agad akong napatingin sa kanya. Nakangiti siya sa akin na parang alam niyang gusto ko ang laruang yun.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at nilagpasan siya. Lumabas ako ng bahay at hinabol si Jennette.

"Jennette!" Agad siyang lumingon sa akin. "Sasama ako!" Napangiti naman siya.

"Sasama ka naman pala, eh." Agad niyang pinulupot ang braso niya sa braso ko.

"Jennette!" Agad kaming lumingon sa tumawag. Si Kimmie. "Hands off please..." Nakangiti niyang sabi na kinunutan ko ng noo.

Agad binitawan ni Jennette ang braso at mahinang natawa

"Sorry, huwag kang mag alala di ako pumapatol sa pinsan." Saad ni Jennette at naunang maglakad.

"Ano yun?" Irita kong tanong kay Kimmie. "Hands off please? Ano yun? Di mo ako pagmamay-ari, noh!" Sipat ko sa kanya. Tumiim bagang siya at sa isang iglap ay nasa harapan ko na siya. Hinila niya ang kwelyo ko papalapit sa kanya.

"Hindi nga." Then she smirked. "Hindi pa." At umalis siya. Habang ako ay nakatayo pang dito at di malaman ano ang gagawin.

Hindi pa?

Napangiti naman ako. May gusto sa akin ang babaeng yun kakaiba talaga ang kagwapuhan ko. Nagkakagusto ang lahat ng babae sa akin. Maliban lang kay Julia.

Kinuha ko ang cellphone ko at pinagmasdan ang wallpaper. Napangiti ako sa sarili. Ang ganda ganda niya talaga.

Darating ang araw na pakakasalan kita.

"Bata." Napatingin agad ako sa kanya. "Pupunta ka ba o hindi?" Wala akong sinabi at tumakbo papunta kay Jennette. Ayokong makasabay yung babaeng yun.

Marami na ang tao nang makarating kami. Maingay na din. Ang Emcee ay ang isa ko pang pinsan na si Lusy.

Ang mga bata ay nagsisiyawan na sa ilalim ng disco light kahit di pa nagsisimula. Napangiti nalang ako habang sumasayaw sila. Kung si Trisha kaya ang sasayaw diyan sigurado akong di siya papayag.

"Anong tinatawa mo diyan? Baliw ka na ba?" Bumalik ako sa totoong mundo. Di ko namalayan na tumatawa na ako.

"Siguro nga." Umupo ako sa mahabang upuan. May umupo din sa tabi ko dalawang bata. Masyado silang madaldal at napapatawa nalang ako sa mga sinasabi nila. Pangalan nila ay Arius at Yummy. Nasa pagitan nila ako at panay daldal nila.

Naalala ko tuloy si Trisha. Di madaldal si Trisha pero cute siya, kagaya ng dalawang ito.

"Baliw ka na." Mahinang bulong ni Jennette. Kahit ganoon ang komento niya di parin mawala ang ngiti ko.

"Nandiyan na ang crush ko!" Napatingin naman ako kay Arius.

"Nandiyaan na siya. Crush ko din siya." Dagdag ni Yummy

"Trisha!" Sigaw nilang dalawa. Napatingin ako sa tiningnan nila. Nawala ang ngiti ko at napalitan yun ng pagkagulat.

"T-trisha..."

My matured wife in a 8 year old bodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon