chapter 21

383 12 0
                                    

Then, in just a snap I'm married already. It's a civil wedding. Ang liit lang ng bilang na imbitado kung hindi isasali ng bilang ang mga kamag anak ko.

"Congratulations!"

"Welcome to the family." Saad ng mga kamag anak ko kay Kim.

"Thank you." Sagot lang niya at ngumiti. Simula nung sinabi niyang magpapakasal kami ay di na kami nagpansinan. Kapag magkasama kami ay ramdam ko talaga ang awkward. Ewan ko lang sa kanya kung may nararamdaman siyang ganoon dahil para kasing wala siyang pakialam.

Kimmie's POV

Nang nasa reception na kami ay dahan dahan akong umalis palabas ng venue. Nang nakita ko ang kapatid ko at si Edgar ay lumapit agad ako sa kanila.

"Nandito na ang married kong kapatid." Saad ni Keith.

"Shut up." Sita ko sa kanya. "Where's Trisha?"

"Nasa loob pa."

"Kaylan gagawin ang experiment?"

"Mamaya." Sagot ni Edgar. Tumango ako.

"Pwede kang mamatay." Saad ni Keith.

"I know."

"But do you really have to do it?" Nag aalala niyang tanong.

"Yes!"

Ang gagawin kong ito ay para sa kapakanan ng lahat. Babalik ako sa pagiging bata magpapakidnap ako at papatayin ang mga kidnapper nayun.

"Pwede mong gawin lahat. Huwag mo lang patayin yung mga kidnapper." Kumunot naman ang noo ko.

"Where's the fun on that?" Napailing nalang si Edgar at pinagbuksan ako ng pinto sa passenger seat.

"Come on. Trisha's here." Napatingin ako kay Trisha na papunta na rito na may dalang pagkain. Pumasok naman ako.

"Dinamihan mo ba?" Narinig kong tanong ni Keith.

"Oo naman, kuya. Alam ko kasing matakaw ka." Pumasok sila sa backseat.

May kumatok naman sa bintana ko. Nagulat naman ako sa taong nasa labas. Lumabas ako.

"What do you want?" Malamig kong tanong.

"Where are you going?"

"Kagaya ng sabi ko, Dom. Magtratrabaho ako pagkatapos nating ikasal. Di mo kaya ako mabubuhay." Binulong ko ang huling pangungusap kahit alam kong maririnig niya.

"So, ikaw magtratrabaho para sa ating dalawa? Ang matured mo naman." Saad niya.

"Yeah. I know right."

"Sama ako."

"Ano? Paano ang mga bisita?" Actually hindi yun ang inaalala ko. Ang inaalala ko ay kapag pumunta siya sa HQ ay baka sisigaw siya ng parang babae sa gulat.

"Kaya nila ng wala ako." Nakangiti niyang saad. Napailing nalang ako.

"Hindi-"

"I'm your husband. I have the right to know what are you been working on." Pagpuputol niya sa sasabihin ko. Napakamot naman ako ng batok.

"Bawal kasing magdala ng outsider doon."

"Bakit si Trisha pwede?" Sabay turo niya sa backseat.

"Nakikisakay lang siya."

"Pero ano ba talaga ang trabaho mo?"

"Basta-"

"Isama natin siya." Napatingin naman ako kay Edgar. Di ako makapaniwala sa sinabi niya. Sekreto lang ang HQ at tanging ang nagtra-trabaho lang doon ang nakakapasok. "Hindi natin alam anong mangyayari sa eksperemento. Wala kaming madadahilan sa kanya kung aalis ka nalang ng basta basta at tama siya. May karapatan siyang malaman."

Bumuntong hininga ako at pinagbuksan siya ng pinto sa backseat.

"Make yourself comfortable."

"Thank you, my wife." Sabay pasok niya sa kotse.

"Huwag mo nga akong tawaging ganyan." Sabi ko bago ko sinara ang pinto. Pumasok na ako sa kotse pati narin si Edgar.

"My wife, kumain ka ba ng pagkain?" Tanong ni Dom. Napapikit naman ako sa tawag niya.

"Pwede ba, Dom. Drop the 'my wife' its disgusting." Saad ko. Tumatayo ang balahibo ko kapag naririnig yun.

"Kinikilig ka lang, eh."

"Kinikilig my ass." Sabat ko nalang.

"Speaking of ass. Saan ba gaganapin ang honeymoon natin?" Napahiyaw kami nang biglang nag break si Edgar kasabay noon ang pag ubo ni Keith sa likuran.

"Mukhang nakakaabala kami, ate. Tama, may honeymoon pa pala." Pang aasar ni Keith nang nakabawi. Nagmaneho ulit si Edgar.

"Shut up, Keith. Dom, matulog ka muna. Mahaba-haba ang byahe."

"Ayoko nga." Ang tigas ng ulo niya. Bahala siya diyan.

"Edgar, may iba pa bang kaso na dapat kong pagtuunan ng pansin?" Tanong ko kay Edgar sa gitna ng byahe.

"Wala. Bakasyon mo nga dapat ngayon, di ka nga dapat mag trabaho."

"Sigurado kang wala?" Bumuntong hininga si Edgar.

"Maam, maraming kasong di nalulutas pero hindi ibig sabihin nun na dapat lutasin mo yun. You've been working enough." May pag aalalang sabi nito. Napaiwas nalang ako ng tingin. Tama nga siguro siya, sumusobra na ata ako. "Sabihin mo nga sa akin kung kaylan ang huling bonding mo ng kapatid mo?" Napatingin naman ako kay Keith. Nakatulog na silang tatlo.

Natahimik ako sa tanong niya dahil di ko maalala kung kaylan niyo, basta nagbonding kami pero ang laki na nga pinagbago namin.

"Ginagawa ko naman ito para makapag aral siya."

"At ikaw? You're just 17 years old and here you are married and working too much. Ang mga kaedad mo dapat pumapasok sa eskwelahan hindi sa laboratory, kulungan o kung ano pa yan."

"I'm not like them, Edgar. Di ako pinanganak na maging normal. Hindi normal ang buhay namin ni Keith. Nawalan na kami ng pamilya noon-"

"At sana di na mawala ngayon."

My matured wife in a 8 year old bodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon