chapter 24

369 11 0
                                    

She's back. Alam ko yun. Her presence make my heart beats so fast. Habang tinitingnan ko siya na kinakausap ang mga nakakatanda sa HQ na ito ay talagang napaka matured. It likes she belong to them.

"Bata." Bumalik ako sa huwisyo, di ko namalayan na nandito na pala sa harap ko si Trisha.

"Bakit?" Suplado kong tanong. Sa kanya lang ako ganito. Naiinis din ako dahil ang asawa ko panay dikit kay Edgar.

"Uwi na tayo. At huwag kang masungit, napaghahalataan kang nagseselos."

"Nagseselos?! Ha?! Kanino?! Kay Edgar?! Hindi noh!"

"Hindi nga." Sarkastiko niyang sabi. Hinawakan ko ang kamay niya.

"Halika na nga!" Sabay hila ko sa kanya palabas.

At ito na naman ang puso ko. Napatingin ako kay Trisha. Nakatingin lang siya sa daraanan. Binitawan ko siya. Nauna siyang maglakad. Siya na nga si Trisha. Siya lang naman ang nakakagawa sa akin nito.

Bumalik na nga siya!

"Chanak! Hintay!" Tumakbo ako papunta sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya. Naghikab naman siya. Pagod na siguro siya dahil sa pag uusap nila ng mga kaibigan niya.

"Gusto ko ng matulog." Mahinang sabi niya. Walang pasabi kong binuhat siya. "Ibaba mo nga ako." Ang mga mata niya ay nakapikit na.

"Alam kong pagod ka. Matulog kana."

"Ito ang ayaw ko sa katawang ito. Madali lang ako mapagod."

Ilang minutong nakalipas ay nakatulog na nga siya.

I wonder why she don't like her body?

Napangiti ako nang marinig ang mahinang hilik niya.

"Dom, alis na tayo." Sabi ni Edgar nang makalapit ito sa amin. Nasa tabi niya si Kim na mukhang inaantok narin.

"Ayos ka lang?" Tanong ko kay Kim. Tumango naman siya at naghikab.

Pumunta na kami sa parking lot. Unang pumasok si Kim sa likuran kay siguradong sa harap ako makakaupo. Kinalas ko ang pagkakayakap ni Trisha sa leeg ko ngunit masyado yung mahigpit. Kaya kinarga ko nalang siya papasok sa front seat.

"Pagod na pagod sila." Saad ni Edgar. Tumango naman ako. Nakakapagod pala talaga ang ginawa nila doon sa lab.

"Anong meron doon sa machine at para bang nasasaktan sila?" Naitanong ko.

"Ha?" Gulat na tugon niya. "Ah-wala." Alam kong meron talaga. Kung ano man yun aalamin ko. Dahil, dahil doon naiba ang ugali ni Trisha at alam kong ganoon din kay Kim dahil buong araw di ako pinapansin ni Kimmie at panay dikit niya kay Edgar.

Tiningnan ko sa kandungan ko si Trisha. Ang himbing ng tulog niya. Malalaman ko din ang sekreto ng chanak na ito.

Trisha's POV

Dinilat ko ang mata ko at bumungad na sa akin ang pamilyar na kisame. Agad akong napabalikwas ng bangon nang napagtanto ko na nasa dati akong kwarto. Nasa bahay ako nila Dom.

"Trisha?" Napatingin ako sa pinto.

"Dom. Ba't ako nandito?" Dapat nasa misyon ako ngayon.

"Dalawang araw kang hindi nagising, nag alala ako kaya inuwi na kita."

"Sa tingin mo aayos ako kapag nakabalik ako?!" Ayokong magalit sa kanya ngunit may misyon ako tungkol sa kidnapping na nagaganap sa cotabato.

I saw pain in his face. I want to curse my self for sating that.

"Nag alala lang naman ako." Saad niya at yumuko. Tumalikod siya at umalis.

Ba't ba kasi niya ako dinala rito?

Tumayo ako at nagdesisyong sundan siya. Nakita ko naman siya sa kusina na nakatulala.

Ano bang nangyayari sa lalaking ito?

"Bata." Tawag ko ngunit di man lang siya lumingon o gumalaw. Tiningnan ko kung saan siya nakatingin.

Ano bang meron sa pader.

"Bata!" Nilakasan ko na talaga. Gumalaw siya at lumingon sa akin.

"Huh? Bakit?"

"Anong nangyayari sayo? Ba't tulala ka?"

"Naisip ko lang kung hindi ka umalis, di ako maikakasal kay Kim. Noon ayos lang sa akin na maikasal sa kanya ngunit bigla naman yung nawala nung bumalik kana sa dati." Mahina siyang natawa ngunit may bakas ng lungkot ito.

"Nandito na ako." Sabi ko.

"Yeah... But it's hard to accept that I can't marry you."

"Ano bang pinagsasasabi mo?" Takang tanong ko.

"Nothing"

Di ko talaga siya maintindihan.

"Tulungan mo nalang ako sa assignment ko. Nandoon sa bag kulay pulang notebook."

Di naman siya humihingi ng tulong sa assignment niya. Ano kayang nabago sa batang yun?

Pinuntahan ko ang bag niya at kinuha ang kulay pulang notebook niya. Sinagutan ko agad yun. Madali lang naman kasi.

Alam kaya ni Dom na ako si Kimmie sa katawan ni Trisha? O umaandar na naman ang pagkabobo niya at wala talaga siyang alam?

"Tapos na ba?" Sinamaan ko naman siya ng tingin. Grabe tung isang ito. Wala man lang salamat.

"Tapos na." Sagot ko.

My matured wife in a 8 year old bodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon