Chapter 29

224 7 0
                                    

Di ako nakatulog nang gabing yun. Nandito ako sa sala at nagpapahinga at iniisip ang nangyaring pagtawag. Tinawagan ko si Sir Raphael at sinabing pumunta siya dito sa bahay. Nagalit pa siya dahil inuutusan ko siya pero natigil din naman siya nang maramdamang importante ang sasabihin ko.

"Chanak, di ka papasok?"

"Hindi." Lumabas si Dom galing sa kusina.

"Bakit?"

"May bisita ako."

"Sino?"

"Pakialam mo." Irita kong sagot. Wala ako sa mood makipag lokohan sa kanya.

"Nagtatanong lang." Agad din naman akong na guilty dahil halatang seryoso siya sa pagtatanong. "Dad! Aaalis na ako!" Nanlaki ang mata ko. Nandito ang tatay niya? Akala ko nagtrabaho na.

"Okay!" Rinig kong sagot ni Tito. Napakagat labi ako. Lagot ako sa tatay niya pagnakita niya si Sir Raphael dito. Kinuha ko ang cellphone ko at agad na tinext si Sir Raphael.

"Alis na ako."

To: Sir Raphael

Nandito si Tito. Ayos lang ba sayo?

Binaba ko sa cellphone at napabuntong hininga. Gusto kong malaman ano ba talaga ang nangyari.

"Hoy, Chanak! Alis na ako! Bingi nito!"

"Narinig kita!" Sigaw ko pabalik. Ang sakit sa tenga ang boses niya.

"Galit ka?!" Bumalik siya sa harapan ko at namaywang.

"Hindi! Umalis kana! May klase kapa!"

"Ba't ka sumisigaw?!"

"Wala ako sa mood makipag away sayo, Dom!"

"First name basis na pala tayo ngayon, Trisha?!"

"Pwede ba, Dom? Wala ako sa mood ngayon. Pwede bang umalis ka nalang?" Kalma kong saad at napapikit nalang.

Napahawak ako bigla sa ulo ko nang sumakit ito. Sumakit bigla ang ulo ko, bakit kaya? Stress ba ako?

"A-ayos ka lang?" Narinig kong tanong ni Dom. Dumilat ako pero agad ding napapikit dahil parang may maitim na nakaharang sa mga mata ko. Halos di ko makita si Dom.

"Mmm..."

"Hindi ka ayos..."

"Umalis ka nalang-ah!" Mas madiin kong hinawakan ang ulo ko nang biglang mas sumakit pa ito kesa kanina. Napayuko ako. "Ah!"

"Trisha! Trisha?! Ayos ka lang-"

"Fuck!" At nag itim na ang lahat.

Dom's POV

"Trisha!" Agad ko siyang inihiga sa sofa nang mawalan siya ng Malay. "Dad!" Bumaling ako Kay Trisha. "Trisha, everything will be alright-"

Bumilis ang tibok ng puso ko at nakaramdam ako ng kakaibang takot.

May dugong lumalabas sa tenga ni Trisha.

"Dad!"

"Bakit?!" Tanong ni dad nang makarating siya sa sala.

"Si Trisha dalhin natin siya sa hospital!"

Tinitigan niya si Trisha.

"Dad, naman! Dumudugo na ang tenga ni Trisha kaylangan na natin siyang e hospital!"

"Son, calm down!"

"Dad, naman! It's not time to calm me down!"

Imbes ma pakinggan ako ay may tinawagan siya. Napabaling ako kay Trisha.

"Hey... Hey... I won't let anything bad happen to you, okay?" Lumuhod ako at hinaplos ang ulo niya. "But Trisha, please wake up. I'm worried."

Nangilid ang luha ko. Ang hina ko talaga. Dom! Di tamang oras ngayon para umiyak!

"Bilisin mo!!" Narinig kong sigaw ni dad sa telepono at ibinagsak ito. Napatingin siya Kay Trisha tapos sa akin. "Dom, calm down, okay?" Lumapit siya sa akin. May bahid na pag aalala sa mukha niya. "The help is coming."

"Kaylangan natin siyang dalhin sa hospital, dad!"

"I think even the hospital cannot help her."

"Why?! Look at her, dad! She's in danger!"

Lumuhod siya para mapantayan ako at hinagod ang likuran ko. Wala siyang sinabi. Napatingin ako ulit Kay Trisha. Patuloy na umaagos ang dugo galing sa tenga niya.

Ano bang nangyayari sa kanya?

Mamama-

No! Hindi pwede!

Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay niya. Trisha, maging ayos ka lang sana. Chanak kita at kahit na ayokong nakikita ka araw araw di ko naman kayang mabuhay ka ng wala sa tabi ko. Kahit na nakakainis ka at feeling mo ang tali-talino mo, totoo naman yun eh! Gumising kana! Malakas ka diba? Di ka naman nagpapaapi diba? Labanan mo yan!!

Nabigla ako nang humawak rin siya sa kamay ko. Sobrang higpit nun.

"Eh... A-ang... S-sakit..." Nakapikit niyang sabi. Nakita ko ang isang butil ng luha na kumawala sa nakapikit niyang mata. Di ko pa siya nakitang umiyak dati dahil sa sakit kung Umiiyak siya ngayon siguro, sobrang sakit na talaga.

I never been this afraid before and I think I can't calm down.

"T-trisha..." Nanlalabo na ang tingin ko dahil sa luha at kumawala na ang hikbi sa aking bibig. "H-hold on, o-okay? Ev-Everything will be alright. You will be alright." Nanginginig ang aking kamay habang hawak ang kanya. Hinalikan ko siya sa noo. "Bullshit! I can't loss you! Dad, where are they?!"

"They are coming, son. Just calm down."

"I can't!" Di ko kayang nakikita siyang ganito.

Narinig ko ang malakas na pagbukas ng pinto at ang pagbitiw ni Trisha sa kamay ko.

"T- Trisha... H-hey...Trisha?!" Pero walang sagot. "Trisha!" Bago ko pa siya mayakap ay may humili na sa akin papalayo sa kanya.

Nakita ko nalang sarili ko na umiiyak habang tinitingnan si Trisha na pinagkakaguluhan.

"T-trisha..."

My matured wife in a 8 year old bodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon