Chapter 30

205 6 0
                                    



Dom's POV


"Paano nangyari to?!" Agad na bungad ko kay Ralph nang nakapasok ako sa opisina niya sa kanilang HQ. Dito dinala si Trisha pagkatapos nilang pumunta sa bahay at binigyan ng first aid si Trisha. Sumama kami ni dad papunta rito. Di ko naman kasi kayang iwan lang si Trisha sa kanila. "Akala ko ba ayos na?" Kung nakakamatay lang ang sama ng tingin, kanina pa nakabaon si Rafael sa lupa.

"Kalma ka lang, Dom"

"Paano ako kakalma?! Akala ko ba ayos na lahat?!"

"Ayos naman talaga kaya lang..."

"Ano?!"

"Nagkaproblema."

"Alam kong nagkaproblema. Halata naman sa kondisyon ni Trisha ngayon!"

"I'm sorry. Nagkaroon ng problema sa machine."

"Bakit dati wala naman?"

"May sumabutahi sa machine. Wala naman yung problema pero..."

"May traydor sa HQ niyo?"

"Mmm..." Sang ayon  niya. "May pinaghihinalaan na kami pero wala pa kaming sapat na ebidensya."

Huminga ako ng malalim. Sana pinigilan ko siyang gawin ito nuong una palang. Ano bang naisip ko at nagpanggp ako na walang alam?

Selfish ka kasi, Dom.



~flashback~




"Kuya, una po sa lahat. Papansinin ko naman kayo kung nagpapapansin kayo, di ako bumalik sa bahay mo kasi di ko naman alam kung nasaan yun. At di ko kaylangan ng 'pinapatawad' mo dahil wala naman akong kasalanan sayo." 

"Trisha, huwag ka na mang ganyan. Alam kong masama ang huli nating pagkikita pero may pinagsamahan naman tayo, tumira tayo sa iisang bahay, nag-"

"Kuya, tigil muna." Tumigil naman ako sa pagsasalita. "Siguro hindi ako ang dapat kausapin mo tungkol sa bagay nayan. Sabi mo tumira tayo sa iisang bahay na never ko namang naalala. Ang dapat mong kausapin ay si ate Kimmie."

Kimmie? Paano napasok sa usapan si Kimmie?

"Di ko kasi maipapaliwanag sayo. Dahil basi sa naaalala ko. Ang huli nating pagkikita ay yung nasa park tayo at nahimatay ako."

Mahina naman akong natawa. "Paano naman na mahihimatay ka, eh si Kimmie nga yung nahimatay."

"Hushh! Di ko talaga ma explain. Si ate Kimmie ang magpapaliwanag sayo. Sumasakit ang ulo ko, eh." Aakmang lalagpasan niya ako ngunit hinawakan ko ang kamay niya at lumuhod ako para magkapantay kami. Niyakap ko siya.

"Is this kind of joke. Trisha naman. Alam ko ang mga sinabi ko sa iyo pero please kalimutan mo nayun."

"Di ko alam anong pinagsasabi mo, kuya." Irita niyang sabi.

"Alam ko." Nag angat ako ng tingin kay Kim na sumusulpot. Para siyang si Trisha na laging sumusulpot na parang kabute.

Tumayo ako ng matuwid at tiningnan siya ng seryoso.

"Ba't ka nandito? Nakikita mo bang mag uusap kami ng masinsinan?"

"Gusto mong mag usap ng masinsinan? I'm your fiance. Kaya di ako magtatago ng sekreto sayo." Tiningnan ko lang siya. Agad nagdilim ang paningin ko nang nakita ko si Edgar sa likuran niya. Ano bang ginagawa ng lalaking yan?

My matured wife in a 8 year old bodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon