chapter 17.5 (Special Chapter)

476 17 1
                                    


Kimmie's POV

"Di na ako nagulat kung ba't nandito si Trisha, dahil nandito ka naman pala." Saad ko habang hinihigit si Edgar paalis kina Dom. Siya ang naatasan na magbantay kay Trisha.

"Maam, malay ko bang dito din kayo pupunta. Home town ko kasi ito kaya dito ko na dinala si Trisha. Kawawa naman yung bata." Sabay kamot mg ulo niya.

"Nakita niya si Dom."

"Oo nga po, maam, eh. Pasensya na talaga." Tumango nalang ako. Sana lang walang sabihin na kung ano-ano si Trisha kay Dom.

Tamang tama naman at lumapit si Trisha.

"Ikaw na naman pala." Mataray niyang sabi. Maldita talaga ang batang ito.

"Oo ako na naman pala. Bakit? May problema?" Malamig kong saad.

"Pss.."

"Bata, huwag kang magsasabi ng kung ano-ano kay Dom."

"Oo alam ko, noh!"

"Susunod ay tomato dance!" Napatingin kami sa stage.

"Kukunin ko ang teddy bear na premyo!" Masayang saad ni Trisha at umalis. Napatingin ako kay Edgar.

"Teddy bear ang premyo?"

"U-uh, yeah." Napatingin naman ako sa gawi ni Dom. Nakikipag usap siya kay Jennette. Lumapit ako ng bahagya sa kanila.

"Yayain mo na mag tomato dance. Ang gwapo." Narinig kong sabi ng isang babaeng teen ager.

"Jackpot ka na niyan!"

"O sige." Lumapit siya.

Walang aagaw sa kanya. Akin lang si Dom.

Tumakbo ako papunta kay Dom at hinigit siya papunta sa gitna. Sumasayaw lang kami. Gusto ko ang lapit namin sa isa't isa nang nag ingay na ang mga tao ay alam ko na agad na nanalo na kami. Kita ko pa yung mga babae kanina na ang sama ng tingin sa akin. Sorry sila pero may nanalo na. Inilayo ko ang ulo ko, sinalo ko sa kamay ang kamatis at hinalikan si Dom.

This boy is mine.

My matured wife in a 8 year old bodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon