chapter 2

973 39 2
                                    

"Gusto mo upakan kita?!" Nakakainis na siya, ah. Parang siya ang matanda dito at hindi ako.

"See? Pumapatol ka sa mas bata sayo. Alam mong mas matanda ka diba? Kaya sana naman, act like one." Umirap siya at umakyat papunta sa kwarto niya.

Yung batang yun... Ba't ba siya ang naging fiance ko? Nakakainis! Parang masusuka ako.

"Dom."

"Dad."

"Ikaw ang mag hahatid kay Trisha at magsusundo narin, araw-araw." Ayos na ba si dad? Di niya ako pinagpaliwanag kanina, eh.

"Okay." Umalis si dad. Nag evil grinned naman ako. Makakapaghiganti na ako sa batang yun.

Kinabukasan ay sinunod ko ang utos ni dad. Hinatid ko si Trisha sa school. Nang naihatid ko si Trisha ay agad ko ng pinaharurot ang kotse sa papuntang eskwelahan ko. Pi-nark ko muna.

"Hi, Dom." Iyan ang bungad ng grupo ng mga babae nang nakalabas ako sa kotse.

"Hello." Naghagikhikan naman sila. Kinilig ata. Ang gwapo ko talaga.

"Dom, halika na! Huwag ka ng magpa cute." Bagot ko namang tiningnan si Kent. Tumawa siya at hinila ako.

"Bitiwan mo nga ako! Di tayo talo!" Bading ato itong si Kent, eh. Panay hawak sa kamay ko.

"Grabe ka naman sa akin. Hala! Si Julia, oh!" Agad akong napatingin sa babaeng dumaan sa harapan namin. Ang ganda talaga niya. Bagay kami. Kaya lang...

"Hi, Dom. Hi, Kent. What's up? Nandito na naman ang mga kapatid kong gwapo." Nakangiting bati niya. Kapatid ang turing niya sa akin.

"Ayos lang. May sagot kaba sa assignment sa math?" Tanong ni Kent. Puro kopya lang talaga ang nalalaman ng isang ito.

"Oo." Inabot ni Julia kay Kent ang sagot. Ang bait talaga ni Julia. Agad umalis si Kent. Salamat naman umalis siya. Umakbay ako kay Julia.

"Halika, hatid na kita sa classroom mo." Nakangiti kong saad.

"Dom, magka-klase tayo."

~•~

Nang naghapon ay nagdesisyon akong dumito muna. Bahala yung batang yun doon! Whahaha! Iiyak siya doon. Hanggang sa marealize niya na dapat sinunod niya ang napakagwapong si Dom.

Whahaha!

"Anong tinatawa-tawa mo?" Nagulat naman ako sa batang sumulpot.

"Anong ginagawa mo dito?!" Paano niya nalaman na nandito ako?

"Sinusundo ka. Ayoko namang umiyak ka dito at marealize mo na dapat sinusunod mo ako." Teka? Linya ko yun, ah. Plano ko yun!

"Paano mo nalaman na nandito?"

"Bobo ka ba? O umaandar na naman ang pagiging three year old mo?" Inikutan niya ako ng mata. "Malapit ang school ko, sa school mo at uniform mo sinisigaw ang National High School." Napatingin naman ako sa school uniform ko. Tama nga siya.

"Uy, Dom. Kapatid mo?" Bigla namang sumulpot si Julia. Yumuko siya para magkapantay sila. "Hi, baby ako pala si Julia." Naglahad ng kamay si Julia. Pinasadahan naman siya ng tingin ni Trisha bago niya tinanggap ang kamay nito.

"Ako pala si Trisha. Crush kita." Sabay halik niya sa pisngi ni Julia.

A-ano?

My matured wife in a 8 year old bodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon