chapter 4

807 24 2
                                    

Mariin kong tinitigan ang batang ngayon ay gumuguhit na naman. Kanina pa ako naiirita sa kanya. Di ko lang siya magawang patulan dahil nandito si dad.

Pumunta ako sa kwarto ko. Nadaanan ko naman ang kwarto niya. *Evil laugh* alam ko na! Pumasok ako sa kwarto niya. Napakalinis ng kwarto niya, ah. Mas malinis pa sa akin. Binuksan ko ang closet niya.

Mga damit lang naman ang nandito. Kinuha ko ang damit niya, aakmang itatapon ko ito sa bintana.

"Sige, do it and I will rip this." Natigilan ako sa gagawin ko. Nabitawan ko ang damit niya.

"Teddy!" Hawak hawak niya ang pinakamamahal kong teddy bear. "Ako nalang! Huwag lang ang teddy ko!" Tumakbo ako papunta sa kanya. Agad din naman siyang tumakbo pababa. "Akin nayan, bata ka!"

"Sige lumapit ka! Papatayin ko siya!" Saad niya. Aakmang kakagatin niya si Teddy

"No! Please... Ako nalang!" Kinagat niya si Teddy.

"Ahhh!" Parang ramdam ko ang bawat sugat na natatamo ni Teddy. Sinuntok niya si Teddy. Napaluhod ako. Isa itong torture! "Huwag please ako nalang!"

"Oh." Hinagis niya si Teddy sa akin. Agad ko siyang niyakap.

"Nandito na si daddy, huwag ka ng umiyak."

"Tsk.. three year old." Sinamaan ko naman siya ng tingin. Niyakap ko si teddy.

"Teddy, di ko ulit hahayaang mapunta ka sa chanak na batang yan."

Ang dami niyang galos. Huwag kang mag alala teddy. Ipaghihiganti kita! Chanak na batang yun! Di man lang nirespeto ang teddy ko. Inggit lang siya. Yung batang chanak nayun, parang di dumaan sa pagkabata!

"Kalalaki mong tao may Teddy bear ka."

"Huwag mong pagsalitaan si Teddy ng ganyan! May pangalan siya!"

"Ano naman yun?"

"Teddy."

"Pareho lang yun, bobo!" Saad niya. CHANAK TALAGA!

"Hindi ako bobo-"

"Hindi nga. Isip bata naman."

Papatulan ko na talaga yang batang yan eh! Nakakapikon!

"Inggit ka lang!" Saad ko.

"Bobo ka naman."

"Inggit!"

"Bobo!"

"Inggit!"

"Bobo!"

"What's going on here?" Singit naman ni dad na di ko alam kung saan galing. Lagi nalang talaga siya sumusulpot.

"Dad!"

"Tito! Si Dom, inaaway ako!" Kunwaring iyak niya. Pumunta pa siya sa likuran ni dad at nagtago. At ano naman? Ako na ang kontrabida?

"Dom, anong ginawa mo?!"

"Wala!" Depensa ko.

"Ayaw niya ipahiram ang teddy bear."

"Sasaktan mo, eh!"

"Dom, ibigay mo sa kanya." Utos ni dad.

"But-"

"Now!" Kay dad lang talaga ako tumitiklop. Inabot ko ito kay Trisha.

Bye.. bye teddy .. gagawin ko ang lahat para mailigtas ka sa chanak nayan.

~•~

I know maliit ang update.

My matured wife in a 8 year old bodyNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ