chapter 5

780 28 0
                                    

Sinilip ko ang kwarto niya. Natutulog na siya at yakap yakap niya si teddy. Time check it's 10pm. Oplan: Kunin si Teddy sa chanak na batang yun.

Dahan dahan akong pumasok sa madilim na kwarto niya. Lumapit ako sa kama at dahan dahang kinuha si Teddy sa pagkakayakap niya ngunit mas lalo niya lang itong hinigpitan. Nakakainis itong chanak na ito. Tumunog ang cellphone na nasa gilid niya kaya pumasok ako sa banyo, syempre nag ala ninja ako.

"Bakit?" Rinig kong sagot niya. May cellphone siya? Elementary palang siya, ah. At sino ba namang kausap niya sa ganitong oras? "I'm tired, tomorrow nalang." Teka? Ano bang ibig niyang sabihin? "Fine! Five minutes." Narinig ko ang yapak ni chanak sa kwarto niya. Narinig ko ang pagbukas ng pinto sa kwarto at sa pagsara nito. Lumabas naman ako sa banyo.

Saan kaya pupunta ang babaeng yun?

Lumabas ako sa kwarto. Sinundan ko naman si Trisha na ngayon ay papalabas ng bahay.

Saan ba kasi siya pupunta?! Gabi na, ah! Hala baka may boyfriend ang isang ito! Sabi na eh! May boyfriend siya tapos pinapalayo niya ako kay Julia?! Ano yun... Ang unfair!

Sinundan ko lang siya hanggang sa park. Lumapit siya sa isang lalaki na may kotse. Mas matanda payun sa akin, ah! Sugar daddy niya yun! Tama, grabe ang chanak nayun.







Trisha's POV

"May sumunod ba sayo?" Bungad agad niya.

"Oo." sagot ko.

"Ano?! Ba't ka nagpasunod?!"

"Sabi mo magmadali ako diba?"

"Paano kung marinig tayo?" Galit na tanong niya. Alam ko naman kung gaano ka importante ang misyon na ito.

"Nasa malayo siya."

"Sino siya?"

"Yung bata." Alam ko namang sinusundan ako ng batang yun.

"Makapagsabi ka ng bata. Bakit? Ilang taon ka naba?" Inikutan ko lang siya ng mata. Alam niya ang sagot diyan. "By the way, any side effects?"

"Wala pa naman."

"Wala pa, huh? Sa tingin mo magkakaroon?"

"Yup. Pananakit ng ulo, panlalabo ng mata at pandinig. Hanggang sa mawalan ako ng alaala at maging tunay na bata."

"Gaano ka naman ka sigurado?"

"99.9%"

"Ang talino mo." Inikutan ko lang siya ng mata.

"They did this, so be it."

"You know, what? I like you." Tumalikod ako sa kanya. "Uy, Trisha! Gusto nga kita!" Kumaway nalang ako habang di siya nililingon. Naglakad ako sa pinagtataguan ng bata.

"Di ka magaling na ninja o spy." Saad ko sa kanya na ikinagulat niya.

"Paano mo nalaman na nandito ako?!"

"Simple. Ang ingay mo kasi. Halika na, umuwi na tayo. Maraming masasamang tao ang nandito." Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya. Hawak ko lang ang kamay niya habang naglalakad kami pabalik salamat naman at di siya nag protesta.

"Trisha?"

"Mmm?"

"Boyfriend mo ba yun?"

"Bakit? Selos ka?" Agad niyang hinila ang kamay niya sa pagkakahawak ko.

"Ha?! Hindi ah! Ew... Boyfriend mo ba yun?"

"Hindi. Ikakasal na ako, eh." Hinawakan ko ulit ang kamay niya. Alam kong nasa paligid lang sila. Kapag lumayo si Dom sa akin siguradong mapapahamak siya.

"Trisha, bakit ginagawa mo ito? Eight ka lang di ba? Di mo ba alam ang laki ng desisyon na ginawa mo?"

"Alam ko." Alam na alam ko. Gusto ko lang protektahan ka.

"Gusto mo ba ito?" Napahinto ako sa sinabi niya. Gusto ko ba ito? Gusto ko siyang protektahan. "Alam mo kasi hindi biro ang pagpapakasal-"

"Kung yun lang ang tanging paraan para magkasama tayo gagawin ko." Hinila ko siya ulit.

"Teka, may gusto ka ba sa akin?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. That's not what I meant. "Tama! Gusto mo ako! Nagseselos ka nga kay Julia, eh kaya pinapalayo mo siya sa akin! Ang gwapo ko talaga!" At tumawa siya. Nasapo ko nalang ang noo ko.

"Kung gusto kita, di ako magkakagusto kay Julia." Natigil naman siya sa pagtawa at sinamaan ako ng tingin.

"Gusto mo din si Julia?" Hinawakan niya ang magkabilang braso ko. "Gusto mo ba siya?!" Napatingin ako sa kamay niyang nasa braso ko.

"Gago ka ba? O bobo ka? Hindi ako lesbian, noh! I'm just teasing you that time. Ang torpe mo kasi." Marahas kong kinuha ang kamay niya sa braso ko. Hinuli ko ang isa niyang kamay at hinila na siya.

"Oh... So gusto mo nga ako?"

"Ewan ko sayo."

My matured wife in a 8 year old bodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon