chapter 32

197 7 0
                                    

Dom's POV

Malakas ang kutob ko na nagsasabi ng totoo si Shadow man. Alam kong siya talaga yun dahil sa awra niya. Sumisigaw ito ng pagiging isang magaling na leader. Ang sabi niya walang sumabutahi sa machine kaya ano ang sinasabi ni Ralph na may sumabutahi at may pinaghihinalaan na silang tao. Kanino ba ako maniniwala? Baka meron talagang sumabutahi, di lang yun alam ni Shadow man. Pwede ring tama si Shadow man at nagkakamali lang si Ralph. Ah! Nakakalito! Kahit na ganun! Wala akong pakialam kung sino ang may kasalanan kung ba't nagkaganoon si Trisha pero sigurado akong may sisisihin ako kapag di nila nailigtas si Trisha.

"Pwede naba akong pumasok?" Tanong ko kay Ralph nang makarating ako sa labas ng kwarto ni Trisha at nadatnan ko siyang nasa labas.

"Hindi pa."

"Ano?! Bakit naman? Ilang araw na ang nakalipas, ah? Wala pa bang pagbabago?"

"Dalawang araw palang ang nakakalipas, Dom."

"Ang tagal na nun! Dalawang araw ko na siyang di nakikita!"

Binigyan lang niya ako ng bored na tingin. Wala ba talaga siyang pakialam sa nararamdaman ko?

"Baka magising siya kapag narinig niya boses ko!" Saad ko. Naniniwala ako sa ganoong bagay at yun ang sabi ni Shadow man. Dapat may pagkakapitan sila para malagpasan nila ang matinding sakit.

"Di ito telenobela, Dom. Seryosong bagay ito. Ang makakapagpagaling lang sa kanya ay doctor at hindi ang malalapiyt sa kanya." Saad niya at tumalikod na.

"Pero yun ang sabi ni Shadow man." Napatigil siya sa paglalakad na tila ba nakikinig. "Ang sabi niya. Malalagpasan lang nila ito kung may kakapitan silang dahilan para lumaban."

"Kilala mo na si Shadow man?"

"Pinakilala niya ang sarili niya nung nakaraang araw."

"He never told us that information before." Nagulat ako sa sinabi niya. Akala ko ba alam na nila yun? Kaya ba ayaw nila akong papasokin kasi ang akala nila ang doctor lang talaga ang makakapagpagaling sa kanila? "What else did he say?"

"May dalawang kalalabasan kung malalagpasan nila ang isang matinding sakit sa ulo. Una ay makukuha nila ang ugali at pag iisip ng katawan na pinasukan nila at mawawalan ng alaala pagkatapos nun. At kung di nila malalagpasan yun mamamatay sila."

Tumango siya. "Mmm... Kakausapin ko siya ulit." Maglalakad na sana siya nang may maaalala ako.

"Pwede naba akong pumasok?"

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Wag mong kalimutan suotin ang hospital gown, gloves at mask." at umalis na siya pagkatapos nun.

Tumango nalang ako at sinunod ang utos niya. Pumasok ako sa kwarto ni Trisha. Para siyang nasa ICU dahil sa gamit na nasa loob. Marami ring nakakabit sa kanya. I hate hospital! Wala naman ako sa hospital pero parang ganuon ang ayos nito ngayon. Lumapit ako sa higaan niya at hinawi ang transparent na kurtina.

Agad na nangilid ang luha ko.

"T-Trisha..." Hinawakan ko ang kamay niya. Ang payat na niya. "N-nandito na ako... Gising ka na, oh..." Suminghot ako at di mapigilan ang sunod na sunod na pagluha. I've been trying to be brave on the past days. I want to be brave for her. "Balik kana sakin..." Napaluhod ako habang hawak hawak ang kamay niya. Hinalikan ko yun. "Babalik ka naman sa akin, diba? A-asawa mo ko. Di mo dapat ako iwan k-kasi takot ako mag isa. Ayokong maging batang biyudo." Halong halong emosyon ang nararamdaman ko pero ang tanging nangingibabaw ang takot. Takot akkong mawala siya, takot akong mag isa. Ayokong mag isa. Takot akong iwan ako ng asawa ko. "Di pa nga tayo nagho-honeymoon iiwan mo na agad ako? Ang unfair mo talagang, Chanak ka! Ito na nga bang kinakabahala ko sa trabaho mo! Napapahamak ka! Ayokong magtrabaho ka para sa atin. Dapat ako nagtra-trabaho sa ating dalawa. Pangako pagnagising ka di ko na pasasakitin ulo mo... M-magtra-trabaho ako. Huwag ka lang... Papayag na ako na i bully mo ako. W-wag mo lang akong iwan! Iintindihin na kita lagi. Sorry sa pang aasar ko at pagsisinungaling ko sayo! A-ayoko lang naman na mag alala ka sa akin pagnalaman mong alam ko ang trabaho mo. Tama ka nag aalala ako sa trabaho mo at pinagsisihan kong di sabihin sayo kasi napunta ka sa ganitong sitwasyon"

Alam kong makulit ako, alam kong nakakainis ako, alam ko ring bobo ako minsan, makulit, nakakaasar, manhid at bully pero kahit naman ganoon. Nabago naman ako kahit konti pagkatapos kong makilala si Trisha. Mahal na mahal ko siya. Maybe they will say that this is only part of my developmental stages but when I accepted her to be part of my life, I also accepted her in my heart. Di lang halata kasi inaaway ko siya but the turth is, I really care of her always. Ang lahat ng ito ay kasalanan ko kung hindi dahil sa pagsisinungaling ko baka napigilan ko pa siya. Di pa naman kasi ako sigurado pero makalakas pakiramdam ko nun.

"I-I want you to live, Trish... I want you to be with me until our last breath. L-laban lang, ha? Maraming naghihintay sayo.." Napahagulgul na ako at patuloy na umagos ang luha ko mula sa mata papunta sa kamay niya. "Alam kong naging selfish ako... Palagi naman pero Gusto ko talagang dito ka lang. Sorry na, oh... Di na ako mang aaway. Aalagaan na kita lagi. Di kita pababayaan."

Ang sakit sa dibdib. Sumasakit ang dibdib ko sa pangyayaring ito. Ba't ba kami napunta sa ganitong sitwasyon? Ayos lang naman kami noon. Di ko pa matanggap noon na ipapakasal ako sa bata pero heto ako ngayon umiiyak dahil posibleng mawala siya sa akin. Ayos naman kami noon, kulitan, asaran at selosan lang naman pero nandito kami sa sitwasyong di ko naisip mula noong una. Ba't ba di kami nabuhay ng normal? Ba't ba kaylangan pang humantong sa ganitong sitwasyon na hindi lang kami ang nagdudusa? Bakit marami pang nadamay? Ba't kaylangang buhay pa ang dapat naing ipaglaban?

"Trisha... Chanak, stay with me." Tumayo na ako at pinahid ang luha ko. Kinuha ko ang mask ko at lumapit sa noo niya. "I love you." Sabay halik sa noo niya.

Nanlaki ang mata ko nang may humawak sa kamay ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at dahan dahang lumayo kay Trisha. Unti unting siyang dumilit at sumilay ang muting ngiti sa labi niya.

"C-chanak..." Gulat kong saad at agad nangilid ang luha ko.

"B-bata..." Hina niyang sabi.

"G-gising kana ba talaga?" Mahina siyang tumawa. Tumingin ako sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Hinawakan ko rin ang kamay niya at pinagsalikop yun. Ang liit ng kamay niya dahil bata siya at ang payat na niya ngayon.

"Love mo ako?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Pinahid ko ang luha ko at naramdaman ang pag init ng aking pisngi.

"H-hindi ah! Mali ka ng rinig!" Sabay tawa ko para maiwasan ang kahihiyan. Hinila naman niya ako papalapit sa kanya.

"Narinig ko lahat." Mahina niyang sabi. Mas lalong nag init ang pisngi ko. Ano bang nangyayari sa akin? Lalagnatin ba ako? Baka nga magkaheart attack ako nito dahil sa lakas ng tibok ng puso ko. "D-don't worry. I'll stay... with you." Agad na tumulo ang luha ko at di ko mapigilang yakapin siya.

"Trisha!" Humagulgul ako sa dibdib niya. "Magpapakabait na ako, promise!"

"Mabait ka naman talaga." Bulong niya. Patuloy ang pag iyak ko sa dibdib niya. Nandito na si chanak! Di na niya ako iiwan!

"Hindi na ako magiging makulit! Dito ka lang!"

"Dito lang ako." Bulong niya habang hinahaplos ang ulo ko.





My matured wife in a 8 year old bodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon