chapter 7

710 28 1
                                    

Dom's POV

"Di mo ba susunduin si Trisha?" Napatingin ako sa nagtanong. Si Julia pala. Yung crush ko...

"Bahala yung batang yun." Inis na sabi ko. Hinagis ko ang bola sa ring. "3 points." Pagmamalaki ko.

Ngunit disappointed ang mukha niya. Umiling siya at tumalikod.

"Oh... Disappointed si Julia." Pang aasar naman nila Derick. Alam nilang crush na crush ko si Julia. "Practice nalang tayo." Hinagis ni Derick sa akin ang bola. Sinulyapan ko si Julia bago ako bumalik sa paglalaro.

Nang nasa akin na ang bola. Inihagis ko sana...

"Trisha!" Nang inihagis ko na ay di na ito pumasok. Napatingin agad ako sa gilid. Nandoon na si Trisha at nakangiting yumakap kay Julia. Tiningnan niya ako ng nakakaasar. Pinagseselos niya ba ako?!

"Hi, crush. Ba't nandito ka pa?" Tanong niyang nakangiti. Para siyang inosenteng bata na lesbian. Sabi niya hindi niya crush si Julia.

"Julia, lumayo ka nga sa batang yan! May boyfriend na kaya yan!" Gulat naman siyang napatingin kay Trisha.

"Oh? really? Who's the lucky guy?" Sabay hagikgik ni Julia.

"Akala ko ba magagalit ka sa kanya?!" Gulat kong tanong.

"Huwag po kayong mag alala. Loyal po ako sa inyo. Di naman ako kagaya ng iba na Bad boy, Playboy, player, womanizer, Casanova, fuckboy-"

"Di ako fuckboy!" Sinisira niya ang image ko. Pareho sila ni dad.

"Sinabi ko bang ikaw?"

"Urh!" Lumapit ako sa kanya at hinila siya palayo kay Julia. "Umuwi na tayo, bago mo pa masira ang image ko sa crush ko."

"Sira na kaya ang image mo. Sino ba namang magkakagusto sayo? Bobo ka, mahilig ka sa Teddy bear, tanga ka-"

"Di ako tanga-" nabangga naman ako sa poste. "Aray..."

"Di ka nga tanga, bulag ka."

"Gusto mo patulan na kita?" Pananakot ko sa kanya.

"Bakit? Ito bang ginagawa mo hindi halimbawa? Pinapatupan mo na kaya ako sa ginagawa mo."

Di naman ako makapagsalita sa sinabi niya. Wala akong maisip na pambabara. Ano ba ang dapat na makakapagpatikom ng bibig ng isang bata. Ice cream? No, hindi. Ang matured niya para sa ice cream, teddy bear? No, ayokong ipahiram sa kanya si Teddy, book? Drawing book? Ayoko nga! Di ko siya nireregaluhan noh!

Pumasok na siya ng kotse.

"Paano ka nakakapagmaneho nito? You're just 15 right? Wala ka pang license and I bet you are not professional driver."

Blah... Blah... I hate her very much.

"Can I drive?" Tanong niya na nakapagpatawa sa akin.

"Bakit? Professional ka ba?"

"Bakit? Professional ka ba?" Tanong niya sa akin pabalik.

"Of course." Pagmamayabang ko.

"Okay, let see then." Di ko alam anong ibig niyang sabihin ngunit alam kong may binabalak ang chanak na ito.

Nang nakarating kami sa bahay ay sabay naming nakasalubong si dad sa sala.

"Kumusta ang school?" Bati niya.

"As usual..." Rinig kong bulong ni Trisha kasabay pa ng pag ikot ng mata. Salamat di siya nakita ni dad.

"Okay, lang, dad." Nakangiti kong sagot.

"It's wonderful, tito!" Masaya niyang sagot. Bipolar din itong chanak na ito, ha. Kanina lang nagtataray, ngayon? May pa wonderful pa?

Umakyat kami papunta sa kwarto namin. Dumiretso agad ako sa kwarto ko. Kinuha ko agad ang uniform ko. Nagsuot ako ng komportable at humiga agad sa kama. Nakakapagod. Kinapa ko ang gilid ng kama ko. Napabalikwas ako.

Nasaan si teddy?! Nandito lang yun nang gumising ako, ah! Ngayon wala na!

Alam ko na agad sinong kumuha, nun!

Agad akong lumabas ng kwarto at pumasok sa kwarto ni Trisha.

"Ikaw! Chanak-" Sinalubong naman niya ako ng sigaw.

"Gago ka! Ba't ka pumasok?! Bastos!" Hinagisan niya ako ng unan. Napaatras naman ako. Wala na siyang maihagis kaya kinuha niya ang lampara sa gilid ng kama.

"Wait! Ano ba?!"

"Ba't ka pumasok?! Umalis ka nga! Di mo ba alam na nagbibihis ako?!" Tiningnan ko naman siya ulo hanggang paa. Nakatapis naman siya.

"Teka, iniisip mo ba na may malisya ito? Hoy! Chanak! Ang bata bata mo pa, nag iisip ka na ng masama! Ano ka dalaga?! Wala ka pa ngang dibdib, eh! Wala pang korte ang katawan mo, hindi ka pa malaki, ang bata ko pa, hindi ka pagnanasaan ng kahit sino, dahil bata ka pa! Bata ka pa, okay?!"

"Oo na! Bata na ako! Ano bang kaylangan mo?"

"Si Teddy? nasaan?"

"Yan! Yung teddy mo!" Inihagis niya sa akin si Teddy. "Alis na! Makapagsalita, toh... Para ka namang kung sinong matanda! Mahilig ka naman sa teddy bear!"

"Yan ang hindi ko matatanggap, ang pagtawag-"

"Ka ng matanda?"

"Hindi! Ang pagtawag kay teddy ng Teddy bear!"

"Tignan mo, to! Umalis ka na nga dito! Sumasakit ulo ko sayo, eh."

"Sana nga sumakit yan at mamatay ka! Para wala ng 'annoying, matured Trisha' in my life!"

"Huwag kang mag alala! Magigising ka nalang isang araw na wala na ako!" At sinara niya ang pinto na nakapagitan sa amin.

Somobra ba ako?
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Nah... Hindi. Imposible. OA lang talaga siya makasara ng pinto.

My matured wife in a 8 year old bodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon