chapter 25

434 15 6
                                    

"3 times 6, equals?"

"18!"

I can't believe, nandito ulit ako. Akala ko pa naman sasabak na ako sa misyon! Nakakainis naman kasi, ang mga kidnapper doon sa cotabato ay nahuli na kaya stay muna ako.

Balik aral narin kaya balik boring na buhay na naman. Nakakainis! Si Dom kaya? Ano kayang ginagawa ng batang yun?

Baka nangungulit na naman yun sa crush niyang si Julia. Crush pa kaya niya si Julia gayong may asawa na siya na ako?

"Trisha!" Bumalik ako sa ulirat. Di ko namalayan na nasa harapan ko na si maam. "Anong natutunan mo sa klase natin?" Taas kilay niyang sabi. Tumayo ako at tiningnan ang blackboard. Nag solve sila ng multiplication at division.

"Multiplication and division, maam." Sagot ko.

"Well. 4 times 4?" Mukhang hinahamon ako ni maam, ah? Balik grade 3 talaga ako dito.

"16." sagot ko at umupo.

"We're not done yet." Tumayo ako at tiningnan siya sa mata. "5 times 6?"

"30."

"6 times 7?"

"42"

"42 times 2?"

"84." Nakakainis na ito, ah. Ang mga kaklase ko naman ay napalakpak.

"Silence!" Natahimik naman sila. Ang terror talaga niya. "Impressive. 35 times 18?" Umangat ang labi niya at ako naman napahilamos. Grabe na ito para akong iniinsulto!

"630." Agad nawala ang ngiti niya.

"Magaling ka, but can you solve this." Tiningnan ko naman siya na parang tinatanggap ang hamon niya. "51 plus 48, multiply by 100, divided by 2, minus 200?"

Nagtitigan kami ni maam. Parang sigurado talaga siyang di ko masasagot yan pero sorry siya.

"24.75 or should I say 25."

Natawa ako nang tumalikod si maam at nagmartya papunta sa lamesa niya. Umupo naman ako. Mariin niya akong tiningnan. Nagpupusok siya sa galit.

Don't mess up with me, maam.

Bigla nalang nag bell. Napangisi ako at binigyan ng ngiting nakakaasar si maam.

"Goodbye and thank you, maam! Mabuhay!" Agad naman silang nag unahan papaalis. Niligpit ko ang gamit ko at di ko namalayan na ako nalang pala ang tao rito at si maam.

Aalis na sana ako nang harangin ni maam ang dadaanan ko.

"Stay. I have something to tell you."

"Ang what is that?" Inaaksaya niya ang oras ko.

"You will represent grade 3 for math quiz." Saad niya.

"What?!" I hate math, di lang halata. "No! Ayoko!" Tinaasan niya ako ng kilay dahil hindi ko pag respeto sa kanya. "...po." dugtong ko.

"Bakit hindi? Magaling ka at mabilis ang pagsagot mo sa mga katanungan ko."

"Maam, I hate math, hindi lang halata."

At ang dali dali lang ng pinasagot niya sa akin. I'm an agent so that's why I can answer her questions easily. Matanda narin ako kaya alam ko ang bagay nayun.

"8 am. Tomorrow in auditorium room." Saad niya at umalis sa pinto. Agad akong lumabas.

Ano naman ang gagawin ko doon?! Magpapakatanga?! Ba't ba kasi sinagot ko ang mga tanong niya?!

Naiinis akong umalis sa school. Maglalakad lang ako papunta sa batang yun. Susunduin ko na naman ang batang yun.

"Trisha?" May sumabay naman sa akin sa paglalakad.

Siya yung lalaking iyakin. Di ko siya pinansin at patuloy lang sa paglalakad.

"Kumusta ang bakasyon mo?"

"Fine "

"Trisha, you know. Gusto kita."

"You're just grade 3 so shut up before I punch your face."

"Sorry." Tumigil siya sa paglalakad habang ako ay nagpatuloy. Ayoko siyang kausap. "Iiwan mo ako?"

"Uhm... Yup."

"Talaga? Kimmie?" Napatigil ako sa paglalakad at agad na napatingin sa kanya.

"A-ano?"

"Agent Fun Smith at your service." Bahagya pa siyang nag bow. Nakakaasar! Di ko siya kilala! Sino ba siya?!

"Sorry pero di kita kilala at hindi ako si Kimmie." Tumalikod at aakmang maglalakad nang magsalita na naman siya.

"Nasaan ang black card?" Seryoso niyang tanong.

"Hindi ko alam anong pinagsasasabi mo?"

"Come on, Kim. Maglolokohan pa ba tayo?"

"Sino ka ba talaga?!" Naiirita na ako sa kanya.

"Johnny West ang kaklase mo, Agent Fun Smith or should I say shadow man." Sabay ngisi niya.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Si Shadow man ay mas kilala sa pagiging hari ng mafia at kung hindi ako nagkakamali siya ang may gusto ng black card, tauhan niya ang mga taong umaaligid sa bahay noon. Akala ko si Shadow man ay malaki?! Ba't naman ganyan?!

"Isa kang agent?" Kinindatan niya ako.

"Yes. Nakapasok ako sa HQ niyo bilang Fun Smith and I tried the machine para maging bata ako." Kinabahan ako sa tinging pinukol niya sa akin. "Nakapasok ang mga tauhan ko sa HQ niyo and guess what. They're dead. Your colleagues are dead."

"A-anong..." Ayokong maniwala sa kanya ngunit ang tingin niya ay parang si shadow man. Nakaharap ko na noon si shadow man. Mahilig siya sa itim kaya tinawag siyang ganoon.

Si sir Rafael? Edgar? Trisha na nasa katawan ko.

Matalim ko siyang tiningnan, nakangisi siya. Ang katawang ginamit niya ay ang katawan ng batang iyakin.

"Kung tinatanong mo kung nasaan ang katawan mo na nakay Trisha ay pwes wala na. Pinasabog ko ang HQ niyo."

Namuo ang luha ko na nagpangisi sa kanya.

"Ano na ngayon, Kim? Nasaan ang black card? Ibibigay mo sa akin o papatayin ko ang iniingat-ingatan mong Dom Fortez?"

"Huwag mo siyang idadamay rito?!"

"Oh. Sorry. Di mo ba alam? Nadamay na siya simula pa nung una."

"Wala sa akin ang black card. Binigay ko sa head ng HQ at kung tama nga ang pagkarinig ko sayo, pinasabog mo ang HQ na sigurado akong nandoon lang." Nag iba na ang emosyon na nakikita sa mata niya. "Ang bobo mo naman para hindi maisip yun!" Sigaw ko. Sa isang mafia leader siya ang pinaka bobo sa lahat ng bobo.

"Hindi ako naniniwala sayo! Wala doon ang black card kaya nasaan yun?!"

"Wala nga sa akin! At magbabayad ka sa ginawa mo! Pinatay mo ang mga kasama ko!" Sinugod ko siya at agad na sinuntok. Nakailag naman siya ngunit di niya naiwasan ang kamay kong sumasakal sa kanya. Sinakal niya din ako kaya nagsakalan kami. "Urh...biti-wan mo ako!"

"B-bitiwan mo muna ako!"

"Ehem!" Napatingin naman kami pareho sa nagsalita. Baywang ang nakita namin kaya napaangat kami ng tingin. Si maam. "Principals office. NOW!"

My matured wife in a 8 year old bodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon