chapter 1

1.1K 44 6
                                    

"Bading ka?! Pinalaki kitang matino! Tapos aamin kang bading ka?!" Ramdam ko ang galit ni dad kaya napaatras ako.

"H-hindi-"

"Dom, naman. Gusto ko pa naman sanang sumali ka sa army hindi sa beauty pageant!" A-anong beauty pageant ang pinagsasabi niya? "Alam kong hindi ako perpektong ama ngunit sana naman hindi mo itinago!"

"Dad, let me-"

"No..." Hinarang niya ang kamay niya sa mukha ko. "Tatanggapin naman kita, eh."

"Dad! I'm not gay, okay?!" Di ko na mapigilang sigawan siya. Nakakainis kasi parang babae, grabe makapagsalita. "Huwag kang paniniwala sa sinasabi ng batang yan!" Sabay turo ko sa bata. Ngayon napakainosente na niya.

"Tito, diba sabi nila di nagsisinungaling ang mga bata? Kaya maniwala kayo sa akin." Ang lambing ng boses niya nakakairita.

"Hindi kasi ako bading!"

"Dom, huwag mo na kasing itanggi, sinabi mo pa nga na may crush mo si James Reid dahil may abs."

"Anong pinagsasasabi mo?! Wala-"

"Ikaw bata ka!" Pinalo naman ako ni dad ng kahoy. "Ayaw mong magpakasal dahil gusto mo lalaki ang ikakasal sayo?!"

"Huh? Hindi! Dad naman, maniwala kayo sa akin." Kinuha ko ang kahoy na pinampalo niya.

"Sumasakit ang ulo ko sayo. Kaylangan kong  mag emote." Pumunta siya sa office niya at padarag na sinara ang pinto. Sinamaan ko naman ng tingin ang bata na ngayon ay seryoso na.

"I told you. Don't mess up with me. Una palang yun, Mister Dom Fortez. Kung gusto mong maniwala si tito sayo kaylangan mo muna akong galangin."

Natawa naman ako. "Galangin? Ano ka matanda? Mas matanda ako sayo, uy! Gumising ka." Kinatok ko pa ang ulo niya. Sa tingin niya ba mapapasunod ako? Wala pang nakapagpasunod sa akin. Hinawakan naman niya ang kamay ko.

"Don't touch my hair. I love my hair than your stupid life." Padarag niyang binitawan ang kamay ko. Dumiretso siya sa sofa at umupo doon. Sa tingin niya ba mapapasunod niya ako? Sa tingin niya ba takot ako sa kanya? Pwes, hindi! Hindi ko siya uurungan!

May binabasa siyang libro. Agad ko yung kinuha at pinatong sa itaas ng book shelf.

"Kunin mo." Pang aasar ko sa kanya. Binigyan lang niya ako ng nakakabagot na tingin.

"Wala akong oras sa laro mo, bata." At nilagpasan niya ako. Ano raw?! Bata?! Sino?! Ako?!

Sumunod ako sa kanya sa kusina at nakita ko siyang nagliligpit ng plato na pinagkainan namin kanina.

"Alam mo bang eight year old ka lang?"

"Oo naman."

"Ba't parang ang matured mo pa mag isip kaysa sa akin?"

Tiningnan niya ako. Huminto narin siya sa ginagawa niya.

"Hindi ako matured. Three year old ka lang mag isip."

"Ano?!"

I can't believe this!



~•~

Guys, I need cover

My matured wife in a 8 year old bodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon