special chapter 11.5

533 26 1
                                    

"Kuya?" Naalimpungatan naman ako kay Trisha. Ba't siya nandito sa kwarto ko?

"Trisha, what are you doing here?" Tiningnan ko ang orasan sa side table at 1am na.

"I can't sleep. I think there's someone in my room." Mahina niyang saad pero bakas dito ang kaba, takot? Ngayon ko lang siya nakitang ganito. She's acting weird.

"Paano mo naman nasabi? Binuksan mo sana ang ilaw." Umupo ako. Umupo naman din siya.

"I... I'm scared. It's watching me. Umiilaw ang mata niya sa dilim kaya alam kong nandoon siya." Nagsimulang manginig si Trisha. Kinabahan din ako sa sinabi niya. "Natakot na ako kaya tumakbo na ako dito." Niyakap niya naman si Teddy.

Tumayo ako at binuksan ang ilaw. Lumabas ako ng kwarto at pumasok sa kwarto niya. Pinaandar ko ang ilaw na nasa gilid lang ng pinto kaya naaninag ko agad ang buong kwarto niya. Wala namang tao. Guni guni lang ng batang yun. Mga bata talaga ngayon.

"Wala naman." Pagbalik niya sa kwarto niya at tulog na si Trisha sa kama niya. "Sabihin mo gusto mong tumabi sa akin kasi may gusto ka sa akin." Napangiti naman ako. Ang cute niyang matulog. Sana matulog nalang siya forever para cute siya. Whahaha! Humiga ako sa tabi niya. In-off ko naman ang ilaw. Sa pag off ko ng ilaw ay nakakita ako ng isang pares ng mata sa madilim na parte ng kwarto at nakatitig ito sa akin.

"WHAAAAAHHH!!"

"GISING!!" Agad akong napadilat nang naramdaman ko ang malamig na tubig na dumapo sa balat ko. Nakita ko si Trisha na may dalang balde ng tubig.

"Ano ba?!" Bumangon ako at inayos ang sarili. Basang basa ako.

"Ikaw! Batang bata mo pa! Nagpupuyat ka! tingnan mo tuloy di ka nakatulog ng maayos! Bangon na! Papasok pa tayo, eh." Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"Ikaw! Kababata mo pa, ulyanin kana! Di ka lang ulyanin, chanak ka pa! Walang pasok ngayon!!" Sigaw ko sa kanya. Natigilan naman siya at nag isip pa.

"Oh..."

"Kasalanan mo kung ba't ako napuyat, inalagaan kita noh! May lagnat ka at ayoko namang maging kontrabida na papahirapan ka."

"Oh... Sige tulog ka na ulit."

"No thanks. Gising na gising na ako."

My matured wife in a 8 year old bodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon