chapter 19

431 19 0
                                    

Bumalik kami ni Kim sa bahay na parang walang nangyari. Ang mga pinsan ko naman ay naabutan namin na natutulog na. Marami akong pinsan at iisang bahay lang ang tinutulugan namin kaya kanya-kanyang diskarte nalang.

"Saan tayo matutulog?" Napatanong nalang ako. Ayokong patulugin si Kim sa tabi ng pinsan ko. Bisita ko siya kaya dapat may sarili siyang kwarto ngunit ang mga kwarto kasi dito ay puno na.

"Nasaan ang susi ng sasakyan?" Tanong ni Kim. Nagulat naman ako sa tanong niya.

"Huwag mong sabihin na doon ka matutulog?!"

"Hindi!" Agad na tanggi niya. "May kukunin lang ako." Pumunta ako sa isang drawer at kinuha ang susi ng kotse. Inihagis ko naman ito kay Kim na agad na sinalo niya. "Come on." Sinundan ko siya papunta sa kotse. Pinatunog niya ito at binuksan ang likuran. May kinuha siyang bag at inilock niya ang kotse. Binuksan niya ang bag at kinuha niya ang isang duyan.

May dala siyang duyan?

Humanap siya ng puno. Ang nagawa ko lang ay sumunod sa kanya hanggang sa maayos na niya ang duyan.

"Matulog kana." Saad niya.

Kumunot ang noo ko.

"Saan ka matutulog?"

"Nah! Kahit saan. Matutulog nalang ako kahit saan o sa kwarto nalang ni Edgar may sarili naman siyang kwarto sa kabilang bahay-"

"Huwag!" Aalis na sana siya pero lumabas naman ang mga katagang yun sa bibig ko na nakapagpigil sa kanya.

Bakit ko nga ba nasabi yun?

"Bakit naman?"

"Tabi nalang tayo." Humiga ako sa duyan. Kinunutan niya naman ako ng noo. "Huwag kang mag isip ng masama. Walang malisya-"

"Hindi naman yun. Naisip ko lang kung bakit naisip mo g tumabi ako sayo." Saad niya at tumabi sa akin.

Ang lapit namin sa isa't isa na di ko maiwasang mayakap siya. Nakatalikod siya sa akin habang yakap yakap siya.

"Dom?"

"Mmm?"

"Alam mo na bang ikakasal tayo?" Napasinghap naman ako sa sinabi niya. "Kaya nga sinama ako dito ni tito para maipakilala ako sa mga pamilya mo. Kung iniisip mo si Trisha alam mo namang di pwede kasi... Alam mo na." May alam ba siya? "Alam kong ayaw mo sa fixed marriage pero we can try." Sabay kibit balikat niya.

Wala akong naging komento at hinigpitan nalang ang pagkakayakap ko sa kanya.

Ilang araw palang kaming magkakilala ni Kimmie pero alam kong may espesyal na parte siya sa puso ko. Di ko maintindihan ang sarili ko dahil dapat nagagalit o nandidiri ako dahil mas matanda pa sa akin ang pakakasalan kong babae kaya nagtataka ako kung ba't ako nakangiti.






"Morning lovebirds!- aray!"

"Oh! I'm sorry! I'm sorry." Gumalaw ang duyan kaya napadilat ako. Umaga na pala. Kinusot ko ang mata ko.

"Ang sakit ng suntok mo!"

"Pasensya na talaga! Akala ko kung ano, eh."

"Makaalis na nga!" Sabay alis ng isa ko pang pinsan na si Roy. Umupo ako sa duyan. Umupo naman sa tabi ko si Kim. Humikab ako.

"Good morning." Bati niya.

"Morning. Ano palang nangyari dun?" Tukoy ko kay Roy na nagwalk out habang hawak ang pisngi.

"Nasuntok ko, eh." Sagot niya na parang ayos lang.

"Bakit naman?"

"Nanggugulat, eh." Ang dami kong di alam kay Kimmie kapareho sila ni Trisha na misteryoso at hindi basta basta na minamaliit.

"Maam Kim!" Napatingin naman kami sa tumawag. Si Edgar. Ano na naman ang ginagawa niya dito?! "Kape, maam." Sabay abot ni Edgar sa kape kay Kim. Kukunin sana ito ni Kim kaya lang kinuha ko ito.

"Salamat kuya. Nauuhaw na ako, eh." Sabi ko at ininom yung kape. Agad ko din itong binuga dahil sa init.

"Yan. Di kasi iniihip, eh." Kinuha niya ang kape at inihip niya bago niya binigay sa akin. "Edgar, sinabi ko na sayo huwag mo akong tawaging maam dito." Sermon ni Kim kay Edgar.

"Sorry po, maam- I mean Kim. Di ko maiwasan, eh."

Nakatingin lang ako sa kanila habang umiinom ako ng kape. Bakit parang ang sarap ibuga nitong kape kay Edagr?

"Nasaan si Trisha?"

"Nasa kwarto ko."

At nabugahan ko nga si Edgar.

"Dom naman!" Si Trisha? Nasa kwarto niya? Bakit? Kaano-ano ba niya si Trisha? Huwag mong sabihin na girlfriend niya si Trisha? Yung chanak nayun, mahilig pa naman yun sa matatatanda.

"Kaano-ano mo ba si Trisha?" Di ko maiwasang matanong. Naging malikot naman ang mata niya at di makatingin sa akin. May tinatago siya.

"Uh..." Tumingin siya kay Kim na parang nanghihingi ng tulong. Napatingin naman ako kay Kim. Bumuntong hininga si Kim at nilingon ako. Nanlaki ang mata ko nang hinalikan niya ako. Humiwalay siya at hinawakan ang dibdib ko na ang bilis ng pag tibok.

Kimmie's POV

Ang lakas ng tibok ng puso niya. Nakatanga lang siya pagkatapos ko siyang halikan. Isa yun sa paraan para maalis niya ang tanong niya sa amin kanina.

"Sumunod ka." Saad ko kay Edgar. Lumayo kami sa bahay para walang makakarinig sa amin. "Balita?"

Naging seryoso naman siya at kinuha ang cellphone niya.

"Sunod-sunod ang pagkawala ng mga bata 15 edad pababa. Araw-araw ay may nawawala." Binigay niya sa akin ang cellphone niya. May pictures doon ng mga batang nawawala.

"Wala pa ngang bagong taon, ganito na agad." Sabay iling ko. Binalik ko sa kanya ang cellphone. "Kumusta si Trisha?" Napalitan ang kanyang seryosong mukha ng pag aalala.

"Sumasakit ang ulo niya kagabi. Alam kong may kinalaman ito sa eksperemento nila. Ikaw? Wala pa ba?"

Umiling ako pero alam kong sasakit din ang ulo ko at pwede akong mamatay.

"Sa susunod di na si Trisha ang gagawa nito."

"Huh? Sino naman? Hahanap ka ng bata para ipalit sa kanya? Pareho lang ang magiging resulta. May masasaktan parin."

"Walang masasaktan kung walang buhay na bata ang ipapalit sa kanya."

My matured wife in a 8 year old bodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon