chapter 17

464 19 0
                                    

"Hi!" Di ako makagalaw sa kinatatayuan ko at parang nanigas ako. Nandito siya! Nandito siya!

Lumapit siya sa akin, hindi pala kay Yummy at Arius pala.

"Trisha." Napatingin sa akin si Trisha. Lumaki ang mata niya.

"Kuyang pogi! Ikaw ba yan?! Ba't ka nandito?" Nakangiti niyang tanong. Kuya? Minsan lang niya akong tinawag na kuya.

"M-may... Uhm..." Bago pa ako sumagot ay may sumagot na.

"Nagbabakasyon kami." Singit ni Kimmie. Nanlaki ang mata ni Trisha agad itong napalitan mg galit.

"Ikaw! May karapatan ka pang magpakita sa akin pagkatapos ng ginawa mo?!"

"Bakit? Ano bang ginawa ko, bata?" Pang aasar niya kay Trisha. Mukhang may ginawa talaga ito si Kimmie kay Trisha.

"Alam mong walang maniniwala sa akin kapag sinabi ko!" Sigaw niya. Ngumisi naman si Kimmie.

"Magaling at alam mo." Sagot niya bago ako hinila papalayo sa mga bata.

"Teka, ano bang problema mo?!" Binawi ko ang braso ko at aakmang aalis pero pinigilan niya ako.

"Dito ka lang, bata. Huwag kang lalapit sa kanya."

"At bakit naman hindi?! Hindi kita boss! Kaya gagawin ko ang gusto ko!" Tinalikuran ko siya ngunit hinila na naman niya ako para mapaharap ako sa kanya.

"Huwag mo akong tinatalikuran bata ka!"

"Huwag na huwag mo akong tinatawag na bata." Si Trisha lang pwede.

"At bakit naman hindi?! Mas matanda ako sayo!"

"Eh, mas mataas ako sayo!" Natigilan naman siya sa sinabi ko. Huli ka balbon! Ang liit kaya niya. Hanggang tenga ko lang siya kaya wala siyang karapatang tawagin akong bata. "Maliit ka! Kaya huwag na huwag mo akong tatawaging bata!" Sigaw ko sa kanya.

Nanigas naman ako sa kinatatayuan ko nang parang may naramdaman ako kakaibang awra. Napatingin ako sa kanya at ang dilim ng mukha niya. Ang talim ng tingin niya sa akin, na nagpalunok sa akin ng wala sa oras.

"Maliit man ako, di naman kasing kitid ng utak ko ang utak mo!" Hinawakan niya ang tenga ko at pinilipit yun.

"O-ouch!

"Yan! Ilabas ko ang pagiging bading mo, gago ka! Sinong maliit ngayon?!"

"Pikon ka pang, eh!"

"Ah ganoon."

"Aray!!" Mas masakit pa ngayon. Pikon talaga!

"Uy, ang sweet niyo namang mag asawa." Ewan ko ba kung sarkastiko yung sinabi ni Jennette o hindi. Pero kahit na sarkastiko yun. Nandidiri ako.

"Eww... Asawa?! Sino?! Itong babaeng ito?! No way! May mga pangarap pa ako at WALA siya sa listahan." Binitiwan naman ni Kim ang tenga ko. Tiningnan niya ako sa seryoso.

"Jennette." May tumawag naman kay Jennette kaya napatingin kami. Ang pinsan kong si Edgar. Isa siyang pulis army.

"Ano po yun, kuya?" Tanong ni Jennette.

"Edgar?" Napatingin naman ako kay Kim dahil tinawag niya si Edgar. Gulat namang napatingin sa kanya si Edgar.

"M-maam Kim?" Ngumiti si Kim pero parang peke lang.

"Nandito ka pala." Bigla nalang niyang hinigit si Edgar papaalis. "Di na ako nagulat kung ba't nandito si Trisha! Dahil nandito ka naman pala..." Yun ang huling sinabi ni Kim bago pa sila makaalis ng tuluyan.

"Mukhang close sila." Saad ni Jennette habang tinatanaw ang papalayong bulto ng dalawa.

Napairap naman ako. Salamat nga at nawala na ang Kim nayun.

Nag uusap lang sila doon...

Hanggang sa lumapit si Trisha...

Nanliit naman ang mata ko. Anong kinalaman ni Trisha sa kanilang dalawa?

Umalis si Trisha ng masaya...

Sila nalang dalawa ang naiwan...

Napakaseryoso ng usapan nila na parang sila lang talaga ang dalawang nakakaintindihan nun.

Bigla nalang nanlaki ang mata ni Trisha at napayakap kay Edgar.

"Hoy!" Gulat akong napatingin kay Jennette. "Kanina ka pa tingin ng tingin kina kuya, ah. Tatlong games na ang lumipas at lahat doon ay sumali ako. Iniwan kitang nakatingin sa kanila, babalik ako na nakatingin ka parin?"

Talaga? Tatlong games na ang nakapipas.

"Tomato dance. Halika na!" May bigla nalang humigit sa akin papunta sa gitna at namalayan ko nalang na may kamatis na sa noo ko kaharap ang isang babae.

Nanlaki ang mata ko na napagtanto kung sino ito. Lalayo sana ako kaya lang pinulupot niya ang mga braso niya sa leeg ko para di ako umatras.

"Huwag kang umatras baka mahulog ang kamatis sa noo natin." Mariin niyang saad. "At ilagay mo nga sa baywang ko yang kamay mo para siguradong di ka lalayo."

"Ayoko nga."

"Pwede makisama ka nalang. Gustong gusto kong makuha ang premyo, eh."

"Ano naman ang premyo?"

"Teddy bear." Nanlaki naman ang mata ko. Teddy bear. Gustong gusto ko ng Teddy bears. "Tumingin ka sa gilid ng mata mo." Sinunod ko siya. Tama, meron ngang mga teddy bear mga premyo.

Pinulupot ko ang braso ko sa kamay niya. Sumasayaw kami.

"Bakit ako ang pares mo? Doon ka nalang kaya kay Edgar."

"Bata, huwag kang magselos. Kaibigan ko lang siya."

Bigla namang nagsihiyawan ang mga tao sa paligid. Biglang nahulog ang kamatis sa noo namin kasabay noon ang paglapat ng malambot na bagay sa labi ko. Nanigas ako, habang siya ay nakapikit. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Humiwalay siya at ngumiti.

"Nice work, bata." Saad niya at umalis habang nasa kamay niya ang kamatis na nahulog kanina.

"Ayieeeeeee!" Agad akong namula at umalis sa gitna. Napag alaman ko rin na nanalo kami.


















So, habang sinusulat ko ito ay nangyayari ang new year's party sa amin kaya ang ibang pangyayari ay nangyari talaga. Whahaha!

SPECIAL CHAPTER, NEXT!

My matured wife in a 8 year old bodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon