chapter 10

569 23 0
                                    

Nang sumunod na araw ay ayos na ang katawan ko, masakit kunti pero nakakaya naman. Si Trisha naman, di ko makita.

Bumait siya kagabi, ah. Syempre dapat mabait siya. Siya kaya ang may kasalanan.

"Nasaan si Trisha, dad?" Tanong ko kay dad. Siya lang kasi ang nandito sa hapag kainan.

"Umalis ng maaga may project pa kasi sila." Tumango naman ako. Ang sipag niyang mag aral kahit grade 3 palang siya. Nung grade 3 palang ako wala naman kaming mga group project.

"Dad, baka naman nagsisinungaling lang si Trisha? Grade 3 palang siya, ah."

"Kung sa tingin mo nagsisinungaling siya, di ba ikaw ang magiging asawa? Inaalam mo sana kung saan papunta ang fiance mo." bumalik naman siya sa pagkain niya.

Pagkatapos kong kumain ay dumiretso ako sa school ni Trisha. Titingnan ko lang kung nandoon siya. Di ko naman akalain pagpasok ko sa eskwelahan niya ay malilito ako. Ang laki ng eskwelahan kaya nagpasiya akong dumiretso nalang sa school ko.

"Good morning." Bati ni Julia sa akin pagkaupo ko palang sa upuan. Binati niya ako! Si Julia lang talaga komokompleto ng araw ko.

"Good morning din, Julia." Sabay ngiti ko ng matamis para mas lalo akong gumwapo sa paningin niya.

"Kumusta naman si Trisha?" Agad nawala ang ngiti ko. Binati niya lang ba ako para kumustahin ang chanak nayun?

"Ayos lang." Tipid kong sagot at binaon ang mukha ko sa braso kong nasa desk.

"Dom, ayos ka lang?" Naramdaman ko ang kamay niya sa likuran ko at ang boses niyang nag aalala sa akin. Lihim akong napangiti. Nag aalala sa akin si Julia.

~•~

Trisha's POV

"Di na muulit, boss." Saad ko.

"Di na talaga, Kim! Alam mo naman kung gaano ka importante ang misyong ito! Ang kaylangan mo lang naman gawin ay ilayo sa kapahamakan yung bata, anong ginawa mo?! Sinaktan mo siya?!" Sigaw ni Boss Ralph.

"Di na talaga muulit, boss." Di ko naman talaga sinasadya ang pagsipa kay Dom. Nagalit lang talaga ako sa kanya dahil kinuha niya ang cellphone ko. Kasalukuyan ko kasing kausap doon si boss.

"Sir Ralph!" May pumasok naman na agent dito sa office niya. Gulat na napatingin sa akin ang agent. "Maam Kim." Bati niya. Kahit ganito at itsura ko nagagawa pa nila akong galangin. "Sir, may bagong case tayo." Sabay abot niya ng folder kay boss. "May nakitang patay na babae sa bangin sa gilid ng kalsada. Wala kaming makitang kahit anong bakas ng fingerprint. Wala din kaming nakuhang ibidensiya na pwedeng tumukoy sa suspek."

"Meron kayong person of interest?" Tanong ni boss.

"Meron ngunit malabo." May binigay ulit na folder ang agent. "Si Vista L. Luis. Siya ang may galit sa biktima dahil pinatay daw ng biktima ang kanyang kapatid na si Juen Luis. Di nakulong ang biktima dahil nanalo ito sa korte at si Vista ngayon ay nasa Cebu, kaya imposibleng siya ang suspek."

"Baka naman may binarayan yung Vista para patayin yung biktima?" Singit ko sa kanila.

"Imposible po yun, maam kasi simula nang mawala si Juen ay naghirap sila, kaya nanirahan na sila sa cebu."

"Napakalinis nga, walang bakas ng kahit ano." Komento ni boss. Inihagis ni boss sa akin ang folder. "Ikaw na ang bahala diyan. Alam kong kaya mo yang lutasin."

Pinuntahan namin ang crime scene.

"May pinagsabihan na ba kayo na kamag anak ng biktima tungkol sa nangyari sa kanya?" Tanong ko sa agent na ang pangalan ay Edgar.

"Hindi pa, maam. Gusto kasi naming may lead na kami para sa suspect bago namin ipaalam. Ngunit kong aabutin na tayo ng gabi ay ipapaalam na natin sa mga kamag anak niya." Tiningnan ko ang bangin kung saan hinulog ang bangkay ng babae.

"Nasaan nayung babae?"

"Nasa hospital at iniimbestigahan pa." Tumango naman ako. Habang nasa kotse kami kanina ay binasa ko ang bawat detalye ng buhay ng biktima pati narin ang pamilya niya.

"Ilang oras na siyang patay?"

"Mahigit 32 hours na." Tinawagan ko ang asawa ng biktima. Nakuha ko ang number ng asawa niya dahil mayroong business card na nakita sa pitaka niya.

"Hello?"

"Hello? Who's this?" Tanong ng babae sa kabilang linya. Iniba ko naman ang boses ko baka naman kasi ayaw maniwala sa akin dahil pambata ang boses ko.

"Pwede ko po bang makausap si Mr. Madrigal. Tungkol po ito sa asawa niyang namatay."

Napasinghap naman ang babae sa kabilang linya. "Teka, lang po ipapasa ko lang po ito kay Mr. CEO." Sagot niya.

"Hello?" Sagot naman ng isang lalaki sa kabilang linya. Ito na ata si Mr. Madrigal ang asawa ng biktima.

"Mr. Madrigal patay na ang asawa niyo. Pumunta kayo sa crime scene." A pinatay ko ang tawag.

After 30 minutes ay dumating naman ang asawa niya, gaya ng inaasahan ko.

"Anong nangyari?" Tanong niya. Nilapitan naman siya ng pulis at sinabi ang lahat.

"Edgar!" Tawag ko sa kanya dito sa likuran ng police mobile para di ako makita, bawal ang bata dito, pag nakita ako ng pulis papaalisin nila ako, di pa kasi nila alam ang identify ko.

"Bakit po maam?"

"Pusasan si Mr Madrigal at dalhin siya sa prisinto. Hatulan siya ng salang murder."

"Ano?! Pero maam-"

"Do what I say." Umalis din naman siya at nakarinig nalang ako ng pagtatalo. Pumasok ako sa kotseng nakaparada sa di malayo.

"Siya ang suspek? Paano mo naman nasabi?" Tanong ni boss.

"Alam niya ang crime scene kahit na di ko sinabi kong nasaan."

"Baka naman nagtanong."

"Wala pang pinagsabihan ang mga pulis tungkol dito."

"Mayaman si Mr. Madrigal pwedeng i track niya ang cellphone na ginamit mo."

"Mata-track ba niya kung sa ibang lugar ako tumawag at hindi sa mismong crime scene. Di ako ganoon ka bobo." Syempre umalis ako sa crime scene para sigurado ako sa hinala ko.

"Okay. May point ka pero ano naman ang dahilan niya para patayin ang asawa niya? Perfect na ang pamilya nila, mayaman sila, may anak."

"Nang nasangkot si Mrs. Madrigal sa kasong murder ay nawala na ang pagiging perfect nila. Kahit na napanalo ni Mrs. Madrigal ang kaso ang chismis naman ay patuloy sa pagdaluy at masisira ang kanilang pangalan. Kaya nagalit si Mr. Madrigal pinatay ang asawa niya at ipalabas na ang may gawa ay ang pamilyang Luis na di niya alam na naghihiram na pala sa cebu. Napakabobo niya paring pumatay."

"Congratulations Kimmie Gonzalez. You did great... Again."

My matured wife in a 8 year old bodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon