chapter 27

289 10 0
                                    

"Sino yung tinawagan mo?" Tanong naman ni Dom. Napatingin naman ako sa kanya. Di ba niya narinig ang pinag uusapan namin. Actually sinadya ko talagang iparinig sa kanya para may kaalam alam naman siya sa nangyayari.

Ewan ko sa lalaking to kung may alam na siya o nagbubulagan lang siya o bobo talaga niya para malaman.

"Edgar." Maikisi kong sagot. Natahimik naman siya hanggang sa dumating na kami sa bahay.

Hanggang sa maghapunan ay tahimik siya at di na binuksan ang topic tungkol sa nangyari kanina sa principal's office.

"Ayos ka lang?" Mukhang nahalata din yun ni tito. Habang kumakain kasi kami ay tahimik lang siya. Himala tahimik siya.

Umiling siya habang sa pagkain lang nakatingin. Di naman siya kumakain, nilalaro lang niya ang pagkain.

"Ano bang nangyari sayo?" Tanong na naman ni tito. Tumigil si Dom sa paglalaro sa pagkain niya at napatingin sa akin. Napatingin din si tito sa akin, bumalik naman sa paglalaro ng pagkain si Dom. "Anong nangyari, Trisha?"

"Uh..." Napatingin ako kay Dom na ngayon ay umalis sa pagkakaupo. Sinundan namin siya ng tingin hanggang sa nakaalis na siya sa kusina.

"What did you do?" Ang talim na ng tingin ni tito sa akin.

"Napatawag ako sa principal's office." Sagot ko.

Tinaasan niya ako ng kilay. Pinagkrus niya ang braso niya at sumandal sa sandalan ng upuan.

"Isang agent na kagaya mo matatawag sa principal's office, bakit kaya?" Sabay ngiti niya.

Nanlaki ang mata ko at napaawang ang bibig. Bago pa ako makaalis ay nahawakan na ni tito ang damit ko sa batok.

"Tito! Bitiwan mo ako!"

"Di ako makapaniwala na hanggang dito ba naman sinusundan niyo pa kami. Akala ko ba nakuha na ninyo ang gusto niyo?!" Dinala ako ni tito sa taas.

"Nandito ako para protektahan kayo..." Tinapon niya ako papasok sa loob ng kwarto ko.

"At bata pa talaga ang kinuha nilang magbantay. Gago ba sila o bobo?" Sabay sandal niya sa gilid ng pintuan.

"Hindi ako bata! Ako si Kimmie!" Saad ko.

Napailing iling siya. "May ginawa na naman silang kalokohan. Sinasabi ko sayo delikado yang maglipat mo sa katawan ng isang bata, asawa ka pa naman ng anak ko."

Makapagsalita siya parang kilalang kilala niya ang nasa HQ, paano nalaman ni tito? Naging maingat naman ako.

"Paano mo nalaman?" Tanong ko.

"Na ano?"

"Paano mo nalaman ang lahat ng ito?"

"Simple lang naman. Nang e kwento ni Dom ang nangyari dito nung kinuha mo sa kanya ang ex files."

"Di ko yun kinuha! Binigay niya!" Saad ko sabay upo sa kama.

"Di ko lang maintindihan, ba't ka pa nandito?" Napatingin ako sa kanya.

"Pro-protektahan ko si Dom laban sa shadow man na iyon."

"Ah! Bahala ka! Basta protektahan mo si Dom, walang kahit anong gasgas."

"Gasgas naman yang anak mo eh, dati pa." Bulong ko.

"May sinasabi ka?"

"Wala! Matutulog na ako!" Humiga ako sa kama sabay lagay ng kumot.

Narinig ko ang pagsara ng pinto kaya bumangon agad ako. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si sir Rafael. Kaylangang malaman ni Sir Ralph ang nangyari ngayon.

"Hello?"

"Bakit?"

"Sir-"

"Alam ko na Kimmie." Tila nabuhusan naman ako ng malamig na tubig. Anong ibig niyang sabihin?

"Nasa sala kami." Alam kong maraming ibig sabihin ng 'alam na niya' pero sigurado akong alam na niya ang tungkol kay tito. Si sir Ralph pa e alam niya lahat.

Napabuntong hininga ako. Kinalma ko ang sarili ko bago lumabas ng kwarto. Nang bumaba na ako napapikit ako dahil di ako makapaniwala sa nakikita ko. Si tito, si sir Ralph, si Dom at si Fun. Agad na tumulis ang tingin ko kay Fun na ngayon ay ngumisi lang.

"Trisha! Upo ka dito." Sabay tapik ni tito sa upuan na katabi niya. Umupo ako doon. Sa pag upo ko doon ay nakaramdam ako ng kakaibang awra. "Dom, kumuha ka muna ng meryenda."

Kumunot naman ang noo ni Dom. "Ba't ako? May katulong naman." Saad niya.

"Gusto ko ikaw ang maghanda." Iba ang tono ng pananalita ni tito ngayon. May halong panganib at galit(?) Di ko alam. Basta wala siya sa sarili niya.

"Bakit naman?" Napatingin ako kay Dom. Di ba niya nakikita na wala sa sarili ang dad niya? Di ba niya nararamdaman ang awra dito? Masyado ba siyang manhid? O umaataki na naman ang pagiging bobo niya?

"Kasi gusto kong lagyan mo ito ng lason." Sabay talas ng tingin ni tito kay sir Ralph. Napalunok naman ako. Si sir Ralph halos di makatingin sa kanya. Kakaiba nga. Mas lalong naging masama ang awra na halos di na ako makahinga. Si Sir Ralph na ngayon ay kalmado pero alam kong sa loob loob niya natatakot siya. Pwedeng natatakot siya sa awra o kay tito. Si shadow man naman. Seryosong nakatingin sa kawalan na parang may iniisip. Kaming lahat na nandito sa sala ay alam ang sekreto na di pwedeng malaman ng iba at lalong lalo na kay Dom.

"Huh?" Nawala ang masamang tingin ni tito kay sir. Lahat kami ay napatingin kay Dom na ngayon ay nakatayo na.

He looks annoyed by something.

Akala ko umalis na siya?

"Why are you still here?" Tanong ko.

"Come with me." Seryosong sabi niya habang nakatingin sa akin.

"Bakit naman?"

"Usapang matanda yan. Bata ka pa." Lumapit siya sa akin. Nagulat ako sa sunod niyang ginawa. Binuhat niya ako. Di ko nakikita ang reaksyon nila dahil nakatalikod ako pero alam kong nakangiti na si Fun. Pinagtatawanan na nga ako.

Tiningnan ako ko si Dom.

"Ibaba mo nga ako." Nagsimula siyang maglakad papunta sa kusina.

"Okay." Nilapag niya ako sa mesa pero ang kamay niya ay nasa magkabilang gilid ko. "Let's talk."

"Sa susunod na. Kaylangan nila ako doon." Aakmang aalis ako pero di ko makuha ang braso niya. Kainis! I hate my body!

"Trisha." Tinulak ko ang braso niya pero di ko talaga kaya.

"Bakit?" Pinagsusuntok ko na ang  braso niya pero di parin niya inaalis.

"Huwag mang pumunta doon. Pang matandang usapan yun!" Hinuli niya ang kamay ko para matigil ako. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Kaylangan nila ako doon!"

"Di ka nila kaylangan! Bakit? Matanda ka ba?!" Napaiwas naman ako ng tingin dahil sa tanong niya

"H-hindi..."

"Ganun naman pala-"

"Pero nandoon yung kaklase ko!" Halos maduwal naman ako sa sinabi ko. Classmate my ass!

"Pabayaan mo siya. Mukha namang matanda yun." Umatras siya at pumunta sa ref. Dahan dahan naman ako umalis sa mesa. Kaylangan kong makaalis. Kaylangan kaya ako doon. Bakit kasi di nila pinigilan si Dom sa pagkuha sa akin?! "Kung aalis ka. Sana naisip mo ang taong nagpapahalaga sayo." Napatigil naman ako sa sinabi niya. Seryoso ang pagkakasabi niya na parang di si Dom Fortez ang nagsasalita.

"A-ano?" Napatingin ako sa kanya.

Lumikot naman ang mata niya.

"Huh? Ang sabi ko! Kung aalis ka sana naisip mo ako! Wala kaya akong kasama dito. Sa tingin mo bakit kita sinama dito?" Then boom. Bumalik na si Dom Fortez yung OA at bobong Dom Fortez.

My matured wife in a 8 year old bodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon