chapter 13

522 22 1
                                    

"Good morning." As usual binati na naman ako ni chanak paglabas ko ng kwarto.

"Morning." Tipid kong bati at pumunta na sa kusina. Sumunod naman si Trisha. Walang tao sa kusina. Linggo ngayon kaya walang kasambahay, si dad naman di ko alam kung nasaan.

Binuksan ko ang refrigerator.

"What the?! Wala man lang pagkain?!" Padabog kong sinara ang ref at umupo sa upuan ng dining table.

"Matutu ka kayang magluto." Singit ni chanak.

"Ayokong magluto." Ang lamig ng mesa. Gusto ko pang matulog, wala naman sigurong masama kung...

"Dom! Anong ginagawa mo diyan?!"

"Tumahimik ka. Matutulog ako." Mahina kong saad. Ang lamig ng mesa sa katawan.

"Sa lamesa ka talaga humiga? Bata, di naman tayo naghihirap may kwarto ka naman." Di ko siya pinansin at pinikit nalang ang mata ko. I don't have time for chit chat.

Di naman niya ako inabala ngunit rinig ko na may ginagawa siya na kung ano-ano sa kusina. Kung matured na siya alam na niya ang ginagawa niya.

"Urh! Small arms! Small feet! F*ck this body!" Mahina niyang saad. Napangiti nalang ako, ayaw niya sa sarili niya. Di kagaya ko, tanggap ko kung ano ako, ang gwapo gwapo ko. Whaha! "Kaylan pa ba ako magtitiis?!"

"Try mong magpakamatay para matapos na ang lahat." Singit ko sa mga pinagsasasabi niyang walang katuturan. Dinilat ko ang mata ko at bumungad naman sa akin si Trisha na nagluluto.

"Kapag nagpakamatay na ako, wala ka ng makakasama panghabang buhay-"

"Kung ikaw lang naman ang makakasama ko. I rather die."

Napailing nalang siya sa sinabi ko. "Kapag nawala ako sigurado akong mamimiss mo ako at doon mo mare-realize na gusto mo ako."

"Nakakasuka ka." Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa mesa. "Di ako magkakagusto sa isang bata, di sexy, walang boobs, walang curves, maliit at chanak."

"Huwag ka magsalita ng tapos."

"Eww..." Di ko nga ma-imagine na makakasama ko siya mula sa pagtanda. Nakaamoy naman ako ng masarap, kasabay nun ang paglapag ni Trisha sa isang bowl na ulam. "Ang bango.."

"Oo kumain kana." Agad akong umupo sa mesa. Nilagyan naman niya ako ng plato at kutsara. Nagsimula kaming kumain ng walang imik.

Natigil lang kami nang may kumatok. Nagkatinginan kami ni Trisha.

"Buksan mo." Utos ko sa kanya.

"Ako na nga ang nagluto, ako pa ang magbubukas? Ikaw nalang."

"Sino ba ang mas matanda? Di ba ako? Kaya buksan mo na."

"Mas malapit ka sa pinto."

"Busy ako kumain kaya ikaw nalang."

"Busy din ako kumain, noh?"

"Bato-bato picks nalang tayo." Nilabas ko ang kamao ko. Kinunutan naman ako ni Yriaha ng noo.

"Ano yan?"

"Bato-bato picks, di ka ba nakakalaro nito? Kawawa mo naman."

"Ah... Alam ko yan!" Nilagay din niya ang kamao niya.

"Bato-bato!"

"Bato... Bato..." Kinunutan ko siya ng noo. Parang di siya marunong. Ang bagal kasi ng kilos niya.

"Alam mo ba talaga ito?" Tanong ko.

"Uhm..." Tinawanan ko naman siya.

"Di ka pa nakakalaro nito! Di kaba dumaan sa pagkabata, ay teka bata ka pala! Whahaha!"

"Sige tumawa ka." Bumalik naman siya sa pagkain. Ganoon din ang ginawa ko. Parang may nakalimutan kami.

"May nakalimutan ba tayo?" Tanong ko kay Trisha. Inisip naman ni Trisha at umiling. Nagkibit balikat nalang din ako at nagpatuloy sa pagkain.

"Oo may nakalimutan kayo. Nakalimutan niyong buksan ang pinto." Nagulat naman ako sa pagsulpot ni Arjay sa tabi ko. Ngayon ko lang naalala na nakalimutan naming pag buksan siya ng pinto.

"Anong ginagawa mo dito?" Kunot noong tanong ko.

"Nothing. Mukhang... NAKALIMUTAN MO NA BIRTHDAY KO!!" Natumba naman ako sa upuan ko. Hinawakan ko ang tenga ko.

"Ang sakit, ah."

"Akala ko pupunta ka! Yan ang sinabi mo! Nakakatampo ka. Oh! Ano yan? Pagkain? Hingi ako." Kumuha siya ng plato at pagkain. Nagsimula siyang kumain.

"Akala ko ba birthday mo?" Umupo ako ulit sa upuan. "Ang raming pagkain sa inyo tapos nakikikain ka dito."

"Di ako makasingit doon, eh."

"Happy birthday." Nagulat naman si Arjay sa sinabi ni Trisha. Nandoon na naman ang ngiti ni Trisha na pambata.

"Salamat. Alam mo ikaw ang unang tao na bumati sa akin ngayong araw." Niyakap naman niya si Trisha. Agad akong nag iwas ng tingin. "Alam mo? Pumunta ka sa bahay. Maraming sweets doon, kagaya ng chocolate, cake, donut. Ikaw ang pinakaimportanteng bisita ko mamaya. Punta ka, ha?" Agad kong simaan ng tingin si Arjay kaya lang parang di niya ako napansin dahil nakatingin siya kay Trisha. Napatingin ako kay Trisha na nakatingin sa akin na parang hinihingi ang permisyo ko.

Bumuntong hininga ako at tumango ako.

My matured wife in a 8 year old bodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon