Kahit kelan hindi pa siya nagkakaganito na parang nababaliw na sa kakaisip dahil lang sa PAG-IBIG. Tama nga yung sinabi sa kaniya ni Lemuel noon na ang tao raw na nawawala sa sarili kapag in-love. Naalala niyang tinawanan lang niya ang kaniyang kaibigan noon dahil wala naman siyang kamuwang-muwang sa ganyan dati e, pero ngayon alam na niya kung gaano kahirap.

~~~~~~~~~~~~~~~~  

        “Who is he mommy?” tanong ni Miguel sa kaniya makaraan ang ilang sandaling pagtitig nito kay Jake.

Nasa library silang apat para may privacy silang mag-usap.

“He’s my friend Jake Santos but you can call him Tito Jake.” Sagot niya kay Miguel.

Napag-usapan nila kanina ni Jake na huwag na munang biglain ang mga bata. Kaya ‘Tito’ muna ang pakilala ni Jake sa mga ito instead na ‘Daddy’.

“Hi Tito Jake” si Daphne. Lumapit ito sa harap ni Jake para makipag kumusta.

Napahinga siya ng maluwag dahil mukhang magaan na agad ang trato ni Daphne kay Jake. Biglang nanikip ang kaniyang lalamunan sa kaniyang nakikita. Parang gustong kumuwala ng mga luha sa mga mata niya, pero kailangan niya itong pigilan dahil ayaw niyang maghinala ang mga bata.

“Hmmm why won’t we go to the dining table. Mukhang naka handa na ang hapunan.” Pag-iiba niya sa usapan.

Kapansin-pansin ang pagiging matamlay ni Miguel buong gabi hanggang sa nagpaalam si Jake para umuwi na. Siya na ang nag-asikaso sa kambal bago ito matutulog. Pinayagan rin niya ang dalawa na sa master’s bedroom nalang matulog kasama niya. Ilang araw din niyang na miss ang dalawa kaya kahit na pinagbabawalan ni Pierre ang mga ito na matulog katabi nila, ay susuwayin muna niya ang rules nito. Tutal ilang linggo lang naman ang mga bata dito dahil babalik ulit ang mga ito sa France pagbalik ni Pierre buhat sa business trip nito.

Speaking of Pierre, wala pa rin siyang naririnig buhat dito. Lagi niya chinicheck ang kaniyang emials sa phone niya pero wala pa ring message galing dito. Susubukan niyang tawagan ang main office ng branch nito sa Singapore sakaling may balita ang mga ito sa status ng asawa niya.

“I Love You mommy” sabi ni Daphne na nakayakap sa kaniyang kanan habang si Miguel naman ay nasa kaliwa niya natulog.

“I Love you too, mom” si Miguel naman. Matamlay pa rin ang tinig nito.

“Is there something wrong, baby?” hindi na niya natiis na tanungin si Miguel.

Hinipo niya ang ibabaw ng ulo nito sabay halik sa noo ng bata.

“I just miss Dada,” ibig sabihin nito ay si Pierre

“We will try to call Dada again tomorrow, okay?” pang-aalo niya dito.

Naramdaman niya ang pagtango ni Miguel. Tumunog ang kaniyang cellphone sa side table. Maingat niya itong inabot para basahin ang nasa inbox.

Jake: Thank you for the wonderful experience J Wow I can’t believe they are mine.

Napangiti siya sa nilalaman ng text nito.

Danica: Anytime.

Matipid niyang sagot dito. Parang nakahinga siya ng maluwag sa araw na yun. Sana tuloy-tuloy na ang magagandang kaganapan sa buhay niya. Pinatay na niya ang ilaw na nagmula sa lamp shade para matulog.

          KINABUKASAN pinakiusapan ni Danica si Jake na bantayan ang kambal dahil buong araw siyang may ka meeting para sa pagbubukas ng kaniyang negosyo. Dalawang araw nalang kasi at makukumpleto na ang lahat ng kakailanganin nila para sa opening. Pinarada ng driver ang sasakyan nila sa labas ng mansion ng mga Santos. Ipinaalam ni Jake kagabi sa Daddy nito ang tungkol sa mga kambal at ang arrangements nilang dalawa. Tunawagan siya ni Jake kaninang umaga para ipaalam na bibisitahin nito ang ama kaya dito nalang daw niya ihahatid ang mga bata. Gustong-gusto na raw makita ni Mr. Santos ang mga apo nito kaya’t nagpahanda raw ito ng maraming pagkain at nagpabili ng maraming laruan kay Jake kanina.

Ang 'syota kong promdi COMPLETEWhere stories live. Discover now