"Fyro." tawag ko. Lumapit siya sa amin. "Kaya mong maglakad?" tanong ko kay Cris ng kumalma na ito. Tumango siya. Naglakad kami pabalik sa kaharian.

Sinalubong kami ni Frost ng nasa harap na kami nito. May dalawang lalakeng nakasunod sa kanya. At tinulungan nila akong alalayan si Cris. "Dalhin niyo na siya sa kwarto niya." utos ko sa dalawa. Yumuko lang ang mga ito bago nila ipasok si Cris. Nakatingin siya sa akin ng nagtataka. "Mag-uusap na lang tayo bukas. Magpahinga ka na muna." nginitian ko siya bago tuluyan siyang ipasok. Sumama sa kanya si Fyro.

"Anong nangyari?" tanong ni Frost. "Huwag mong sabihing walang problema. Dahil nahahalata kong hindi kayo maayos ni Cris." sermon niya.

Tumawa ako ng mahina. "Maybe,." nagkibit balikat ako. "Pinairal ko na naman kasi ang pagiging isip bata ko." Tumawa siya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Mag-usap kayo. ok?" sabi niya. Tumango na lang ako.

Kinabukasan,

Nagsuot ako ng isang short na tattered at isang loose na white tshirt dahil maayos na ang sugat ko bago lumabas ng kwarto. Lahat ng nalalampasan kong kalahi ko ay napapatingin sila sa akin na ikinangiti ko.

"Anong?." si Frost. Naglakad ako palapit sa kanila dahil may tatlong lalake siyang kinakausap pero sa direksiyon ko sila nakatingin. Yumuko ang tatlong kasama niya pero tinignan lang ako ni Frost mula ulo hanggang paa. "Bakit ganyan ang suot mo?" nagtatakang tanong niya. Inayos niya ang damit ko dahil litaw na ang isang balikat ko. Ngumiti lang ako sa kanya.

"Your a Prince.. So, you should act like one." seryoso niyang sabi.

Tumawa ako. "Nandiyan ka naman eh." natatawang sabi ko kaya umiling na lang ito.

"Stubborn." tipid na sabi niya.

"Si Cris?" tanong ko sa kanya.

"Hindi ko pa nakikita. Baka nandun pa siya sa kwarto niya." napatango na lang ako sa sagot niya. "Kumain na muna tayo." yaya niya sa akin. Naglakad siya patungo sa kusina kaya sumunod na lang ako. May limang parte ang kaharian. Sa gitna nito kung saan kami naninirahan. Ang apat na parte nito na nakapalibot sa gitna ay kung saan namamalagi ang mga kalahi namin.

Pagpasok namin sa kusina ay nabigla ang mga nandito ng makita nila kami. Sinabihan lang ni Frost sila na kakain kami kaya nagsimula na silang maghanda.

"Ito na ang huling beses na magsusuot ka ng ganiyan." sabi niya.

"Oo na." sagot ko. Napatingin ako sa tinitignan niya dahil nakatingin ito sa likod ko.

Ngumiti ito ng pilit ng makita niya ako. "Kain na." nakangiting yaya ko sa kanya. Iniwas niya ang tingin niya sa akin kaya tumayo ako para hilain siya sa kamay para umupo. Pagkaupo niya ay umupo na rin ako sa tabi niya. Tumingin ito sa akin kaya ngumiti na lang ako.

Pagkatapos naming kumain ay napagdesisyonan naming pumunta sa garden muna bago pumunta sa training ground dito sa palasyo. Pero, agad na nagpaalam si Frost ng may lumapit sa amin at sinabing kailangan siya sa training ground. Umupo ako sa isang bench na gawa sa semento na may isang lake sa harap nito. Napatingin ako sa gilid ko ng may umupo dito.

"Anong iniisip mo?" tanong ko sa kanya. "May kailangan ba akong malaman?"

Nanatili itong nakatingin sa akin. "I'm sorry." mahinang sabi niya. Ngumiti ako sa kanya. Pumwesto ako para makasandal ako sa balikat niya. Kinuha ko ang kamay niya para maiyakap sa akin.

"Ok na. Wala kang kasalanan."sagot ko. Hindi ko na narinig ang sagot niya kaya naging komportable na lang ako sa pwesto ko habang nakayakap siya sa akin.

"Mahal kita." sabi niya pagkaraan ng ilang sandali. "Sobra."

"Mahal din kita." sagot ko.


Pagkaraan ng ilang sandali ay umupo ako ng maayos tsaka ko siya tinignan. "Punta tayo sa training ground." nakangiting sabi ko.

"Dito na muna tayo." sagot niya.

"Tara na.. May gusto akong gawin dun." sabi ko. Tumayo na ako para hilain siya. Wala na siyang nagawa kaya napatayo na rin at tuluyang nagpahila.


Napako ang atensiyon ng mga nandito sa training ground nila sa amin pagpasok namin. Nakatingin na rin sa amin si Frost at nandito na rin ang kambal pati na rin ang apat ng Elemental Guardian. Tumakbo ako palapit kay Frost habang hila hila pa rin si Cris.

"Clear the area. May gagawin lang ako." nakangiting sabi ko. Tinignan niya ako ng nagtataka kaya nagsalita ulit ako. "Sandali lang 'to. May susubukan lang ako." Tumango na ito bago sabihan ang mga nagsasanay na pumunta sa gilid. Tumingin ito sa akin ng wala ng tao sa gitna. Nakatingin silang lahat sa amin.


Hinila ko si Cris patungo sa gitna. "Anong gagawin mo?" nagtatakang tanong niya. Ngumiti lang ako at sinagot, "Tumayo ka lang diyan." Dumistansiya ako sa kanya ng ilang metro. Magkaharap kami.

"Hindi ko alam pero kinakabahan ako." sabi niya. Iginagalaw niya ang kamay niya habang nakatayo ito.

Tumawa lang ako sa ginagawa niya. "Handa ka na?."





-----------
A/N: Follow me guys... please...


(so? what can you say about my story?)

The Dragon PrinceWhere stories live. Discover now