Na-touch naman siya sa ginawa nito. Kaya naman nagkaroon siya ng lakas ng loob na tingnan ito. "Thank you." Then she paused. Siya iyong lalaking kanina pa niya tinitingnan. Oh, my God! Tili ng isip niya. Natatandaan na niya ito. Siya iyong isa sa mga bisitang lalaki sa sinira niyang kasal. The nightmare keeps on coming back but it is worth it because she found this man. Coincidence lang ba o itinadhana na muli silang magkita nito?
"Are you okay?" tanong nito. "Just tell me if you're hurt. I'll take you to the hospital." Halata ang pag-aalala nito sa kanya.
Future Boyfriend Checklist #2. A man who speaks in English with an accent. Para kasi sa kanya ay ang lalaking palaging nag-e-english ay tanda ng pagkakaroon ng self-confidence at ang accent nito ay nagpapadagdag sa karisma nito. Kumbaga kaya nitong dalhin ang sarili nito sa kahit na anong sitwasyon. A man who speaks in English makes him more attractive. "No, I'm okay. Thanks." Ngumiti siya rito dahil tila nawala ang pagkapahiya niya ng dahil dito.
Tinignan nito ang relos nito. "I'm sorry. I think I have to go." Anito. "I hope to see you again." Ngumiti ito sa kanya bago ito nagmamadaling pumasok ng building.
So, we are in the same company. Ang swerte yata niya ngayong araw na ito. Napatingin din siya sa kanyang relo. Naku, late na rin ako. She was supposed to be in the office at 8 but it's already 8:30 and she's late. Hindi naman kasi niya alam na matatagalan siya ng ganoon sa pangangarap. Nagmamadali na rin siyang pumasok ng building. Gusto man niyang namnamin ang kabuuan ng lugar ay hindi niya magawa dahil late na nga siya.
Nasa may tapat na siya ng opisina ng bagong boss niya ngunit hindi pa rin siya pumapasok dahil kinakabahan siya. Ito ang presidente ng kumpanya at siguradong nakakatakot at matanda na ito. Ang hirap pa naman pakisamahan ng mga matatanda at alam niya iyon dahil hindi niya gaanong kasundo ang lola niya dahil hindi sila pareho ng taste at madalas ay hindi sila nagkakaintindihan nito. She inhaled and exhaled bago siya pumasok.
She opened the door and she saw a man sitting in his table. Halata sa itsura nito na naiirita ito dahil may hinihintay ito. Their eyes met. Hindi niya maialis ang tingin niya rito dahil parang hinihila nito iyon rito. "Thank God you're here." Iritableng sambit nito.
"Sir?" ito ba ang bagong boss niya? Amazing, she thought her boss was an old man, but he's not. He was so young, smart, and good-looking.
Lumapit ito sa kanya ng hindi man lang naaalis ang tingin nito sa kanya. "First day of work and you're late."
Napakagat siya ng labi. Kahit naman siya ay maiinis sa ginawa niya. "Sorry, sir. It won't happen again. I swear."
Bumalik ito sa pwesto nito kanina habang nakatingin pa rin sa kanya. She never been intimidated to anyone else but to her boss' presence. "I thought you don't know how to say sorry."
"Sir?" kinabahan siya sa sinabi nito. Bakit parang may pino-point ito at hindi niya alam kung ano iyon.
"You forgot already." anito na patango-tango.
Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. Pinakatitigan niya itong mabuti para mahulaan ang sinasabi nito ngunit wala siyang maisip bagkus ay naging malinaw lang sa kanya na kahit matagal mong titigan ang mukha nito ay hindi iyon nakakasawa. Yumuko siya dahil nakakailang ang titig nito.
Tumingin ulit siya dito dahil ramdam pa rin niya ang kakaibang tingin nito sa kanya. From there, she suddenly realized who the man in front of her is. Ang pekeng si Isaac at wala ng iba pa. Muling tumibok ng napakabilis ang puso niya tulad ng pagtibok niyon noong guluhin niya ang kasal nito. At hanggang ngayon ay ramdam niya ang matinding galit nito sa kanya. Paano niya haharapin ito sa pagkakataon na iyon? Hindi siya nakapaghanda. Napalunok siya. Hanggang ngayon ay ramdam pa rin niya ang takot rito.
"Now you suddenly realized." ngumiti ito ng mapakla at umupo sa swivel chair nito. "You may start your work. When you go out you'll see Tyra. Siya ang magtuturo at mag-te-train sa iyo." Anito at agad na itinuon ang pansin nito sa mga papeles na nasa harap nito na tila ba wala na siya sa harap nito.
Pero hindi pa rin siya gumagalaw. Hindi niya palalampasin ang araw na ito na hindi siya humihingi ng tawad. Pinangako niya sa sarili niya na kung mabibigyan siya ng pagkakataon na muling makaharap ito ay hihingi siya agad ng tawad dito dahil napakalaki ng kasalanan niya. Kaya naman iyon ang gagawin niya. Tanggapin man nito iyon o hindi. Humugot siya ng napakaraming hangin bago siya nagsalita. "Gusto kong humingi ng tawad."
He stared at her without any reaction. "Don't think about it. First day pa lang naman." Muli nitong itinuon ang pansin nito sa mga papel.
Ang pagiging late niya ang sinasabi nito. "Hindi iyon." Paano ba niya sasabihin ang kasal dito? Para kasi sa kanya ay napaka-sensitive na topic niyon ngayon at ganoon din iyon para dito. "Ang k-kasal ang tinutukoy k-ko." yumuko siya habang sinasabi iyon.
Muli siyang tinitigan nito. Ang tagal nitong nasa ganoong posisyon. Tulad ng ginawa nito sa kasal nito noon. Ang tagal nitong walang kibo. Maya-maya ay narinig niya ang pagbuga nito ng marahas na hangin. "I don't want to talk about it. So please, just get out."
"Sir, pasensiya na pero—"
"Ssssshhh—" Muntik ng napamura ito.
Nakikita niya ang kakaibang irita sa mukha nito.
"Just get out, please. I have a lot of things to do."
Pagkarinig niya sa sinabi nito ay daig pa niya ang aso na agad na sumunod. Nandoon pa rin ang relax na boses nito ngunit may kakaibang tono iyon at iyon ang nagpapatakot sa kanya.
Posible kayang magampanan niya ng maayos ang kanyang trabaho kung mayroon siyang kinatatakutan at ang boss pa niya ang kinatatakutan niya.
Paglabas niya ng opisina nito ay agad siyang nilapitan ni Tyra. Ito ang magtuturo sa kanya sa mga bagay na dapat niyang malaman.
Napakabait nito at napakagaling magturo kaya naman agad niyang natutunan ang mga dapat niyang matutunan. Dumaan ang buong araw na ito lang ang nakaharap niya dahil hindi lumabas ng opisina ang boss niya. Napansin ni Tyra ang pagtingin niya sa pinto ng opisina nito. "Kahit na anong gawin mo ay walang kang makikitang Sir Ethan na lalabas diyan."
"Sir Ethan?" iyon pala ang totoong pangalan ng pekeng Isaac.
Tumango ito. "Ano ka ba boss natin iyon kaya dapat lang na alamin mo ang pangalan niya."
"Oo nga. Pasensya na."
"Ano ka ba wala iyon. Bago ka pa lang naman."
Bago pa lang ako pero parang gusto ko ng sumuko. Noon ngang malaman niya na hindi kasal ni Isaac ang ginulo niya ay hindi na siya nakapamuhay ng maayos. Ngayon pa kayang kaharap na niya ang lalaking malaki ang naging pagkakasala niya.
YOU ARE READING
I'm Not The Only One
Romance"I didn't choose you, my heart did. And the heart will dictate to where you'll be truly happy." Malaki ang naging kasalanan ni Sophie kay Ethan. At nangako siya sa sarili niya na sa muling pagkikita nila nito ay hihingin niya ang kapatawaran nito, b...
Part 6
Start from the beginning
