Chapter 23- Monthsary

Magsimula sa umpisa
                                    

“Of course I will Ma’am, anytime. By the way magstart na po ba?”-Andrei.

“Actually yes, and sorry to interrupt you and Clarence sa pag-uusap niyo ha? So let’s go now kasi naghihintay na din yung mga magau-auditon”-Ma’am Cortez.

“Okay po” then humarap siya sa akin “I’ll text you na lang if tapos na ang audition, sabay na tayo umuwi” then kiniss niya ako sa noo. Ang sweet niya talaga.

“Ang sweet mo talagang kapatid.” Singit ni Ma’am Cortez.

“Oo naman Ma’am, mahal na mahal ko to eh”he said while looking straight to my eyes. Kung wala lang dito si Ma’am baka hinalikan ko na to!! >.<

“Okay okay. Tara na” then umalis na silang dalawa. Bigla akong nanlamig, oo nga pala nabasa ako ng ulan.

Si Martin kaya, saan siya pupunta?! Teka! Baka makikipag-away na naman yun! Dapat kong hanapin ang lalaking yun!

“Rence” nakita ko si Nics na nakatayo sa gilid ko habang nakatingin ng seryoso sa mga mata ko.

“Ni-Nics” agad akong lumapit sa kaniya saka siya niyakap. Shit! Sobra kong namiss tong kaibigan ko. Sa lahat ng pinagdaanan ko isa siya sa mga gusto kong lapitan kaso ayaw kong maging pabigat sa kaniya.

“How are you?” tanong niya.

“I’m fine unlike before. Wait, what are you doing here?”humiwalay siya sa yakap.

“Can you please explain kung ano yung nakita ko kanina?” seryoso niyang tanong sa akin.

“Ha-ha? A-anong nakita?” bigla akong kinabahan! Don’t tell me .

“You. Martin, ano yung nakita ko? Bakit kayo nagkiss?” diretsa niyang tanong. Napakaprangka niya talaga.

“Nics” hindi ko alam ang isasagot ko. Nahiya ako bigla, nakita niya pala yun.

“Rence” hinawakan niya ako sa kamay “Diba bestfriend mo ko at ang magbestfriend walang nililihim sa isa’t isa? Tell me, may gusto ka na ba kay Martin?”

“I don’t know” pareho kaming nagulat sa sagot ko. Damn! Anong klaseng sagot yun?!

“You don’t know? So ..”-Nics.

“Nics, I really don’t know pero .. Hay! Ang hirap iexplain, I’m sorry” actually, naguluhan ako bigla. Kung kanina hindi sumagi ko sa tanong na kinatatakutan ko eh iba na ngayon ..

Gusto ko nga ba siya?

 

“Hindi naman sa pinangungunahan kita Clarence, as your bestfriend gusto ko yung makakabuti sayo and I think may isang taong handang gawin ang lahat para sayo. Sa kabila ng mga nangyari or pinagdaanan mo, at yun ay si Martin”-Nicolai. I know she’s serious dahil tinawag na niya ako sa pangalan ko.

Relationship Status: It's Forbidden [ SOON TO BE PUBLISHED UNDER LIB :)) ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon