Part 1

8 0 0
                                    

"Whaaaaat?" exaggerated na react ni Sophie at ng kaibigan niyang si Payton ng marinig nila ang kwento ng kaibigan nilang si Hannah habang umiiyak ito. Nakipagbreak daw diumano ang boyfriend nito dito dahil magpapakasal na ito sa iba.

Lalong lumakas ang pag-atungal nito dahil alam niya kung gaano nito kamahal ang kasintahan nito. "I never thought that he could do this to me."

Napasinghap siya. "Hindi pa nga namin siya nakikilala. Break na agad kayo?"

Hannah worked in State for two years as a model. At sa loob ng dalawang taon na iyon ay hindi nila ito nakasama at pulos tawag lang at social media ang naging komunikasyon nila. At sa state nito nakilala ang boyfriend nito na isang businessman na sumobra sa pagka-private ang buhay kaya't kahit sa picture lang ay hindi pa nila ito nakikita. "I can't believe this." Hagulgol nito.

Sa mga kwento nito sa naging relasyon nito sa ex nito ay napakaganda at napakaromantic. Kaya nga hindi niya maiwasan ang hindi mainggit. Pero hindi naman ibig sabihin niyon na masaya siya ngayong nagbreak na ang mga ito. She still wanted Hannah to be happy with the man she loves. Kaya naman nasasaktan pa rin siya para rito. At nagagalit siya sa boyfriend nito dahil sinaktan nito ang bestfriend niya. Kung may pagkakataon lang na magantihan niya ito ay gagawin niya para lang maiganti ang kaibigan niya ngunit sa kasamaang palad ay nasa States pa rin ito at doon nagpapakasarap ng buhay kasama ang fiancé nito. Nagpapakasarap ito sa buhay nito habang ang best friend niya ay nagdurusa. She hated it so much when a woman cries because of a bastard man. Hindi naman siya man hater. Hindi lang niya maiwasan ang hindi magalit sa mga lalaki na nananakit ng babae lalo na at bestfriend pa niya ang sinaktan nito.

Napansin naman ni Payton ang pananahimik niya. "Anong iniisip mo?" sita nito sa kanya.

"Wala naman."

Umiling ito. "Hindi ako naniniwala. Kilala kita. Gusto mong gumanti, diba?"

Kilala nga siya nito. "Oo na. Ayoko lang kasi na sinasaktan nila kayo."

"Ako nga rin ay iyan ang gusto kong gawin."

Hindi naman kasi ito ang unang pagkakataon na ginantihan nila ang isang lalaki. Simula pa noong highschool sila ay tagapagtanggol na nila ang isa't-isa. Pero hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay gumaganti sila. Kung alam naman nila na ang mga kaibigan niya ang may kasalanan ay hindi sila gaganti. Pero kung alam nila na nasaktan ang mga kaibigan niya at walang magandang rason ang lalaki sa pananakit nito sa mga kaibigan niya ay hindi nila palalampasin iyon. And this time, may rason sila para gantihan ang ex ni Hannah kasi basta na lang ito magpapakasal sa iba kahit na si Hannah ang kasintahan nito sa loob ng isang taon at ilang buwan. At ang hinala ni Hannah ay kasintahan nito ang fiancé nito ngayon habang kasintahan nito ito.

Isa pa, dahil sa break-up ni Hannah sa boyfriend nito ay na-depressed ito kaya ito pinauwi ng manager nito sa Pilipinas para daw makapag-isip-isip ito at mag-move on dahil hindi daw ito nakakapag-focus sa trabaho nito. Hannah loves modeling so much. And for her, there's no second thought for not giving the guy a lesson. Ang problema lang ay wala si Ex dito para magantihan nila. Swerte nito.

They were highschool friends and from then on ay hindi na sila naghiwa-hiwalay ng mga ito. Hanggang sa college ay nasa iisang university sila. Mayroon nga lang silang kanya-kanyang kursong kinuha. Parehong BA Photography in Arts ang kinuha ng mga ito. Na nagamit ni Payton samantalang si Hannah ay nag-model dahil na rin sa angking ganda at sexy nito. Siya lang ang kumuha ng business administration dahil pangarap niyang makapagpatayo ng sarili niyang business.

Payton asked. "Ang tanong, payag kaya si Hannah kung sakali?"

Sabay nilang itinuon ang pansin sa humahagulgol na si Hannah. Alam naman nila na aware ito sa pinag-uusapan nila.

Umayos ito ng upo at hinarap sila. "Yeah, payag ako. Kung iyon naman ang ikagagaan ng loob ko ay okey na okey sa akin iyon. Pero paano? Wala si Isaac sa Pilipinas. Atsaka anong klaseng paghihiganti? Hindi ba siya masasaktan ng sobra or whatever?"

Sabay naman silang nagbuga ng marahas na hangin ni Payton. "Iyon lang. At hindi siya masasaktan." paniniguro nila rito. She knows Hannah's weakness, it's love. Alam niyang hindi gagaan ang loob nito kapag alam nitong napakasaya ng ex nito at ito ay hindi. And they wanted her bestfriend to move on and that's the only way.

Nagulat sila ng bigla itong magreact. "Teka, ang sabi sa akin ni Alona na nabalitaan niya na dito magpapakasal si Isaac at ang fiancé niya." Pareho naman kasing pilipino ang mga ito kaya hindi malabo na magpakasal ang mga ito sa Pilipinas. "Isa pa, ang alam ko dito nakatira ang babaeng iyon. Ang sabi sa akin ni Isaac kababata lang talaga niya iyon. Kaya nga nagtataka ako bakit bigla na lang siyang magpapakasal doon."

"Bakit, Hannah? Sa tingin mo ba aamin siya sa iyo kung kayo?" mataray na tanong ni Payton. "You already forgotten your commonsense because of love. Huwag ganoon, girl."

Sometimes, Payton is cruelty honest. "Tama na iyan." Saway niya sa mga ito. May naisip kasi siyang plano para magantihan ito kung sakaling dito ito magpapakasal. "Wala ka bang nabalitaan kung kailan o saan siya magpapakasal?"

Umiling ito. "Nothing. Pero ang sabi ni Hannah babalitaan niya ako kapag nakakuha siya ng impormasyon." Ang matalik na kaibigan kasi ni Isaac ang may-ari ng modeling agency kung saan nagtatrabaho si Hannah at ang kaibigan nito. Naging kaibigan nito ang huli dahil na rin kay Isaac.

Napangiti siya at si Payton. Ibig sabihin, may pagkakataon pa silang maipagtanggol si Hannah mula sa bastardong ex nito. No one can just vilify them.

       

I'm Not The Only OneWhere stories live. Discover now