Napatingin ako sa kanya ngunit imbes na sa salamin ay sa akin siya nakatingin.

"Sobrang ganda mo babe.." mahinang saad niya at idinikit ang labi niya sa akin.

Napapikit ako at tinugon ang marahan niyang paghalik. He place his arms around my waist and pull me, making me sit on his lap. My arms automatically cling to his neck and deepen our kiss.

Slow and very passionate kiss, kinikiliti na ang kalamnan ko sa loob. Hindi talaga sya nabibigo sa pagpapakilig sakin, sa bawat pagdampi ng labi niya ay binabaliw ang sistema ko palagi.

Humiwalay siya ngunit magkalapit na magkalapit parin ang mga mukha namin. Natawa siya at pinunasan ang gilid ng labi ko.

"You have smudges.."saad niya.

"Ikaw rin kaya!"sagot ko at pinunasan rin ang gilid ng labi niya.

Nagulat ako ng ihiga niya ako sa kama at pinaibabawan ako. Kumabog ng malakas ang dibdib ko dahil sa posisyon namin. Myghad Caspian... we can't do this yet!

"Babe..."aniya na para bang nanghihingi ng permiso sa hindi ko alam na bagay.

"Babe... w..we can't-damn.." marahan niyang hinalikan ang leeg ko. Dahan-dahang pagdampi hanggang sa naramdaman ko ang pagmarka niya sa akin.

Aaminin kong gustong gusto ko ang ginagawa niya, ang bawat pagdampi ng labi niya, ang mainit niyang paghinga sa balat ko, lahat yung ay nagdudulot ng matinding sensasyon sakin. Bumaba siya ng konti, ngunit hindi naman umabot sa mismong dibdib, I just close my eyes and gently rub my hand into his soft hair.

Maya maya pa ay nagsawa na siya sa leeg ko at ang labi ko naman ang muli niyang hinalikan. Hindi ko maiwasang mapangiti, pinagbibigyan ko sya ngunit pinipigilan niya ang sarili niya. Alam ko, alam kong nagtitimpi parin siya at nililimitahan ang mga parte ng katawan ko para halikan niya. Ni hindi manlang siya umaabot sa mismong dibdib ko, ganun niya katindinding pinanghahawakan ang pangako niya.

Bumitaw siya sa halik at tinignan ako ng nakangiti.

"I love you"malambing na wika niya.

"I love you too"malambing din na sagot ko.

Muli niya akong hinalikan ng ilang segundo bago tumayo at niligpit ang mga nagkalat na make up sa kama. Tinulungan ko naman siya at nilagay yun sa itim na box na lagayan.

Pareho kaming naghilamos ni Caspian, matapos ang paglalaro ng make up. Nag order kami ng pizza at nagmovie marathon sa sala. Mabuti nalang at walang pasok ngayon, kaya nagdate nalang kami sa unit ko. Magkapit-bahay lang kami ni Caspian, nakatira sa katabing unit ko kaya araw-araw kaming nagkikita.

Akbay-akbay ako ni Caspian habang nakayakap ako sa bewang niya. Masasabi kong napakasarap ng posisyon naming ito, comfortable and warm. Winter na kasi.

"Lipat mo babe, ayoko nyan"saad niya habang nginunguya ang pizza niya.

"Dyan na!"

"Basketball na"

"Dyan na, bahala ka"sabi ko.

"Psh!" Inagaw nya bigla yung remote at nilipat sa ibang channel.

"Caspian!"

Hindi niya ako pinansin at parang batang ngumisi habang kumakain. May saltik talaga ang lalaking 'to! Gustong gusto akong asarin!

"Bahala ka nga!" Marahas kong inalis ang kamay niya sa balikat ko at lumayo sa kanya ngunit hinila niya akong muli at niyakap.

"Oo na, oo na, tampo agad eh"nilipat naman niya yung channel.

Napangiti ako at kumuha ng pizza. Sinubuan ko siya at nakangiti naman siyang kumain.

✔She WritesWhere stories live. Discover now