"Y..you're welcome"sabi ko nalang.

Napayuko sya at ngumiti ng malungkot sakin.

"Sige, matutulog na ako. Maaga pa yung flight ko bukas. Bonne nuit" (Good night)

"Good night"sabi ko at ngumiti.

Hinintay ko syang makapasok, at nang maisara nya ang pinto ay syang pagtulo ng luha ko.

==

Hindi ako makatulog ngayong gabi, I am crying for a damn hour. Hindi naman direct rejection yung sinabi ni Altair kanina pero, ang sakit talaga dahil ang ibig sabihin nya sa pagbalik ng notebook ko.

"Damn!" Ibinato ko yung notebook ko sa sahig at marahas na humiga sa kama.

Wala na akong magagawa, this is the end of Us. Kung sakaling sabihin ko sa kanya na mahal ko parin sya hanggang ngayon, baka mapahiya lang ako sa kanya. She already have Jared, maybe all I can do for her is to wish them a goodluck on their relationship.

==

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising nalang ako sa sinag ng araw, naiwanan ko kasing nakabukas yung pinto ng veranda kagabi kaya nakapasok agad yung sinag ng araw.

Napatingin ako sa orasan. It's already 10:00 am, bumuntong hininga ako. Malamang kanina pa nakaalis si Altair. Siguro excited syang makita si Jared kaya gusto nya agad umuwi.

Dumeretso ako sa banyo at naghilamos. Medyo namamaga ang mata ko sa pag iyak. Tang*na.
Nag toothbrush ako at naligo narin. Gusto kong magrefresh, hindi lang sa katawan ko kundi patin yung utak at puso ko. I am heartbroken for f*cking sake.

Nang matapos maligo ay umupo ako sa kama habang nagpupunas ng buhok ko. I saw my notebook on the floor widely opened. And there, I realize there is something written there with a familiar green ink pen.

Mabilis ko yung kinuha at biglang magpintig ang puso ko ng makita ang sulat na 'to.

'Winds are blowing through the window pane
Heart is filled with memories again
Pain left the heart, and tears stop to fall
And love come through my body and soul'

Dear someone who broke me before,

I maybe fool but maybe I am
Can I trust you again for the last time?
Let me gave you my precious heart
And risk again for the love I want.

I hope the moment you read this
You'll come over me and say that you love me
I am not afraid of love anymore
I still love you Caspian'

Napatayo agad ako at nagsuot ng t-shirt. Mabilis kong kinuha ang susi ng kotse ko at bumaba sa garahe.

"Kuya? Where are you going?" Takang tanong ni Olivia sakin

"To the airport!"

"Bakit? Hindi pa naman--"

Hindi ko na sya hinintay pang sumagot.

Pumasok agad ako sa kotse ko at nagdrive. Ramdam ko ang bilis ng pintig ng puso ko. At hindi namalayan ang ngiti sa labi ko.

She only writes for her love. And she just wrote for me.
She loves me. She still inlove with me!

Kaya nya pala ibinalik sakin ang notebook ko, dahil may isinulat syang mensahe para sakin! Why I didn't scan it last night? Napakatanga ko! sana manlang tinignan ko yun! Edi sana pinuntahan ko agad sya kagabi!

Mabilis ang pag d-drive ko, isang oras akong bumiyahe at nananalangin ako na sana ay hindi pa ako huli.

"Altair!" I tried to call her name, baka sakaling nasa malapit lang sya sakin pero wala parin sya.

✔She WritesWhere stories live. Discover now