"Don't do this Zach, don't make a scene"pakiusap ni Damon.

"Damon, it's been 3 months! Ngayon ko nalang ulit sya nakita! I have been searching for her, and now I finally found her! Bakit ba pinipigilan mo ako?!"

"Dahil hindi pa ito ang tamang oras.  Zach, umuwi ka na sa Pilipinas"

"And why the hell would I do that?!"

"Sa tingin mo ba gusto ka nyang makita ngayong birthday nya? Look at her, she's already happy without you Zach. And I won't let you ruin her again"seryosong saad nya.

"Bakit ba ganyan parin ang tingin mo sakin? Sa tingin mo hindi ako magkakandaugagang maghanap sa kanya kung gusto ko ulit syang saktan? I know that I was wrong okay? Aminado ako sa lahat ng kagaguhan ko! Pero wala ba akong chance ha? Can't I have a chance?!"tumaas na ang boses ko sa kanya.

May ibang mga tao na nakatingin na samin. Hindi ko nalang sila pinansin at hininaan ang boses ko.

"Get out of my way Damon. I made it here by myself. I made it here because of her, because I love her and I want to be with her"

"And do you think she feel the same? Do you really think that she is still into you? Zach, marami ng nangyari sa loob ng 3 months at maaaring nakalimutan kana nya"

I look at him for a second. Nakaramdam ako ng pagkabahala, minsan ng sumagi sa isip ko na paano kung huli na? Paano kung hindi na nya ako mahal? Pero pilit yun kinokontra ng puso ko, hindi ako pwedeng mawalan ng pag asa. Hindi ako pwedeng sumuko nalang bigla pagkatapos ng ilang buwan na paghahanap ko sa kanya.

"I don't care. If she already forgot what am I to her, then I will make her remember everything she had for me and what we had together"

Iniwan ko agad si Damon at naglakad pabalik sa kinaroroonan ko kanina. Napakunot ang noo ko ng makitang magkasayaw parin sila ng Jared na yun. Muli na naman yumukom ang kamao ko. F*cking damn this guy.

Malapit ng matapos ang kanta, huminga ako ng malalim pagkatapos ay lakas-loob akong maglakad papunta sa dance floor. Nakalapit na ako sa kanila pero busy parin sila sa pagsasayaw, they are talking and both chuckling to each other. Mas nainis ako sa nakita ko. Gustong gusto ko syang hilahin papunta sakin tapos sasapakin ko yung lalaki hanggang sa mabasak ang mukha nya.

Mukhang wala akong chance na makuha sya kung hihingin ko lang ang kamay nya. Kailangan ko munang kunin ang atensyon nya sa magandang paraan.

Lumapit ako sa bandang tumutugtog. Nagrequest ako ng kanta sa kanila  mabuti nalang pumayag at mukhang pabor naman para gumanda ang program.

Kinuha ko naman ang mic at huminga ng malalim. Then the guitarist started to strum.

"Hey have you ever tried
Really reaching out for the other side?
I may be climbing on rainbows
But baby, here goes"

Nagulat ang iba dahil sa biglaang pagbago ng kanta. Even Al and Jared stop from dancing.

Everyone's looking at me amusingly, sanay naman ako. Pero sa lahat ng mga taong nandito, isa lang ang taong gusto kong tumingin sakin ng ganun. The girl who I want to make everything with.

"Dreams are for those who sleep
Life is for us to keep
And if you're wondering what this song is leading to,
I want to make it with you"

Naglakad ako papalapit kay Al, at nanlaki ang mata nya sa gulat ng makita ako.

"I really think that we could make it, girl"

Nakarinig ako ng bulungan, may iilang nagiimpit ng kilig ngunit hindi ko na nabigyan pa ng pansin dahil ang babaeng nasa harap ko lang ang tanging laman ng isip ko sa mga oras na 'to.

✔She WritesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon