DAY 30

1.2K 32 5
                                    

APRIL 2 2019
GRADUATION DAY OF ICCTP SENIOR HIGH

Basa ko sa tarpulin na nasa tapat ng school. Kadadating palang namin nina tito teodoro at ni dave.

Magkahawak ang kamay namin habang si tito naman ay nakasunod lang sa aming dalawa. Suot namin ang aming Uniform at may dalang toga.

Sinundo nila ako kanina sa apartment. Kaya sabay kami ngayong pumunta dito sa school. Gosh! Hindi ako makapaniwala na Graduation day na ngayon, parang kahapon palang ay kagagaling ko lang ng probinsya.

Nang makapasok na kami sa loob ay magsisimula na ang Ceremony kaya agad na naghiwalay kami ni dave. Siya ay pumunta sa upuan ng mga boys, ako naman ay pumunta sa upuan ng nga girls. Samantalang si tito Teodoro naman ay pumunta sa upuan ng mga parents.

Sinimulan na ang Graduation Ceremony sa isang Dasal at sumunod ay ang pagkanta ng pambansang awit. Nagbigay din ng mensahe ang Principal ng school namin.

Tinawag na ang mga studyante para ibigay na ang Certificate of Recognition. Unang tinawag ang Strand Ng HUMSS sumunod naman ang GAS, ABM at Huli ang STEM.

Tinawag na ang section namin kaya sabay sabay kaming tumayo. Nasa gilid na kami ng stage at isa isa ng tinatawag ang pangalan namin. "...ERIKA VILLANES" nang marinig ko ang pangalan ko ay buong saya akong umapak sa stage at Sobrang tahimik naman ng buong paaralan.

Nang makabalik ako sa puwesto ko ay ang section naman nila dave ang tinawag "... DAVE CANELLAS" napangiti ako ng tawagin ang pangalan niya. Nang matanggap niya ang certificate ay tumingin siya sa gawi ko.

I mouthed 'Congratulations' and he reply 'You Are My Inspiration'

At ngayon ay i aanounce naman ang Valedictorian ng batch namin.

Sa bawat Strand ay may Tig-iisang Valedictorian.I na-nounce na ang mga valedictorian sa ibang strand at ang nahuli nanaman ay Humss at stem. Pero mas inuna nila kami.

"...And now we are going to introduce to all of you, Graduates... The Valedictorian of Strand Stem is..." Tumingin sa gawi ko si ma'am belmonte. "The Valedictorian of Stem is you, ERIKA VILLANES" napako lang ako sa kinauupuan ko. Hindi ko ito inaakala.

Ako? Ako ang valedictorian? Talaga? Hindi ba sila nagbibiro? Hindi oo ito inaasahan! Napatayo nalang ako habang bahagyang nakaawang ang labi. Naglakad ako paakyat ng hagdan, kung kanina ay sobrang tahimik ng paligid ngayon ay napuno ng sigawan at palakpakan ang buong Court ng School.

Lumapit sa akin ang isang teacher at nagtataka kung bakit wala akong kasama. Ngayon ko lang naalala,oo nga pala at wala dito si papa o si mama man lang para isuot ang medalyang pinaghirapan ko. Ang Karangalan na Hindi ko inaasam pero natanggap ko.

Gulat ako ng biglang umakyat sa stage si tito teodoro para isuot ang medalya sa akin. Naiiyak ako sa pinag-halong lungkot at ligaya. Lalo ko tuloy na miss sina papa. Sana kung andito sila ay proud na proud sila sa akin. Pero alam ko naman na kahit wala sila mismo dito sa stage, andyan naman sila at sumusuporta sa akin.

Hiwakan ni tito teodoro ang kamay ko at iginaya ako papunta sa gitna ng stage. Pagkatapos ay isunoot na niya sa akin ang medalya at ibinigay sa akin ang Certificate.

"CONGRATS ERIKA" masayang sabi sa akin ni tito.

"THANK YOU PO TITO, SALAMAT"

30 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon