Day 14

601 14 0
                                    

ERICA'S POV

"This is too much."sagot ko kay dave nang makita ko ang tatlong truck ng LDR shipping express.

"No, you helped me and it's time to give back" nginitian nya ako. Wala talagang makakapigil sa isang to. Pero sobra Sobra naman kasi talaga ito. As in i didn't expect it to be like this. Biruin mo yon andito kami ngayon LDR Shipping Express at pinapasulat nya sa akin ang lugar kung saan ipapadala ang mga Medical Technologies at Medicines na galing sa Hospital nila.

"Hey,Erika."

"I don't know what to say."sabi ko habang umiiling-iling, dumako naman ang tingin ko sa papel na ipi-file up ko.
At sinumalan ko nang isulat ang address namin sa probinsya.

Nang matapos ko ng isulat ay ibinigay ko ito kay dave.

"Wait up here, i'm gonna fix up somethings"sabi nya sabay kindat.

Kindat kindat ka pa dyan e tusukin ko kaya yang mata mo.

Umupo na lang ako sa isang upuan at hinintay sya, siguro'y kinakausap nya ngayon yung manager ng LDR Shipping Express, ewan ko ba dyan kay dave gustong dito pa kami sa main branch pumunta para magpadala.

Ilang minuto lang ay nakabalik na si dave.

"Where do you want to go?"tanong nya sa akin.

"Church" mabilis kong sagot. Binigyan nya lang ako ng 'really' look.

"Nope, im not going with you, im just gonna wait outside. Remember the last time i burned out?"

.....
.....
.....

"I hate it erika, why i can't say no to you." Reklamo ni dave, pero imbis na mainis ako ay na
ku-cute-an ako sa kanya. Mukha syang batang pinilit na pumunta sa birthday party.

"Shhh... wag kang maingay. Makinig ka sa misa."saway ko sa kanya at agad namang bunaling ang tingin nya sa paring nag huhumiliya.

".....Exodus 20:12.
Honor your Father and Mother, that your days maybe long in the land that the Lord, your God is giving to you."sabi ng pari napalingon naman ako sa lalaking nasa tabi ko, naka focus ang atensyon nya sa pakikinig sa homilya. "Sinasabi sa mabuting balita galing sa bibliya na tayo bilang anak ay kailangang pahalagahan ang ating mga magulang, kailangan natin silang mahalin. Kapag ang anak ay nag-karoon kasalanan sa kanyang ama ay napapatawad nya ito subalit bakit kapag ang ama ang nagkasala sa kanyang anak ay hindi nya ito mapatawad?. Sinasabi sa bibliya na Patawarin mo ang mga nagkasala sayo at patatawarin ka din na ating Panginoon."saktong-sakto ang topic na ito para sa pinagdaraan ni dave ngayon, magandang idea talaga ang pag yaya ko sa kanyang magsimba ngayon."Matuto tayong magpatawad, dahil sa pagpapatawad doon natin makakamit ang totoong kapayapaan ng ating mga puso."

Pagkatapos ng misa ay dumretso kami ni dave sa restaurant at syempre libre nya, sa totoo lang ayoko nga e, dahil nahihiya na ako sa kanya. Pero syempre tatanggap ba ng hindi ang lalaking to?

"Oy? Okay ka lang?"tanong ko sa kanya ng mapansing kanina pa sya tahimik.

"Oo naman" maikling sagot nya sa akin ng hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.

Tinaasan ko sya ng kilay "Yung totoo dave?"

Agad naman syang nag angat ng tingin at muling tumingin sa baba "its just that..."

"What?" Tanong ko.

"Nahihiya lang ako"sabi nya at napansin kong namumula na yung mga tenga nya.

"Kanino?"

"Sayo"

"Bakit?".

"Kasi nakita mo akong umiyak kahapon, you know. Nahihiya ako, that was so childish of me. Nadala lang ako sa emosy---"di ko na sya pinatapos sa sasabihin nya.

"It's okay. Whatever happened there, will be a secret between me and you."sabi ko sabay ngiti. I think that he was satisfied by my words kasi nakita kong ngumiti sya.

"I am grateful that i get to know you erika." Nginitian nya ako.

Nginitian ko din sya pabalik "Ako din Dave, Masaya akong nakilala kita" pero nalulungkot din ako dahil baka hanggang 'kilala' lang natin ang isa't-isa. Shit? Saan galing yun? I hate that thought. Erase. Erase.

"What are we?"tanong sa akin ni dave

"Huh?" Di ko sya maintindihan.

"Ano ba tayo?"seryosong tanong nya.

Napaisip din ako, oo nga. Ano kami?

30 DaysWhere stories live. Discover now