Day 21

574 15 0
                                    

ERICA'S POV

"Ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni dave pagkalabas namin ng simbahan. Sinundo niya ako kanina sa apartment. Nagulat nga ako kasi first time na siya yung nagyayang mag simba kami. "May problema ba?" Dagdag niyang tanong.

Siguro ay napansin niyang kanina pa ako tahimik dito. Humahanap kasi ako ng Tyempo kung paano ko sasabihin sa kanyang nakita ko ang papa niya kahapon o kung sasabihin ko pa na nagkita kami. Kasi baka pag sinabi kong makikipagkita kami sa papa niya ay hindi siya sumama o hindi siya pumayag. Kaya naguguluhan ako kung sasabihin ko pa ba Pero kasi na ngako na ako sa papa niya na ako ang bahala.

Mamaya ko nalang sasabihin "Oo okay lang ako" sagot ko nang hindi man lang siya tinitingnan. Hindi nalang sumagot si Dave nauna nalang siya sa aking maglakad at sumunod naman ako. Pumara siya ng taxi, hindi ko na inalaman kung saan kami pupunta. Basta nanahimik na lang ako at umiisip ng paraan kung paano ko sasabihin.

ilang minute lang ang ginugol at nakarating nadin kami dito Nilibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng magandang lugar na ito "ECO PARK" oh! shit andito pala sa ecopark. Ang ganda pala talaga dito Pumasok na kami sa loob, kung maganda sa labas ay mas dumoble pa ang ganda dito sa loob. Nagsimula na kaming maglakad, pero nauuna si dave sa akin. Nahuhuli akong maglakad dahil dinadama ko ang kalayaan ko, dinadama ko din ang katiwasayan ng buong kapaligiran. Naglalakad ako nang may pagka-mangha sa mga nakikita ko. Ang mga nasisitaasang puno. Magagandang mga halaman at bulaklak. Ang malamig na simoy ng hangin. Ang katahimikan na bumabalot sa buong lugar pero binasag ito nang biglang hawakan ni dave ang kamay ko at pinagsiklop niya ang kamay naming dalawa.

Kung kanina ang Nalalamigan ako ngayon pakiramdam ko ang nagiinit ang buo kong pagkatao. Kung kanina ay pakiramdam ko ay napakalaya ko, Ngayon pakiramdam ko ay naka-kulong ako sa kanya at hindi na makakalaya pa. Pero sa kabila noon ay nakararamdam ako ng kasiyahan. Kung kanina ay nauuna siya at nahuhuli naman ako. Ngayon ay magkasabay na kaming naglalakad habang magkasiklop ang aming mga kamay.

Kung kanina ay ang mga puno ang tintingnan ko ngayon naman ay nakatuon ang atensyon ko sa magkasiklop naming kamay, doon lang ako nakatingin at napansin ko ding nakatingin siya doon kaya nag-angat ako ng tingin at talagang magkasabay pa kaming napatingin sa isa't-isa. Ako ang unang nag-iwas ng tingin. Ang pagkasiklop ng kamay namin ay nagbibigay sa akin ng kakaibang emosyon. Gusto ko nang hilain ang kamay ko pero wala naman akong lakas na alisin iyon sa kamay niya. Pakiramdam ko ay napunta na lahat ng lakas ko kay dave nong mismong minuto na ipinagsiklop niya ang kamay naming dalawa.

Ilang minuto na ang lumipas wala na din ang pagkakasiklop ng kamay namin. Pero hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala.

"Erika..." pukaw ni dave sa atensyon ko, oo nga pala andito kami ngayon sa isang tindahan ng mga accessories at pinpapili niya ako ng bracelet. May napili na ako, kuay black iyon na may halong kulay blue sa gilid. Itunuro ko naman yoon sa kanya. Kumuha siya ng dalawang piraso at ibinigay kay kuya "Ano pong ilalagay ko?" tanong nung kuya sa kanya.

"DAVE AT ERIKA" simpleng sagot niya, ahhhh pinalalagyan pala iyon ng pangalan. Ilang minute kang ang lumipas at natapos na ang paglalagay ng pangalan sa bracelet. Lumapit sa akin Si dave habang dala-dala niya ang dalawang bracelet. Akala ko ibibigay niya sa akin pero kinuha niya ang kamay ko sa pinakamasuyong paraan na maari niya magawa. Hindi na ako tumingin sa Ginagawa niya, sa mismong mukha niya lang ako nakatingin habang inilalagay niya sa kamay ko ang bracelet. Natapos na siya sa ginagawa niya pero ako parin ay nakatanga sa maamo niyang mukha,

"Erika, do you want some HENA?" tanong sa akin ni dave, hindi ko naintindihan ang sinasabi niya dahil kinakabisado ko ang bawat sulok ng mukha niya. Kaya tango nalang ang sinagot ko. Hinawakan niya naman ang kamay ko at iginaya niya nalang ako sa upuan. Napatingin nalang ako sa kanya habang may ibinulong siya kay kuya. Tumango naman ang kuya. Inilahad na niya ang kanya ang kaliwang kamay. Napatingin nalang ako sa Ginagawang pag hena ni kuya kay dave. Isa yong Lock.

"It's your turn" sabi ni dave sakin, huh? ako? siguro Ayun yung sinabi niya sa akin kanina. Kaya mabilis kong inilahad ang kaliwang kamay ko. Ang hinihena ni kuya doon ay isang susi. Nang matapos ang paghehena ay inilabas ni dave ang polaroid camera niya. Pinicturan niya ang Kamay naming kapwa may Hena at ang kanang kamay na may Bracelet.

Ibigay niya sa akin yung picture na bracelet yung laman at doon ko lang napansin na sa bracelet ko nakalagay ay "DAVE". Kaya lumipat ang tingin ko sa mismong kamay ko, Napangiti nalang ako nang makitang Dave nga ang nakalagay.

Ang lakas talaga ng tama nang dave na yun. Sobra Sobra na ang nagagawa niya para sa akin ah. Masyado niya na akong pinakikilig. Masyado na akong nadadala sa ka-sweetan niya. Nako kung hindi pa siya tumigil baka tuluyan talagang mahulog na ako sa kanya.

We spend our whole day in eco-park, nagpicnic kami, nag kwento ako about sa pangarap ko, ako lang nagkuwento paano ba naman ay si dave ay hindi nagpaplano in the future. Basta ang sabi niya mag Do-doctor din daw siya. Hindi niya sinabi kung bakit Ayun ang gusto niya.

Hinatid niya ako pauwi, ngayon ay nakahiga na ako dito sa kama ko, Hindi ko parin talaga maiwaglit sa isip ko ang pakiramdam na hawak-hawak niya ang mga kamay ko. Hindi ako makatulog, nakapikit lang ako pero hindi talaga ako tulog. Paano pa naman kasi ako makakatulog kung paulit-ulit na nakikita ko ang nakangiti niyang mukha kapag nakapikit na ako. Hindi ako makatulog kasi Iniisip ko ang masasayang oras na magkasama kami. Nahuhulog na nga ba talaga ako sa kanya? Ito na ba talaga yung sinasabi nilang pag-ibig? and the last thing I knew is that...

"I FALL APART BEFORE I FALL ASLEEP"

30 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon