Day 7

827 18 0
                                    

DAVE'S POV

Nandito ako ngayon sa gate ng apartment na tinutuluyan ni Erika. Nagulat ako kahapon dahil nag iba yung mood nya at bigla nalang siyang umalis, pero alam ko din naman kasalanan ko iyon dahil sa walang kwenta kong sagot sa mga tanong niya. Nag door bell ako at may isang nasa 40's na babaeng bumungad sa akin. Nginitian ko siya "Hi po, diba po dito nakatira si Erika?" Nagulat naman ang ginang sa sinabi ko.

"Oo dito nga, Sino ka?" Masungit na tanong sa akin ng ginang.

"Ako po Si Dave, Kaibigan po ni Erika" pagpapaliwanag ko pero hindi pa rin ako pinapapasok ng gate.

...

"Ewan ko ba dyan sa batang iyan, Hindi nagla-lalabas" pagkukuwento ng tita ni erika habang iginagaya ako paakyat ng hagdan. Buong akala ko kanina hindi niya na ako papasukin pero nung sinabi kong kaibigan ko si erika parang umaliwalas ang mukha niya. Masaya siya kasi sa wakas may naging kaibigan din daw si erika dito.

"Oo nga po e, naikuwento niya sa akin." sagot ko naman.

"Noong nakaraang bakasyon nga akala ko kung saan na sya nagpunta dahil isang linggo ko syang hindi nakita, ayun pala andun lang sa loob ng apartment niya." dagdag pa ng tita nya.

Andito na kami ngayon sa Third Floor which is pinakamataas na floor ng apartment, Lumapit ang tita ni Erika sa Pangatlong pinto at tinawag niya ako kaya naman lumapit ako. Pumunta muna ako sa gilid nag-ipon ng lakas ng loob kinausap si Erika ng tita niya saglit at nang umalis ito ay agad akong sinenyasahan na magpakita na. Kaya Lumapit ako sa pinto. Halatang na gulat si Erika na nakita niya ako. Nginitian ko siya at pinapasok naman niya ako sa loob. Umupo kami sa sofa.

Erika yung kahapon---

Hindi, ako dapat ang mag-sorry. Ang kulet ko kasi e

No, its okay.

Oo, okay na yun. Wag na nating iisipin yun

Tinignan ko siya sa mata May gagawin kaba ngayon? tanong ko.

Ahmn, Wala naman. Maiksing sagot niya at umiiwas sa mga mata ko.

Can we go outside? pag-aya ko sa kanya.

Para siyang nagulat Hah? Lalabas tayo? tumango ako. Oo sige. Salit lang magbibihis langs ako

Ilang sandal pa ay lumabas na siya ng kuwarto at nakasuot nang kulay Puting damit na may Puso sa Gilid at Pantalon, nakalugay lang ang mahaba at tuwid niyang buhok.

Saan tayo pupunta? tanong sa akin ni Erika habang naglalakad kami palabas ng apartment. Nang makalabas kami ay agad akong pumara ng taxi at doon ko na lang siya sinagot.

Ikaw ang bahala

..

"Ikaw nalang pumasok" sagot ko kay erika dahil naka tayo kami ngayon sa harapan ng simbahan.

"Bakit?"kunot nuo nyang tanong sa akin.

"Di ako nag sisimba"nahihiya kong sagot kaya dumako ang tingin ko sa sahig.

"Edi ngayon simulan mo ng mag simba."

"I asure you the moment i step in the door of that church, i'm gonna burn" tiningala ko na sya ng tingin, nag salita ng seryoso at sya nama'y humahalakhak lang. Hindi mo ako ma pipilit erika, ilang kaibigan ko na ang nag aya sa aking mag simba at kahit isa sa kanila hindi ako napapayag.

"Sige na please" she looks at me with a pleading eyes, o shit wag ganyan!. Hindi na nya hinantay ang sagot ko, Hinawakan nya ang kamay ko at hinila papasok sa simbahan. All my defences, nalusaw, nong tingnan nya ako at hawakan ang kamay ko.

"Wooooh! Buti di ako nasunog sa loob." Sabi ko ng makalabas kami ng simbahan.

"Youre just being OA, dave. "Tatawa tawa niyang sabi sa akin. "Bakit pala hindi ka nag sisimba?" Tanong niya sa akin. Pero hindi ako sumagot. Bakit parang kinakabahan siya? "W-What religion are you? i'm so sorry napa simba ka tuloy sa ibang simbahan." Nahihiyang sabi niya sa akin. Ayun pala ang dahilan kung bakit parang kinakabahan siya. Akala niya ay hindi ako Roman Catholic. Nagbaba tuloy siya ng tingin.

Iniangat ko ang mukha niya gamit ang kamay ko. "I'm Roman Catholic, wag kang kabahan dyan" Nanlaki ang mga mata niya at halata padin ang hiya. " its just that i don't really go to church like what you supposed to do." Nakatingin lang siya sa akin at pakurap-kurap lang siya ng bitawan ko na ang baba niya.

"E bakit?" Na ku-curious yata siya.

"Maybe when time comes i tell it to you, Pero hindi muna ngayon."

30 Daysحيث تعيش القصص. اكتشف الآن