Day 18

642 14 0
                                    

DAVE'S POV

Pagkamulat nang aking mga mata, isang magandang dalaga ang aking nakita.

Kagigising ko lang at nagulat akong andito na si erika.

Kahapon ay hindi nya ako iniwan, inalagaan nya ako buong araw. Umalis lang siya kinagabihan. Napakasaya ko dahil may muling nag-alaga sa akin, sa natatandaan ko kasi si mama lang ang nag-aalaga sa akin kapag may sakit ako. Minsan lang ako magkasakit pero sobra-sobra. Mahirap din akong gumaling kaya nga nagtataka ako kung bakit pagkagising ko ngayon ay maayos na ang pakiramdam ko. Siguro dahil si Erika ang nag-aalaga sa akin at napainom niya agad ako ng gamot.

"Good Morning" napaka tamis ng ngiti nya, sana ay makita ko ito sa tuwing gigising ako sa umaga.

Nginitian ko sya pabalik "Good Morning din"

Bumangon ako mula sa pagkakahiga "Maayos na ang pakiramdam ko" Lumapit naman sa akin si erika at hinawakan ako sa leeg, siguro'y tinitignan nya kung may lagnat ako.

"Oo nga" sabi nya sabay tumango-tango.

"Syempre ikaw nag-aalaga sa akin" ngumiti ako pero pilit nahalata nya ata kaya umirap lang siya sa akin at tumawa ng kaunti.

"Okay,magaling kana nga." Tumayo siya "pero kailangan mo paring mag pahinga"

Ako din ay tumayo na "nagugutom na ako...:

"Magluluto tayo"sabi nya sabay hila sa akin palabas mg kuwarto ko.

Nakarating na kami sa kusina.

"Umupo ka na lang pala doon, ako na dito." Sabi nya sakin

Lumapit ako sa lutuan "Gusto kong tumulong"

"Sige na nga, ikaw nalang mag saing, ako nalang bahala sa ulam." Sabi nya at binuksan ang refrigerator.

"okay!"masiglang sabi ko kaya napalingon sa akin si erika na nakakunot ang noo "i told you magaling na ako" kinuha ko na ang rice cooker at naglagay ng bigas, matagal-tagal na din pala akong hindi nakapag sasaing ng kanin. Puro nalang kasi ako kain sa labas. Pag kasalang ko ng kanin ay pinuntahan ko naman si erika sa pagluluto niya.

"Hmnnn. Ang bango naman nyan."sabi ko habang inaamoy ang buhok ni erika mula sa likuran.

She chuckled."Bacon at at Egg lang naman itong niluluto ko." Hindi naman kasi yung niluluto ang tinutukoy ko kundi ikaw. Ikaw.

Natawa nalang ako sa naiisip ko."mabango talaga eh" sabi ko sabay inilapit pa ang mukha ko sa may bandang balikat nya at pumikit nagulat ako nang bigla siyang lumingon at mutik nang maglapat ang mga labi namin. Nagkatitigan lang kaming dalawa, tulala lang siya sa akin.

Bayan sayang. Sayang yun. Sayang talaga. Dapat kasi ini---

Hindi na natapos sa pagsasalita ang munting parte ng aking utak mang makaramdam ako nang malakas na pag hampas sa balikat ko.

"Dave! Wag mo na yung uulitin kundi masusuntok na talaga kita" naiinis na sabi nya.

Tumawa lang ako nang malakas "Bakit ano ba yun?" Painosenteng tanong ko.

"Hmnp!" Tinarayan nya lang ako at bumalik sa pagluluto
Niya

"Eh! Ikaw naman kasi ang lumingo---"

"Aaah!!"sigaw ni erika na nagputol nang sasabihin ko. Nagtago Siya likod ko at hinawakan ang t-shirt ko HAHA mukha siyang bata.

"Bakit?" Tanong ko.

30 DaysWhere stories live. Discover now