Day 16

590 18 0
                                    

ERICA'S POV

Naglalakad ako palabas ng School, iniisip ko kung papasok paba ako? wala na rin naman kasing gagawin e, tapos na ang Final Examination naming. Sabi ng adviser namin, Pwede raw pumasok pero pwede din daw na hindi nalang. Bumalik nalang daw sa April 1 para sa One day Practice ng Graduation at Kuhaan na din ng Toga.

Mag-isa lang akong uuwi ngayon, Pero diba ganito naman talaga ako dati? mag-isang umuuwi? pero bakitparang iba ngayon? parang may kulang.

"Erika!"narinig kong may tumawag sa pangalan ko, at pamilyar sa akin yung bosses na iyon. Siya ang taong hinahanap ko at ang taong hinahantay kong sabayan ako. Saan kaya galling tong lalaking to? Ni hindi man lang kasi kami nag kita kahapon.

nilingon ko sya "Oh! Hi Dave" tapos ngiti

"Hindi kita Nakita kahapon ah" sabi nya.

"Hindi rin kita Nakita kahapon"sabi ko.

Tumalikod ako at pinanatayan nya naman ako sa paglalakad.

"Na-miss kita" kumunot ang noo ko sa sinabi nya. Na-miss din naman kita dave.

"HAHAHA, anong pinagsasabi mo dyan"natatawang sabi ko.

"Hays, wag na nga"anong nangyayare ditto kay dave?

Nakalabas na kami ng School ng mag salita ulit sya.

"Erika"

"Hmn?"

"may sasabihin ako sayo" naku-curious ako kung ano yun, dahil napaka-sersyoso ng mukha pero mukha naman sya kinakabahan?

"Ano yon---"hindi na natapos ang sasabihin ko nang tumunog ang cellphone ko. Napatigil kami sa paglalakd ng kuhain ko ang cp ko. Sinagot ko iyon at nagpatuloy na kami sa paglalakad.

"Oh! Hi papa"bati ko kay papa.

"Anak"may diin ang boses ni papa."Saan galing iyon?" ngayon ko lang naalala, oo nga pala nag padala kami doon. Ni hindi ko man lang na-inform sila papa.

"pa, hindi ba sabi ko, ako na ang bahala."

"Pero anak sobra-sobra naman iyon. Umamin ka sa akin, nagtatrabaho ka ba diyan?" si papa, ayaw nya talaga akopag-trabahuhin dahil ang sabi nya na, kailangan ang magulang ang nag ta-trabaho para sa pag-aaral ng anak nila.

"Pa hindi po" matapat kong sabi

"Eh, saan mo iyon nakuha?"Tanong sa akin ni papa. Ini-loudspeaker ko ang cellphone ko para marinig ni dave.

"Pa, galling po iyon sa isang taong napakabuti ng puso" pagkausap ko kay papa, pero ang tingin ko ay naka focus lang kay dave. Tinititigan ko sya habang Nagsasalita, sya din naman ay nakatingin lang sa akin, habang patuloy kaming naglalakad.
"Galing po iyon sa isang taong bukal ang kalooban na tumulong sa kapwa nya, Sa totoo lang pa, Kahit ako din hindi makapaniwala na binigyan nya tayo ng ganon, Noong una ayaw ko ding tanggapin dahil iniisip ko sobra-sobra yun pero mapilit talaga ang taong iyon pa. Hindi yun Tumatanggap ng salitang "NO", kaya laking pasalamat ko sa taong iyon." pakiramdam ko ay lumulutang ako dahil titig na titig din si dave sa akin.

"Anak, hindi ko ito hiningi. Pero kung sino man ang taong may kabuting puso ang tumulong at nagbigay ng mga ito Pakisabi na maraming-maraming Salamat." ramdam kong seryoso si papa, napangiti naman si dave nang marinig nya ang pagpapasalamat ni papa. "Mahal na Mahal kita anak, maraming Salamat, palagi kang mag-iingat" naiiyak ako.

"I love you papa." sabi ko sabay patay ng tawag. Miss ko na sila, miss na miss. Lumipat naman ang tingin ko sa lalaking kasabay kong mag-lakad.

tumingin ako sa baba "Dave, maraming-maraming Salamat talaga"

nilagay nya ang kamay nya sa bulsa ng pantalon nya "Wala yun"

nag-angat ako ng tingin "Paano ba ako makakabawi sayo?"

ang mga mata nya ay nagtatanong "Huh? bakit ka babawi? Deal yun diba? I've just done my part"

"pero sobra-sobra naman yun dave"nahihiya talaga ako "Dali na, kahit ano. Basta makabawi lang ako sayo"

"Stay."
mabilis at simpleng sagot nya. Pero natigilan ako duon. Anong klaseng stay? Saan? Naalala kong may sasabihin nga pala siya sa akin kanina.

"Ano nga ulit yung sasabihin mo?" tanong ko sa kanya. Ayokong pag-usapan ang stay stay nyang nalalaman.

"Kasi mer-----"hindi na natapos ang sasabihin nya ng biglang bumuhos ang ulan. Mabuti nalang at malapit na kami sa apartment. Kaya tumakbo nalang kami ng mabilis.

"Woah!"sigaw ko ng makarating kami sa labas ng apartment Mabuti nalang at merong masisilungan dito."Grabe bakit biglang umulan?"tanong ko kay dave pero si dave ay naka tulala lang. "Hoy!" agaw ko sa atensyon nya, duon lang sya napa-kurap-kurap.

"Oh!" sabi nya sabay fake smile.

"Ano nga pala yung sasabihin mo sa akin." na ku-curious kasi talaga ako kung ano yun.

napa iling-iling lang sya "Ahh wala, wala lang yun" sabi nya na parang nataranta. Hinubad nya ang bag nya at iniabot sa akin."Erika, dito muna yung bag ko. Kukuhain ko nalang bukas." yung lang yung sinabi nya bago umalis. Sinuong ang malakas na Ulan.

"Hoy dave!!! patilain mo muna yung ulan!"sigaw ko sa kanya pero hindi sya lumingon at patuloy pa din sa paglalakad grabe basang-basa na sya "Dave!!!"sumigaw akong muli pero parang wala syang narinig, hanggang sa nakalayo na sya.

haistt ano bang problema ng lalaking yun? Bakit bigla bigla nalang umaalis? ang lakas lakas nang ulan. nako! hindi man lang nakikinig sa akin! sarili lang talaga ang pinapakinggan!



30 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon