Day 23

535 13 0
                                    

ERICA'S POV

"Bakit tatlo ito?" Tanong sa akin ni dave ng dumatig na ang pagkain na inorder ko.

"Dave, pwede bang magtanong?" Pag-iiba ko sa usapan.

"Sige ano yun" sabi niya habang pinagsiklop ang mga kamay.

"Sa totoo lang kahapon ko pa ito gustong itanong" kinagat ko ang labi ko. Ito nalang talaga ang paraan "Sino yung babaeng may Red na buhok?"

Nangunot ang noo ni dave pero sumagot parin siya "Ahhh, Si Yoradyl."

"Kaano-ano mo siya?" Tanong kong muli.

"Kaibigan ." Maiksing sagot niya

"Katulad ba nong satin?" Napatakip nalang ako sa bibig ko, hindi ko na filterize ako mga sasabihin ko. Ano bayan! Kailangan ba talaga itanong ko pa yun? Urghhh!!!

Lalong kumunot ang noo ni dave pero mahinang siyang natawa "what?"

"Wala, wala, wag mo nang isipin yon" mabilis kong sagot.

"I heard something" sabi niya

"Wala, basta." Sagot ko, napansin niya atang hindi pa kami kumakain.

"May hinihintay pa ba tay---"

"Ang sabi ko kung magkaibigan kayo tulad ng sa atin?" Putol ko sa kanya, pero napalakas ata ang pagkasabi ko. Ilang sanmdali kaming tahimik.

"Look erika, it's not what you think" umiiling-iling pa siya.

"No,No i didn't think about it. It's just that you know." Napabugtong hininga nalang ako pero naputol yun ng biglang tumawa si dave. Na para bang nakarinig siya ng isang nakakatawang biro.

"Hey!" Pukaw ko sa kanya.

"Kung iniisip mo na lumalabas din kami tulad ng 7ginagawa natin. My answer is no, erika." Masyado na siyang seryoso ngayon. Pinaktitigan niya ang nga mata ko. "Bakit mo nga pala naitanong"

"Wala" maikling sagot ko habang iniiwas ang tingin ko sa kanya.

"C'mon" pamimilit niya

Haysss sige na nga tutal wala pa din ang hinihintay namin. "Napansin ko kasing close kayo, yun lang naman" shit shit.

"Well close talaga kami since Elem palang. Pero we are not friend, na katulad nung sa atin" nakahinga na ako ng maluwag dahil don.

Magsasalita na sana ako ng biglang may umupo sa isang upuan Sa gitna namin ni dave. Sabay kaming napalingon, nangunot naman ang noo ni dave ng makita niyang papa niya iyon.

"Hi son, How are you?" Yun ang sinabi ng papa niya pero hindi niya ito sinagot, pinansin o kahit nginitian man lang.

Tumingin sa akin si Dave "Umalis na tayo." Matigas ang boses niya.

"Dave kausapin mo muna ang papa mo" sabi ko sa kanya.

Nagtatakang tumingin siya sa akin "Kilala mo na siya?"

Tumango ako "oo"

Bakas ang galit sa mukha ni dave "So, ikaw pala ang nagpapunta sa kanya dito?" Tumango lang ako "Halika na, umalis na tayo" tumayo siya at hinawakan ako sa pulsuhan.

"Dave kausapin mo muna ang papa mo" sabi ko habang tinatanggal ang kamay niya sa pulso ko.

Iwinisik niya ang kamay ko "Ayaw mong sumama? Fine." Yun lang ang sinabi niya at naglakad palayo.

"Wait lang po, ako ang bahala" sabi ko sa papa niya at tumakbo papalabas ng restaurant, mabuti naman at naabutan ko siya. "Dave!!!" Sigaw ko.

Nilingon naman niya ako. Halata ang galit niya. Nagagalit siya sa akin?

Hinawakan ko ang kamay niya "Dave kausapin mo naman ang papa mo kahit ngayon lang" Inalis niya ang kamay ko."Pakinggan mo naman ang paliwanag niy---"

"Para saan?!" Malakas ang boses niya "Maibabalik pa ba ng paliwanag niya yung buhay ng nanay ko?" Namumula ba ang mukha niya dahil sa galit.

Tiningnan ko siya sa mga mata "Hindi pero siya ang papa mo at kahit bali baliktarin natin ang mundo parehas ang dugong dumadaloy sa inyo. Anak ka niya!."

"Oo erika!, anak niya ako sa dugo, pero sa puso? Hindi! Ni hindi ko naramdaman na tatay ko siya!" Sigaw niya.

"Pagbigyan mo naman ng pagkakataon yung papa mo, patawarin mo naman siya!" Tumataas na din ang boses ko dahil ang tigas ng ulo niya.

Sinalubong niya ang tingin ko. "Pagbigyan? Patawarin? Nagpapatawa ka ba?, akala mo ba ganong kadali lang yon?" Sa uri ng tingin niya sa akin parang ako nadin ang sinisisi niya. Ang sakit sa puso, ang sakit sakit. Dahil kahit kelan hindi niya pa ako tiningnan ng ganyan, kaya na ninibago ako. Ito ang unang beses na nakita kong galit siya.

"Please dave, kahit ilang minuto lang kausapin mo naman si---"

"Wag mo akong didiktahan kung anong dapat kong gawin! Walang mag sasabi sa akin kung sino ang dapat kong kausapin, patawarin o pagbigyan! Bulyaw niya sa akin. "Hindi mo alam kung gaano kasakit!" Tinuro niya ang dibdib niya. "Kaya wala kang kaparatan para sabihin sa akin kung ano ang dapat kong gawin" ako naman ang tinuro niya ngayon.

Umalis na si dave pero ako andito padin. Andito padin sa kinatatayuan ko, hindi ako makapaniwala na sinigawan niya ako. Ito ang unang beses na nagalit siya. Nagalit siya sa akin. Ang sakit ng puso ko, parang may isang itak na itinarak niya dito at siya lang din mismo ang makakapag alis nito. Nasa utak ko pa din ang mga sinabi niya sa akin kanina.

Wala kang karapatan na pangunahan ako.

Wala kang kaparatan na dikatahan ako sa bagay na dapat kong gawin.

Hindi mo alam kung gaano kasakit.

paulit-ulit iyon sa utak ko, hindi mawala kahit anong pilit ko. Nasasaktan ako, sobrang sakit lang kasi hindi ko inakalang kaya niya akong sabihan ng ganon. Hindi ko na napigilan ang luha sa pagpatak.

Tuloy tuloy na umagos ang luha mula sa mga mata ko. Hindi na alintana kung nasa pampublikong lugar ako, basta mailabas ko lang ang sakit. Yun lang ang nasa isip ko.

Napatanong nalang ako sa sarili ko.
Mali ba ang ginawa ko?
Mali bang tinulungan ko ang papa niya?
Mali ba napilitin ko siyang makipagusap?
Mali ba na sinabi kong patawarin niya ang papa niya?
Mali bang sinabi ko na Bigyan niya ng pagkakataong magpaliwanag ang papa niya?

Ngayon ko lang na realize ang lahat. Na dapat pala hindi ko siya pinilit kung ayaw niya talaga, kusa naman niyang mapapatawad ang papa niya. Kusa naman yun lalabas sa puso niya. Magkukusa niya nalang na maramdamanng napatawad na pala niya ang papa niya.

Kasi kung bukal talaga sa puso ng isang tao ang magpatawad hindi mo na siya kailangang pilitin pa.

Pinunasan ko ang luha ko at bumalik sa loob para kausapin ang papa ni dave.

30 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon