Day 24

548 18 1
                                    

DAVE'S POV

Ang tanga tanga ko, bakit ko sinaktan ang kaisa-isang babaeng nakakaintindi sa akin! Nagpadala nanaman ako sa galit na nararamdaman ko! Hindi ko man lang naisip ang mga bagay na pinagsasabi ko. Kung ano lang ang maisip ko ayun lang ang lumalabas sa bibig ko. Kung maibabalik ko lang ang kahapon sana hindi ko nalang pinagtaasan ng boses si erika.

Paniguradong nasaktan ko siya.

Nakakainis naman kasi, bakit umieksena pa si ang tatay kong iyon? Pero nang dahil din sa sinabi kahapon ay natauhan ako. Bakit nga hindi ko bigyan ng papagkakataon si papa na magpaliwanag?

Hindi Ko tuloy alam ngayon kung paano ko haharapin si erika. Andito ako ngayon sa tapat ng pinto ng iuupahan niya pero hindi padin ako maka katok. Walang lakas ang kamay ko para katukin ang pinto. Nakatitig lang ako sa pinto.

Nag-iisip ako kung ano ang sasabihin ko kay erika. Paano pala kung hindi na niya ako pansinin? Paano kung hindi niya ako pagbuksan ng pinto? Paano kung galit pala siya sa akin?

Naputol ang pag-iisip ko ng biglang bumukas ang pinto parehas kaming nagulat ni erika. I was rooted in place hindi ko alam ang sasabihin ko.

Kaya niyakap ko nalang siya.

ERICA'S POV

Pagkagising ko kaninang umaga ay magang-maga ang mga mata ko dahil sa kaiiyak kagabi. Hindi kasi talaga mawala sa isip ko yung sinabi ni dave e. Ang sakit parin talaga. Tanghali na pero hindi padin ako nakakapag agahan, wala akong ganang mag luto kaya bibili nalang ako ng lutong pagkain sa labas.

Nagulat ako ng buksan ko ang pinto dahil bumungad sa akin si Dave.

Lalo akong nagulat ng bigla niya ako yakapin. Parang mahika talaga ang yakap niya, kung kanina ang sakit ng puso ko pero parang ngayon ay wala na yung sakit.

Kung kanina sobrang sakit ng puso ko ngayon na niyakap niya ako nawala na iyon. Di ko mapigilang mapaiyak.

Pumasok kami sa loob at isinarado niya ang pinto gamit ang paa niya, dahil hindi siya bumitaw sa pagkakayakap sa akin. Yakap Yakap niya parin ako habang tumutulo ang mga luha ko.

"Hush... S-sorry erika" nagkanda utal-utal pa siya sa pagsabi ng sorry. Hindi kasi talaga siya nag so-sorry kahit alam niyang kasalanan niya. Naalala ko tuloy nong nabangga niya ako bg skateboard ni hindi man lang talaga siya nag sorry nun.

"SORRY ERIKA, SORRY TALAGA" masaya ako na natuto na siyang manghingi ng tawad kapag alam niyang may kasalanan siya.

Hinahaplos niya ang buhok ko "Sorry... Sorry... "  Bumitaw siya sa pagkayakap, hinawakan niya ang baba ko at ipinaharap sa kanya. Pinunasan niya ang mga luha ko. "Erika, S-sorry talaga sa mga nasabi ko kahapon" Sabi niya habang nakatingin sa akin. Mahahalata sa mata niya ang pag-sisisi...

"Sorry, hindi ko sinasadya. Promise hindi na mauulit" sabi pa niya

"Sorry din kasi pinilit kita"

"Hindi, Hindi wala yun. Wala kang kasalanan."

"Pero sorry padin."

"Hindi lang talaga ako handa kahapon. Nagulat lang ako. Pero hindi mo kasalanan yun ah" pagpapaintindi niya sa akin. Tango lang ang isinagot ko.

"Dave, pasensiya na kung pinangunahan kita. Kinausap kasi ako ng papa mo at nagpapatulong siya sa akin para makalapit ulit siya sayo." Pagpapaliwanag ko naman.

"Naiintindihan ko erika, wala kang kasalanan." Muli nanaman niya ako niyakap pero. Iba yung kanina sa paraan ng pagyakap niya ngayon.

"Erika may sasabihin ako sayo..." at dahil magkayakap kami ay nararamdaman ko ang mabilis na tibok ng puso niya. Para siyang kinakabahan.

"Ano yon?" Tanong ko. Ipinatong ang baba ko sa balikat niya.

Huminga siya ng malalim. "K-kasi G-Gusto na ata kita" sabi niya na nagpa dagundong sa buong mundo ko. "Ayyy mali pala" bawi niya. Parang bumalik naman sa normal ang mundo ko. "MAHAL NA PALA KITA" pakiramdam ko ay tumigil ang pagikot, hindi lang ng Planet Earth kundi pati narin ang lahat ng planeta sa solar system. Pati siguro pagdaloy ng dugo ko ay tumigil. Ang puso ko ay pumipintig ng sobrang bilis. Ang labi ko naman ay nakaawang ng unti.

Mahal na pala kita

Mahal na pala kita

Mahal na pala ki--

"Erika?" Tawag ni dave sa atensyon ko. Buti naman at natigil ang pagsasalita ng maliit na boses sa loob ng utak ko. "Erika, Mahal Kita" sobrang sweet ng boses niya at damang-dama ko ang salitang binigkas niya. Ito pala ang pag-ibig. Ganito pala ang pakiramdam ng mahalin.

Napaiyak nalang ako sa sobrang saya ko. "ERIKA? ayos ka lang? Bakit ka umiiyak?" Sunod Sunod na tanong niya sa akin. Halatang nag-aalala siya pero hindi parin siya bumibitaw sa yakap. Ganon din naman ako.

Naiyak nalang talaga ako sa sobrang kasiyahan "Tahan na Erika, Husshh..." naramdaman ko ang paghaplos ng kamay niya sa likod ko. Hinantay ko lang na humupa ang luha ko bago ako magsasalita. Pero naunahan ako ni dave na magsalita

"Erika, Hindi ako bibitaw sa yakap nato, hangga't hindi mo sinasabi sa akin na mahal mo rin ako" Seryosong sabi niya.

"Edi Hindi ko nalang sasabihin na mahal din kita, kasi pag sinabi ko iyon bibitiw kana." Natatawang sabi ko.

Agad siyang nagbitiw sa yakap namin at hinawakan ng dalawa niyang kamay ang mukha ko "Pakiulit? Anong sabi mo?" Tanong niya sa akin.

Tumawa ako ng kaunti "Ang sabi ko MAHAL KITA" Nakita ko ang pamumula ng mukha ni dave. Nagpakawala siya ng isang nakakatunaw na ngiti.

Nginitian ko din siya. "Kelan pa dave?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ko alam, siguro nong unang araw palang na nakita kita." Nanlaki naman ang mga mata ko.

"Nakita mo din ako non?" Tanong ko sa kanya.

"Oo naman. Makakalimutan ko ba naman ang isang napakagandang dalaga kagaya mo?." Ay sus nambola pa. "E ikaw kailan?" Tanong niya pabalik.

"Ayokong sabihin, nakakahiya naman kasi diyan sa First day mo!" Pagbibiro ko.

"You know what" niyakap niya ulit ako "In Just one Look, You took my breath away". Bulong niya sa tenga ko. "Hindi ko alam kung bakit,Hindi ko alam kung pano. Pero naramdaman ko kasi talaga yun, nong unang araw palang na nakita kita. Hindi lang siguro katindi kagaya ng nararamdaman ko ngayon." Bakit ang sweet naman ata ng lalaking to?

"Wala akong masabi dave. Basta ang alam ko lang. Pag nakikita kita, sumasaya ako. Kapag kinikindatan mo ako, kinikilig ako. Sa tuwing titingnan mo ako pakiramdam ko, ako lang ang tao sa mundo at sa tuwing hahawakan mo ang mga kamay ko nagdadala yun ng milyon-milyong kuryente sa buong katawan ko." And now i just finish ny speech. Kala niya, siya lang hah!

"WoW, You're so Cute" he said.

"and You're so Hot" i said.

"I think we are perfect couple" he said to me with a smiling face. He Hold my chin and the last thing i knew is that...

His Lips Meets Mine.







30 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon