Day 13

726 14 1
                                    

DAVE'S POV

Andito ako sa labas ang apartment na tinutuluyan ni erika pumunta ako dito dahil ngayon ko tutuparin yung deal namin yung tutulungan ko siya sa problema nong clinic nila sa probinsya.

Nahihiya nga ako pumunta ngayon dito kasi kahapon nawala ako sa sarili ko dahil sa sobrang lalim nang iniisip ko, hindi ko tuloy napansin na wala na sya.

Nagulat nalang ako pag lingon ko sa gilid ko, wala na sya.

Iniisip ko kasi na kung itutuloy ko ang pag punta dun sa Hospital o Hindi, dahil hindi ko ata masisiste na manghingi ng tulong sa papa ko, ayaw na ayaw kong humihingi ako ng tulong sa kanya, kung magbigay sya, Okay. Kung hindi, Okay lang din.

Pero syempre kailangan kong gawin to dahil nangako na ako kay erika at saka gusto ko din syang tulungan.

Kumatok ako sa pinto nya na agad naman nyang pinagbuksan, halata sa mukha nyang kagigising nya lang.

"Oh! Anong ginagawa mo dito?"gulat na tanong nya.

"Our Deal"ngumiti lang sya at pinapasok ako sa loob, umupo ako sa maliit na sofa.

Si erika naman ay pumunta sa kusina. May niluluto ata sya.

"Nag-agahan kana ba?"tanong nya sa akin.

Tumingin ako sa relo ko, 9:02 "Ahh oo tapos na" sagot ko.

Tumango-tango sya"Ahhh hindi pa, o sige sige sabay na tayo mag-agahan."sagot nya, minsan talaga may pagkabaliw tong si erika.

Tumawa lang ako at hindi nag salita, hinantay ko sya matapos magluto.
Ngayon ay andito sa kami sa kusina, naka hanay sa lamesa ang kape na tinimpla, pancakes na niluto ni erika.

"Bilisan natin kumain dahil may pupuntahan pa tayo."sabi ko kay erika.

Kunot ang nuong nag angat sa ng tingin sakin "Saan tayo pupunta, parang di ako aware na aalis tayo ngayon."

"Remember our deal?"

"Akala ko---"

"Ano?"

"Ahh wala wala."

Natapos na kaming kumain at nagbihis na sya, ngayon ay nakalabas na kami sa kanilang apartment pumara ako ng taxi at sumakay na kami.

"Saan tayo pupunta?" Agad nyang tanong pahkasakay na pagkasakay namin.

"Secret"sagot ko at bumaling ako sa driver "Manong, Sa Canellas Medical Company." Tumango naman ang driver bumaling ako kay erika na nangungunot naman ang noo nya.

Mga kalahating oras lang ang itinagal ng byahe namin papunta dito. Matagal-tagal na din akong hindi nakakapunta dito, ang laki na ng ipinagbago ng hospital. Lalong gumanda, ang mga gamit ay mas naging high-tech na, mas naging maaliwalas ang paligid.

May nakasalubong akong ilang nurse na bumabati sa akin pero hindi ko sila pinapansin. Ito ang pinaka-ayaw ko sa lahat. Yung pumupunta ako sa isang lugar at andaming nakakakilala sa akin, paano ba naman yung tatay ko walang ibang ginawa kundi sabihing ako ang Unang anak nyang lalaki na syang tagapagmana ng Hospital na ito.

Tuloy tuloy lang kami ni erika hanggang sa makarating kami sa loob nang stock room, kung saan andito ang mga naka stock na technologies for check up at ilang mga Medicine na   nasa loob ng isang malaking Pharmaceutical Cabinet.

Nilingon ko si Erika na kanina pa tahimik. Nakita kong manghang-mangha sya sa kanyang mga nakikita. Kaya hinayaan ko nalang sya. Hindi ko muna kinuha ang atensyon nya.

30 DaysDonde viven las historias. Descúbrelo ahora